Chapter 74

8.1K 167 31
                                    


Ilang araw na ang nagdaan pero wala paring nagbago, bagkus ay mas lalo nga lang lumala ang nararamdaman ni Lisa. Lalo niya lang namiss ang mag-ina at lalo lang din gumulo ang utak niya. Napapadalas na nga ang pag-inom niya para lang makawala sa problema. In fact, nung isang araw nga lang ay nagising nalang siya sa bahay ni Tzuyu at wala siyang matandaan sa mga nangyari nung gabing iyon dahil sa sobrang kalasingan.

Mukhang nagbago na din siya, hindi na siya ang calm and collected na Lisa. She's a big mess. Halos hindi na nga siya makapag-focus sa trabaho. Dahil sa sobrang miss niya na sa mag-ina niya, sinubukan niyang tawagan ang number ni Jennie, maging ang kay Liam pero hindi niya makontak, mukhang nakablock siya sa mga cellphone nito. Sobrang frustrated na talaga siya. Dagdag pa itong papalapit na kasal nila ni Tzuyu, lalo siyang nape-pressure. Kung nung una ay atat na atat siyang ikasal na agad sila, ngayon parang gusto niya i-extend muna dahil wala pa siyang nagagawang pasya.

Hindi niya parin alam ang gagawin niya hanggang ngayon.

Napapansin na din ni Tzuyu ang pagbabago ni Lisa. Minsan kung magkasama sila ay parang nakatulala si Lisa at malalim ang iniisip o may problema. Parang distracted ito tsaka kakaiba din ang kinikilos. Hindi na din ito ang dating Lisa na bubbly at pilyo, parang lagi nalang itong busy o pagod sa trabaho.

Tsaka madalas na itong mag-inom which is di naman talaga niya gawin. I mean nag-iinom si Lisa pero hindi to the point na halos hindi na ito makalakad. Kung tatanungin naman ito ni Tzuyu kung ano ang problema, ang sinasagot niya lagi ay 'wala' at 'ayos lang ako, wag kang mag-alala'.

Alam ni Tzuyu na may mali, may problema talaga si Lisa at hindi lang nagsasabi sa kanya.

Kilalang-kilala niya si Lisa like the back of her hands kaya alam niyang may pinagdadaanan ito ngayon. Hindi naman niya mapigilan na malungkot at masaktan sa inaakto ni Lisa. Ngayon pa ito nagkaganun kung kelan ilang tulog nalang kasal na nila. Napapraning na siya kasi baka isang araw, hindi na ituloy ni Lisa ang kasal.

Mahal na mahal niya si Lisa and getting married to the latter is one of the things na matagal niya nang pinangarap noon pa. She wants to have kids and grow old with Lisa. Kaso ngayon, mukhang hindi sigurado si Lisa.

Naiisip niya na baka nga may ibang babae si Lisa o baka may malaking sekreto itong hindi lang sinasabi sa kaniya. Kung sana lang nagiging vocal sa kanya si Lisa sana naaayos nila agad ang problema hindi yung ganto na parang sinusolo lang ni Lisa ang problema. Ano pa't ikakasal na sila, it just doesn't make sense.

Back in Korea, hindi nagkakalayo ang nararamdam ni Lisa at ni Jennie. Miss na miss na din agad ni Jennie si Lisa but she knows na wala siyang karapatan sa taong yun. Kailangan niyang sanayin ng sarili niya na wala si Lisa. Nakaya nga nilang mabuhay na sila lang ni Liam na dalawa, siguro naman ay kayayanin nila ulit at ng bagong parte ng pamilya nila.

Nakakaramdam na nga pala ng morning sickness si Jennie at masasabi niyang sobrang hirap dahil sila lang ni Liam ang magkasama. Minsan nagigising siya sa madaling araw parang lang sumuka at nagigising nalang si Liam at sinusubukan nitong alagaan siya at ang hindi pa nasisilang na kapatid nito.

Nangako si Liam na alalagaan siya nito at ang baby kaya nga magkatabi na sila ngayon matulog. Baka daw kasi may mangyaring masama sa kanya, babantayan daw siya nito tho ang katotohan nauuna pa nga itong makatulog sa kanya. Tsaka ayaw niya sanang payagan si Liam sa gusto nito dahil bata pa ito at kailangan din ng pahinga, ayaw niyang mapuyat din ito sa tuwing umaatake ang morning sickness niya but the boy insisted. Ayaw niya talagang paawat kaya hinayaan nalang ni Jennie. Kapag sumusuka siya sa madaling araw, gumigising pa talaga ito para lang alalayan siya at ginagawa nito ang makakaya parang lang gumaan ang pakiramdam niya.

Mukha ngang matured na si Liam. Nagbabasa na ito ng mga libro tungkol sa pagbubuntis, tungkol sa mga babies, parenting at kung ano-ano pa. Mukhang seryoso yata ito sa pag-alaga sa kanila. Maybe narealize ni Liam na baka hindi nga nila pwedeng masandalan si Lisa.

If his daddy won't be there, then he'll just be the man in the family. Siya nalang muna ang gagawa sa mga bagay na dapat ang daddy niya ang gumagawa.

Masyado pang bata si Liam para sa mga bagay na ito kaya hindi mapigilan ni Jennie na maging emotional. Kung sana kasi nandito lang si Lisa, sana okay ang lahat.

Pero alam niya namang hindi maari ang gusto niya. She'll just have to accept the fact na hindi sila ang pipiliin nito.

Nagpapasalamat din si Jennie kasi tumutulong sa kanila sina Jisoo, Chaeng at si Mino. Kahit hindi palang nila matagal na nakilala si Mino ay naging malapit na ito sa kanila ni Liam kasi sobrang bait nito at matulungin. Minsan nga ay ito ang tinatawagan ni Liam kapag may emergency o kaya ay pag may papabilhin. Nahihiya nga si Jennie kasi ito pa talaga ang nilalapitan ng anak niya pwede namang ang Aunt Rena nito ng tawagan.

Ayos lang naman kay Mino dahil kaibigan na ang turing niya sa mag-ina magmula nung araw nagkakilala sila. Mino is always glad to help.

Bukas na nga pala ang family day pero mula ng umuwi sila ng Korea, hindi na muling binanggit ni Liam ang tungkol dito. Naka-focus lang ang bata sa pag-alalay sa kanya, sa pag-aaral nito at minsan naman ay ang atensyon nito ay nakabaling sa pagkuha ng mga litrato at pagvivideo.

Minsan nga nahuhuli niya ang anak niyang vinivideohan siya. Hindi niya nalang pinapansin tsaka wala naman sigurong ibang makakakita ng video noh? Panigurado kasing haggard ang itsura niya sa mga kuha ni Liam.

Ano pa ba?

Nagtatrabaho parin si Jennie sa kompanya ni Jisoo dahil hindi naman mabibigat ang mga gawain niya at tsaka maliit pa naman ang tiyan niya. Siguro saka na siya magleleave kapag kabuwanan niya na.

Tsaka hanggang ngayon pala hindi pa ni Jennie nasasabi sa mga magulang niya ang tungkol sa pagbubuntis niya ulit. Nakakatakot kasi siyang mahusgahan. Natatakot siya sa maaring isumbat ng mga ito sa kanya. She know she  kinda deserve it kasi hinayaan niya maulit yung nangyari sa kanya dati but still parang hindi pa siya handa.

Bringing Daddy Home | Orig Ver.Where stories live. Discover now