'Began as a simple conversation, ended in love' - Ivan
Ivan's POV
Kanina ko pa tinatawagan si Josh simula nung dumating ako sa bahay niya pero di nya sinasagot, pano ba naman kasi anlakas ng music sa kanila abot sa labas kaya malabo ngang marinig nya yung cellphone nya.
Kung nagtataka kayo kung anong nangyayari, well, andito ako sa bahay nya pero may ongoing party. Invited naman ako pero I declined katulad ng parati kong ginagawa.
I'm not a party person so supposedly I will not attend but since this dummy friend of mine accidentally brought my camera kaya wala akong choice kung hindi ang kuhanin iyon sa loob ng bahay nya.
_____
Paalis na sana ako pero hindi ko maiwasan na pansinin si Lynne na hindi mapakali sa suot niyang skirt at hindi umayos ayos.
I took a deep breath bago ko inalis ang coat ko, ang intensyon ko lang naman ay ang kuhanin ang camera ko pero ngayon I'l make a bold move by doing this. Sana lang wala talagang makapansin.
After a couple more seconds, dahan dahan akong lumapit kung saan sya nakaupo at dahan dahan kong ipinatong ang coat ko sa hita nya, para takpan.
Nagitla siya sa ginawa ko pero wala na tong atrasan.
I just awkwardly smile at her after pulling away kasi di ko naman na alam kung ano ang dapat kong sabihin. Sana lang palagpasin niya na to.
At thank God wala siyang sinabi kaya umalis nalang ako at pumunta sa balcony para magpahangin.
Hindi ko inimagine na darating yung araw na magkakaroon ako ng interaction with a 'popular' person, well di kasama si Josh since kilala ko na siya bago pa siya mag 'glow up'.
Pero sa tingin ko laging may exception sa lahat ng bagay. Nang makapagpahangin ako ay nag decide na akong umuwi pero bigla akong nilamig dahil sa panahon tsk tsk.
Tumigil ako ng may marinig akong umubo sa likuran ko kaya ako napalingon.
"Hi?"
Napalunok nalang ako ng malaman kong tama ang hinala ko, sympre si Lynne yun.
"Ah, hey.", Sagot ko.
Tinititigan nya lang ako na nagpakaba sakin kaya ginawa ko yung bagay na ginagawa ko pag uncomfortable ako, ang mag iwas ng tingin.
Napilitan lang akong tumingin ulit ng makita ko sa peripheral view ko na inextend nya yung kamay nya, na para bang gusto makipag handshake.
"I'm unable to say thank you about your kindness earlier", Turo nya sa coat ko na ngayon ay suot nya na.
Nagpanic ako baka di decent yung amoy since nung napansin kong wala sakin yung camera ko ay kinuha ko lang basta yung coat ko at umalis. Nabalik nalang ako sa huwisyo ng nagsalita ulit sya. "I don't even know your name, I'm Lynne Hernandez."
Nagdadalwang isip kong hinawakan ang kamay niya.
"Alam ko...", Bulong ko at nagtaas naman siya ng kilay.
"I mean, ah I know your name is Lynne Hernandez." Paliwanag ko.
Tumango lang siya at babawiin ko na sana ang kamay ko pero di niya ko hinayaan.
"And you are?" Tanong niya habang hawak parin ang kamay ko.
"Ivan", I said lowly.
Ngumiti siya, her signature smile. Don't ask me why I'm aware of the kinds of smiles she have. Famous kasi siya sa University namin kaya lagi siyang usap usapan kahit saang sulok ng University.
