"No, hindi ito pwede. Imposible. HIndi siya yun. Imposible" nakatulalang bulalas niya habang patuloy na lumalandas ang luha sa mata. Hindi ko na kayang makita siyang ganito. Hindi. Kalaunan ay pumasok ang Mama niya at nagulat sa nadatnan niyang itsura ng Anak niya.
Nagmadali siyang pumasok sa loob at hinahaplos ang likod nito.
"Bakit? Anong nangyare? Bakit ka ganito?"
Sandali niya lamang itong tiningnan at humahagulhol ulit sa iyak.
"Ma, hindi yun pwede. Napaka-impossible." Walang magawa ang kanyang Ina kung hindi ang damayan siya, kahit na maraming tanong sa isip nito ay pinili niya na lamang na manahimik at damayan ang anak.
Hindi ko kayang tingnan sila kaya nagdesisyon akong lumabas ng bahay at napatingin sa kalangitan.
"God, anong gagawin ko? Kailangan ko na bang tapusin ang lahat at bumalik diyan? Pero paano ako makakaalis dito kung alam kong siya ang mas mahihirapan?"
Nanatili ako sa aking posisyon hanggang sa maramdaman kong gumagabe na pala, medyo maingay na rin sa loob ng bahay nila. Pagpasok ko ay naghahanda na ang Mama niya ng hapunan nila, hinanap ko siya sa paligid ngunit wala akong makitang anino niya. Sunod kong pinunatahan ang kwarto nya, nakita ko siyang ibinubuklat ang sketch pad ko habang ngumingiti at umiiyak. Tumabi ako sa tabi niya habang pinagmamasdan ko siya sa kanyang ginagawa.
Kung maibabalik ko lang ang panahon, paulit-ulit ko itong babalikan at hindi ako magsasawa na hangaan ka kahit sa malayo lamang but the only thing na babaguhin ko sa mga oras na iyon ay ang magtapat sayo. Gusto kong sabihin na 'Ang ganda-ganda mo, you deserve to be treated like a princess and I will be you Prince'.
May umihip na napakalakas na hangin sa aking pisngi and I know it is the time. I need to use my candle.
Tumayo ako sa harap niya at naghanap ng pwedeng pwestuhan ng kandilang hawak ko. Inilagay ko ito sa hindi mahanging lugar, nawa'y hindi kaagad ito maubos. I want to spend some hours with her.
Pagdilat ng aking mata ay kaagad akong napahinga ng malalim, hindi ko alam kung saan ako maguumpisa. Ano ba ang gusto niyang marinig mula saakin, ano ano ang mga tanong na gusto niyang ipukol saakin. Hindi ko alam.
Nilapitan ko siya at umupo sa harap niya, noong una hindi siya makapaniwala ngunit hindi na siya nagulat because she already knows that all happen to us is Magical.
Sunod sunod na nagpatakan ang luha sa mata niya.
"Bakit?" unang katagang lumabas sa bibig niya ng makita niya ako ngunit sa halip na sumagot ay pinunasan ko lamang ang luhang patuloy na lumalandas sa pisngi niya.
"Bakit?" paguulit niya. Mariin akong napapikit habang nakatingin naman siya ng diretso saakin.
"I was inlove with you noong una palamang kitang nakita sa Coffee Shop, palagi akong naruon para abangan ka at makita man lang. I also stalk you, palagi kitang sinusundan na umuuwi sa bahay niyo. Until that day came, kung pinipilit mo parin na sisihin ang sarili mo dahil sa nangyare saakin. Huwag Ria, I choose that for you to live. Gusto kong makita kang masaya, hindi man para saakin para nalang sa mga taong nagmamahal sayo. You deserve to Live Ria..."
Ngumiti ako kahit patuloy ko paring pinupunasan ang pisngi niya. "Pasensya kana kung hindi man lang ako nakapagtapat sayo, sinubukan ko naman pero sadyang duwag lang talaga ako. And If I could go back to that time, paulit-ulit kong isisigaw na Mahal kita."napangiti siya sa sinabi ko.
HUminga ulit ako ng malalim as I continue... "Binigyan ako ng pagkakataon ni God na bumalik at makasama ka, pero there is two choices. Kung babalik ako sa nakaraan, babaguhin ko ang p0agkamatay ko pero ikaw ang mamamatay at kung hindi there is two option pupunta ako sa kasalukuyan at itama ang mga dapat itama sa buhay mo ngunit there is just three candle, at sa tuwing sisindihan ko ito ay makikita at mahahawakan ako ng mga tao, Ngunit kapag maubos na ito ay babalik na ulit ako sa itaas."
"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya.
"Ria, I'm just your Angel here, Pinili kong huwag bumalik sa nakaraan kundi ang baguhin at ipaintindi sa Family mo at sayo mismo ang forgiveness because that is the way that you can move on from the pain."
"Pero bakit ako parin ang iniisip mo? Pwede mo namang piliin ang Nakaraan nang sa gayon ako nalang ang mawala at hindi ikaw."
Ngumiti ako sa sinabi niya. "Sa tingin mo ba kapag pinili ko iyon, magiging masaya kaya ako? Ganun parin ang mangyayare, wala kana. Wala na akong mamahalin."
Mas lalong napahagulhol ang pagiyak niya dahil sa mga sinasabi ko.
"Kahit anong sabihin mo, hindi mo parin mababago ang desisyon ko Ria. I will always choose you. Kaya huwag mo ng sisihin ang sarili mo sa nangyare saakin Ha!" binigyan ko siya ng matamis na ngiti ngunit isang halik ang naging sukli niya saakin. Halik na gustong magpanatili saakin sa mundong ito at ang halik na ayokong ipagkatiwala sa iba.
"I promise, hindi ko sasayangin ang buhay na ibinigay mo. I will live it the way you want me to." matapos niyang sabihin iyon ay isang napakahigpit na yakap ang ibinigay ko sakanya.
Nararamdaman ko na,please God bigyan niyo pa ako ng kahit ilang segundo, I just want to be with her. May tumulong luha sa mata ko at pinakawalan siya.
"I Love You Ria, I will always watch you from above." at mabilis kong inangkin ang kanyang mga labi.
My Journey already ended here. Paalam Ria.
-------------------------------------------------------------------------------
Next will be Finale. Thank You.
BINABASA MO ANG
Different World [Short Story] - Completed
Fantasy3 candle, 3 chances and 3 changes. Our different world will start now.