Napatayo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan siyang natataranta habang papasok sa loob ng banyo.
Paglabas niya ay naka tapis lamang ito tumalya. Hindi komalaman pero nakaramdam ako ng init saaking katawan. Tumalikod kaagad ako rito at parang tangang pinapaypayan ang aking sarili.
Napatikhim pa ako.
Makaraan ang ilang minuto ay narinig ko na ang pagsara ng pinto, lumingon na ako at wala na akong makitang bakas niya.
Bumaba ako sa kayang kwarto, nakita ko siya na tahimik lamang na kumakain habang ang Ina niya ay wala roon.
Pinagmasdan ko lamang siya, nakakalungkot lamang isipin dahil ganitong buhay pala amg meron siya. Now I understand bakit siya palaging nasa coffee shop na iyon at nagsusulat.
Naglalakad kami patungo sa paaralan niya, nagtataka ako dahil habang may nakakasalubong kaming mga tao ay panay ang bulungan tungkol sakanya.
Huminto ako sandali at nakinig.
"Deserve niya iyan, masyado kasing malandi.Katulad ng Nany niya."
Ibinalik ko ang tingin ko sakanya, kita ko ang pamumuo ng luha sa mata niya dahil doon.
Nakarating kami sa kanilang silid. Umupo na siya samantalang ako naman ay nakatayo lamang na pinagmamasdan ang bawat galaw niya.
Napapansin ko rin na may kanya-kanyang ginagawa ang mga kaklase niya, ni wala man lang nagtangkang kumausap sakanya.
Wala ba siyang kaibigan?
Kalaunan ay may dumating dalawang lalaki may kasama pa itong isang babae. Kaagad napakunot ang noo ko ng makitang papalapit ito sa pwesto niya,sinipa nung lalaking ang table niya habang hinila naman nung babae ang buhok niya.
"Diba sinabi ko naman sayo, ayokong nakikita yang mukha mo" anang pa noong isang lalaki.
Nagunahan ang luha na tumulo sa mata niya, naikuyom ko ang kamao dala ng galit na nararamdaman.
"S-Sorry po" umiiyak na sambit niya.
"Then get the hell out of here."
Nanlilisik ang mga mata ko na pinagmamasdan ang tatlong iyon, mabilis siyang tumayo at tumakbo paalis doon.
Nagtawanan pa ang loob ng mga tao dahil sa ginawa niya, damn.
Galit akong kinuha ang mahaba at makapal na kandila sa bulsa ko.
Hinanap ko siya sa loob ng school at sa Rooftop lamang ako dinala ng paa ko.
Itinabi ko ang kandila sa isang hindi mahanging lugar at tsaka sinindihan iyon.
Pagkadilat pa lamang ng mata ko ay bumungad na kaagad saakin ang umiiyak noyang mga mata. Nakatingin sa paligid.
Dahan-dahan akonv lumapit at inilabas ang panyong kanina ko pa hinahawakan.
"Hindi maganda sa isang magandang babae ang umiiyak" kaagad kung nakuha ang atensyon niya.
Napangiti na lamang ako, nakikita niya na ako. Really?
BINABASA MO ANG
Different World [Short Story] - Completed
Fantasy3 candle, 3 chances and 3 changes. Our different world will start now.