Chapter 1

13 0 0
                                    


Pagkatapos umalis ng manyak na lalaki ay humarap ito, ANG GWAPO MAMSHH! but erase, erase, erase sis!

"Are you ok? next time maging careful kana lalo na't wala kang kasama". seryosong ani nito na mataman na nakatingin, tinitigan ko na lamang ang maamung mukha nito at para bang alipin na sumusunod sa kanyang amo. "Hey?" ulit pa nito.

" A-ah y-Yeah, It was j-just.." ani ko na hindi ko maituloy ang isasalita ko dahil naman besh! di ako makafocus sa paninitig.

tiningnan niya muli ako at saka tumalikod.

" H-hey? W-wait" Naliliyong tawag ko sa kanya, sinikap kong humalo sa napakaraming tao palabas sa exit kung saan siya nagtungo, kahit hindi ko na maibalanse ang aking katawan.Nang makalabas ako sa bar ay agad kung hinanap ang lalaki at sa kasamaang palad ay hindi ko ito mahanap.


"Goodmorning, anung oras ka na naman umuwi kagabi?" bungad sa akin ni tita maddy, ang aking manager.

"Hmmmm, maaga akong umuwi" sagot ko naman dito at medyo masakit pa ang ulo ko dahil sa naparami ang ininum ko kagabi.

" I heard that Alex was cheated on you" hindi naman ako nakasagot sa sinabi ni tita maddy dahil medyo nagiging emotional na naman ako. "Anak, wag mong dibdibin, ok? I know its hard to move-on but you have to! you should let yourself to free again because the chain is already broke, let me remind to you may bago kang endorsement and we will have a contract signing". Kahit medyo namumugto pa ang mata ko ay pinilit bumangon sa kama at ayusin ito, naligo muna ako at nagbihis na ng damit, I wore simple silky peach dress na hapit na hapit sa aking katawan at kita ang kurba nito.

"Umhmmmp! bumaba kana rin, akala ko magmumukmok kana diyan sa kwarto mo!" bungad sa akin ni tita Mirasol, ang stepmother ko. 

Namatay si mama when I am 8 years old and nag-asawa ulit si papa nung 15 years old ako, mayroon rin akong stepsister na kasing edad ko lamang.

"Nabalitaan ko kahapon ang nangyari Elorena, sinasabi ko sayong walang maidudulot ang pagmomodelo mong yan" singit naman ni papa habang nagkakape.

Nakatira lang kami sa iisang bubong, hindi naman kami sobrang yaman pero mayroon ding kaya sa buhay. Nakapagtapos ako ng BS in nursing pero hindi ko naipasa ang board exam, nasa puso ko na talaga ang pagmomodelo, at tutol ang ama ko para dito.

"Pa, napag-usapan na po natin ito"

"Kaya yan, laging malas ang buhay mo! wala kang mararating diyan, kapag lusyang kana, kapag matanda kana wala nang tatanggap sayo para magmodelo, at saka bakit hindi mo pagtuonan ng pansin ang pagrereview dahil balita ko mayrron na naman board exam, sayang ang pagpapaeskwela ko sayo tapos ganito lang pala!" sermon ni papa sa akin. "Bakit hindi mo gayahin itong kapatid mo na si Melody na tutok na tutok sa eskwela para makapagtapos". Ito na naman tayo, ikukumpara na naman ako sa stepdaughter niya, hindi ko alam kung bakit pinagtutulungan nila ako dito sa bahay hindi hamak na sa pagmomodelo ko rin naman nakukuha ang pangsusustento ko dito sa bahay at sa pang-araw araw na buhay.

"Matanda nayan si Ador,  wag mo nang pakialaman, bahala siya sa buhay niya" sabat naman ni tita, "Oo nga pala Elora, malapit na tayong maputulan ng kuryente kasi kulang ang pangbayad nung last time at wala narin tayong imbak, magbigay-bigay kana rin at para may silbi ka naman dito sa bahay". 

"Diba po nagbigay ako ng pinangfull payment sa kuryente?"

"Aber, binayad ko sa tubig ang kalahati nu, at aangal kapa run? ito na nga lang nagagawa mo sa pamamahay nato eh." ismid pa nito sa akin. Hindi nalang ako sumagot at nagbigay nalang ng pambayad para kurente and panggrocery.

Minsan napapaisip nalang ako kung kulang paba ang ginagawa ko, bakit ganoon? kahit si papa ay ganun ang treatment sa akin. Simula nang mag-asawa si papa ay ganun ang pakiktungo niya sakin. Nagpursigi akong makapagtapos ng pag-aaral, nagsikap ako na magpart time job sa mga fastfood hanggang pinasok ko ang pagmomodelo para matustusan ang pag-aaral ko. Nagbibigay naman si papa pero hindi iyon sapat at dalawa kaming pinag-aaral niya ni Melody.

"At saka Elora dagdagan mo narin, alam mo namang pinapaaral pa itong si Melody" dagdag ni tita.

"Pero po, sakto lang po ang kinita ko, alam niyo naman pong hindi gaanong maraming shoots ang nagawa ko daghil hindi pa ako nakikilala"

"Kahit konting dagdag lang hindi mo pa maibigay, Elora? anong saysay ng pagtatrabaho mo kung hindi mo matusutusan ang pangangailangan dito?" pukol nito sa akin.

"Ito nalang po natitira kong pera, ta" ani ko habang binibigay ang natitira kong pera.

Agad naman nitong kinuha ang para at umalis, tiningnan ko si papa ngunit blanko lamang ang expresyon nito at para bang walang pakialam sa ginagawa ni tita, aware naman akong mukhang pera si tita at natitiis ko naman ito pero itong ugali ni papa na para bang hindi niya ako anak at wala itong pakialam kung alipustahin ako ng mag-ina, mas nagagawa pa niyang sustentuhan ang anak ni tita keysa sa mismo nitong anak at kadugo. Hindi na lamang ako kumibo at nagpaalam nang umalis dahil alam kong wala ring saysay kung ikikibot ko ang aking mga bibig.

Alas nwebe na nang matagpuan ko ang sarili ko na nasa harap ng building, isa akong modelo, ngunit hindi pa nakikilala, nagsimula ako maging modelo 1 year ago at masasabi kong baguhan pa lamang ako, marami pa akong dapat matutunan, kailangan ko pa ng maraming training at dapat salihan para lubos na makilala sa industriya.




FIRST ENCOUNTER (De Leonor Series I)Where stories live. Discover now