01. Accident

109 4 2
                                        

Anaih

Ilang araw narin ang nakakalipas simula ng tinanggihan ko ang alok ni appa. No, ayaw kong bumalik ng korea. Maraming masasamang alaala ang naaalala ko dun, kaya ayaw ko talaga. Ayaw na ayaw ko. Atsaka ayaw ko ring iwan si umma dito sa pilipinas, ayaw ko siyang maging malungkot. Ilang taon na ring nagtiis si mama at palaging malungkot pero simula nung pumunta kami dito sa pilipinas parang nabuhay ulit kami. Yung ganung feeling, kaya ayaw ko. Masaya na kami dito, bat pa niya guguluhin? Masama talaga siyang tao

"Oy koreana! Tara lunch?" aya sa akin ni jana na kasama sila ike, nahihiyang ngumiti sa akin si ike kaya ngumiti na rin akong pabalik. Namula naman agad ang tenga niya kaya agad namang nagtawanan ang mga kaklase ko na nakatingin pala sa amin

"Yie~ ikaw koreana ha! Crush mo na ba ituuuung si bebe ike?" panunukso ni jana at nakigaya naman ang ilan, pilit naman silang pinapatigil ng namumulang si ike siguro dahil sa kahihiyan. Ngumisi ako at umiling, baliw ka talaga jana.

"Hindi ko siya crush okay? Oo nga cute siya pero di ko type" nakangiting  sabi ko sa kanila, napanganga naman sila kaya lihim akong napangiti. Ito yung advantage ko dito eh, pwede kong sabihin lahat ng gusto ko ng hindi nila nalalaman. Hahaha

"Ay teka, dumugo ilong ko" sabi ng isa sa mga kaklase ko at agad na lumabas ng room, mahinang hinampas naman ni jana ang balikat ko at pinanlakihan ako ng mata

"Ano ibig sabihin nun?" tanong niya, ngumisi ako at kinuha lahat ng gamit ko. Tumingin ako sa kanilang lahat bago tumingin kay ike. Nginitian ko siya at kinindatan

"secret" 

at dahil dun, napuno ng tilian at kantiyawan ang room. Haaay aniah, ano ba yang pinaggagagawa mo? 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Last period. Konting oras na lang talaga at dismissal na, excited na akong umuwi. Sabi kasi ni umma magluluto siya ng samgyetang at samgyupsal, minsan na lang kasi ako makakakain ng ganyan. Madalas adobo yung kinakain ko, bistek at kung anu-ano pang pagkaing pinoy.

11 yrs. old ako ng pumunta kami dito sa pilipinas, of course at first it was hard. Pero buti na lang talaga at marunong mag english si umma, kaya hindi masyadong mahirap. Pero mahirap parin talaga. Ah basta.  Nag-aral talaga kami ni umma kung paano magsalita ng tagalog, paano mamuhay na parang isang pilipino at marami pa kaming ginawa para lang maka fit in dito. At okay naman din ang resulta, naging maayos ang pamumuhay namin. Yun nga lang hindi maiiwasan ang mga bully sa school ko, noon. 

Ang akala kasi ng iba  chinese ako, kasi nga daw singkit. Asan naman ang hustisya dun diba? Porket singkit lang chinese agad? Nakakaloka sila. Pero it's all in the past now, wala nang nangbu-bully sa akin. Di na kasi uso yan ngayon, noon uso pa. Ngayon hindi na.

"Okay, sana may natutunan kayo kasi sayang naman ang binabayad niyo sa amin kung wala diba? Kung wala kayong natutunan, makonsensya sana kayo" wika ni Ms. Lameros, nagtawanan naman kaming lahat sa sinabi niya. Kahit kailan talaga si miss

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Mar 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kpop UniversityMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon