Note:
Italic - means that she's speaking in korean.
START
Aniah
"Hi mom" bati ko kay mommy ng maabutan ko siyang dinidiligan ang paborito niyang bulaklak na pinangalanan niyang portia. Yeah, i know my mom is weird. I get that a lot. Humalik ako sa pisngi niya kumuha ng apple na nasa tabi ni portia-- yes, portia na ang tawag ko sa bulaklak, at agad itong kinagatan. Tumingin sa akin si mommy at napansin ko agad ang lungkot sa kanyang mga mata.
Napataas ang kilay ko.
"Mom? Why? What's the problem?" tanong ko sa kanya pero ngumiti lang siya at umiling.
"Wala, sige na go to your room and change, ang baho mo na" natatawang wika niya at pinatalikod ako mula sa kanya at tinulak ng bahagya. I frowned, ano na naman kaya ang problema ni mommy? Kahit na punong-puno ng tanong ang utak ko at nagkibit-balikat na lamang ako at agad na nagtungo sa kwarto ko.
Kumuha ako ng isang malaking plain black t-shirt at jogging pants. Umupo muna ako sa mini sofa na nasa pinaka-sulok ng kwarto ko at tinignan ang cellphone ko. Nangunot ang noo ko ng makatanggap ako ng mensahe mula sa kaibigan kong si jana.
From: J. Pascual
KOREANA! Drunk in love daw sasayawin natin bukas, practice ka na lang diyan. Send ko sa iyo yung link ng video na gagayahin natin oki? oki. Galingan mo ha? Ikaw pambato ng grupo natin! WAHAHAHAHAHAHAHA lablotsssss :*
Napatawa na lamang ako sa tinext ni jana, loka loka talaga yun. Napabuntong-hininga ako at agad na chineck ang link na sinend niya. Napanganga ako sa nakita ko, WHAT THE HECK?! BAKIT ANG LASWA NG CHOREO?! Agad kong tinawagan si jana at sinabing ayaw ko dahil sobrang laswa pero ang sinabi niya lang ay..
"Kaya mo yan, fighting!"
Seriously? Kaibigan ko ba talaga yun? Napabuga ako ng hangin sa inis at tinignan ulit ang video, napangiwi ako ng malaswang gumiling ang babae. Actually maganda naman ang music, maganda rin ang sayaw pero parang hindi siya bagay sa akin. Dinownload ko na yung video at nagsimula nang mag warm up.
Hindi naman sa pagmamayabang pero magaling talaga akong sumayaw. At ako ang chairman ng Dance Club, kaya asa ng asa sa akin ang kaibigan kong si jana. Aigoo.
Sinimulan ko na ang pagsasayaw. { --> Yan yung ginagaya ni aniah}
Napailing ako at binalik sa pinaka-una ang video. Naman eh! Napaupo ako sa sofa at bumuntong-hininga. Eto ang problema sa akin eh, kung ayaw ko ay ayaw ko talaga kahit na importante pa yan basta ayaw ko talaga di ko gagawin. Umiling na lamang ako at napaface-palm.
Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko ng bumukas ito at bumungad sa akin ang umiiyak kong ina. Agad akong napatayo
"Umma, why? what's wrong?!"
"anak.."
"What?"
"Anak..... you're going back to korea"
- - - - - - - - - - - - - - - - - -
LAME again. Sorry, kung meron kayong napansin na mali pwede niyo akong sabihin. Oki? oki