9

239 10 0
                                    


9

Lumipas ang ilang mga araw na balisa siya, hindi niya alam kung papaano ito sasabihin sa kanyang Ina. Tinalukbong niya ulit ang kumot niya samantalang ako ay nakamasid lamang sa loob ng kanyang kwarto at pinagmamasdan siya.

Ilang araw na din siyang hindi pumapasok.

˝Hindi ka parin ba papasok? ˝ rinig kong sambit ng kanyang ina sa labas ng kanyang kwarto.

˝Mabute pa ngang huwag ka ng pumasok, aksaya ka lang sa pera ko˝ huling sambit nito at tsaka umalis.

Napahinga siya ng malalim sa sinabi nito at tsaka nagdesisyong tumayo na. Nagtungo ito sa kanyang banyo at hindi ko alam kung ano ang gagawin niya ngunit makaraan ng ilang minute ay nakatapis na lamang ito. Napatakip pa ako ng aking mata ng Makita ko siya.

Nagdiretso siya sa lagayan ng kanyang mga damit at kinuha ang uniform na inilagay doon noong isang araw ng kanyang Ina. Sandali siyang napangiti at inamoy ito.

Pagkalabas niya ng pintuan ng kwarto niya ay salubong kaagad na kilay ang nakita niya sa kanyang Ina.

˝Kakasabi ko lang kanina na aksayado ka sa pera˝

˝Hindi naman po ako manghihingi sainyo˝ napatikom ito at inirapan siya.

˝Bahala ka sa buhay mo! ˝ ani nito at tsaka padabog na pumasok sa loob ng kanyang kwarto.

Napaluhang umalis siya ng bahay na iyon. Hindi ba muna siya kakain? Ilang araw na siyang nalilipasan ng gutom. Ako ang nagaalala para sakanya...

Hindi katulad noon, wala ng nagtatangkang pagbubolng-bulungan siya. Hindi narin siya kinukutya ng mga tao. Mukhang nagtagumapay ako sa una kong ginawa kahit na binalaan ako ni St. Rafael dahil sa ginawa ko.

Tahimik siyang umupo sa kanyang silid, habang napakatihimik ng loob ng classroom. Dumating ang guro at nagging mapayapa ang buong araw. Dumating ang breaktime ngunit hindi man lang siya nagtangkang tumayo at bumili ng makakain sa Canteen. Napahugot ako sa aking bulsa, sisindihan ko baa ng isang kandila? Paano kong mamatay siya sa gutom kapag hindi koi yon ginawa.

Napahilamos ako... Tatayo na dapat ako at ilalagay sa hindi mahanging lugar ang kandilang bitbit ko ng biglang may lumapit sa kanyang inuupuan at nagpatong isang isang sandwich.

Umaalon ang buhok ng babaeng ito at merong napakaamong mukha.

˝Kanina pa kita pinagmamasdan, kumain kana! ˝ sambit nito habang pilit na ibinibigay sakanya ang pagkaing dala. Napaupo ako sa likod ng inuupan ni Ria at masyang pinagmasdan ang dalawa.

˝Hindi po, kumain na ako˝

˝Hindi pa kaya, kanina pa kita pinagmamasdan˝

˝Hindi po talaga, Ok lang ako˝

Napapikit ang babae at hinila ang katabing upuan na katabi ni Ria.

˝Sige na, kung hindi ka kakain. Same as me. ˝

Napatulala siya sa babae at hindi alam kung ano ang sasabihin but in the end pumayag na rin siya. Nakapangalumababa ako habang pinagmamasdan silang kumain.

˝Sorry! ˝ rinig kong sambit noong babae na nagpatigil sa pagkain niya.

˝Dati ko pa gusting lumapit sayo pero naduduwag ako na baka ako naman ang awayin nila. Kaya kahit nasasaktan ako sa nangyayare sayo, ipinagdadasal na lamang kita na sana may isang taong kayang tumayo at harapin sila˝

Napayuko si Ria sa sinasabi nito. ˝Aaminin kong nagging duwag talaga ako˝

˝Pero ngayon, kahit na awayin at alipinin din nila ako. Willing na ako, namulat ako na baka ako ang answered prayer na ibinigay ni God para tulungan ka. Kaya kahit na nandito yung boyfriend mo, ipagtatanggol parin kita...˝

Nakita ko ang pagpatak ng luha ni Ria...

˝Hindi mo naman dapat gawin yan˝ sambit niya.

˝Sapat na saakin na malaman kong may isang tao rin pala sa silid na ito na pinapahalagahan ako. And Im really thankful˝

Ngumiti ng napakalapad yung babae at tinitigan siya...

˝As a girl, I want to offer you a deal...˝ mabilis niyang pinunasan ang luha niya at kunot noong tiningnan ang babae.

˝I want you to be my bestfriend. Para malaman ng ibang tao rito na hindi kana nag-iisa? Papayag k aba? ˝ naiwan siyang nagiisip habang tinititigan ang kamay na ngayon ay nakalahad sa harap niya.

Napalunok ako, miski ako ay hindi ko alam kung ano ang isasagot niya. At least mapapanatag na ang loob ko knowing na nakahanap na siya ng kakampi.

Napapalakpak ako ng bigla nitong tanggapin ang kamay noong babae...

˝Thanks for accepting me as your bestfriend, by the way Im Angel˝ pakilala nito.

˝Kilala na kita, dati pa! ˝

˝Well in case lang naman˝ sagot nito at tsaka umupo ulit at sinabayan siya sa pagkain.

Napadako ang tingin ko sa kandilang hawak ko. I still have 2 candles.

VOTE, COMMENT


Different World [Short Story] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon