Chapter 2: Mr. Salamangkero

2 0 0
                                    

Sa pagpatak ng dilim alas sais medya ng hapon marami ang nagtitipon sa isang sulok, mga tao na gustong mamangha sa bilis ng kamay at sa taglay na galing ng isip ng isang taong tanging gusto ay magpasaya o magpaligaya ng tao;  " Inay bakit po maraming nanonood sa mamang yan" tanong ng isang bata sa kanyang Ina; "Anak marami ang nanonood at humahanga kay Mr. Salamangkero dahil siya ay napakagaling na magtangghal ng mga bagay na nakakapagpasaya sa mata ng nakararami" naka ngiti na sagot ng Ina. Biglang natigil ang lahat at natahimik.         " Mga ginoo at binibini na aming panauhin narito na ang nag- iisa at walang katulad Mr. Salamangkero" wika ng isang malakas na tinig. Nagsigawan ang lahat at naka ngiting lumabas si Mr. Salamangkero sa likod ng itim na kurtina at agad na nagpakita ng salamangka na talagang nagpangiti hindi lang sa kabataan kundi pati na din sa mga nakatatanda agad na nagpakita ng ibat ibang klase ng salamangka si Mr. Salamangkero kaya naman aliw na aliw ang lahat ng biglang may sumigaw; "tulong ninakawan ako" sigaw ng isang binibini, wala ng pagdadalawang isip pa gamit ang salamangka ay agad na nahuli ni Mr. Salamangkero ang magnanakaw at agad niya itong nilapitan, gusto man tangkain tumakas ng magnanakaw hindi ito makagalaw dala ng mahika at bilis ng kamay ni Mr. Salamangkero. Naitali niya ito ng hindi napapansin ng magnanakaw na naitali na siya. Masayang nagpasalamat ang may-ari ng cellphone at agad na dumating ang kapulisan at nahuli ang magnanakaw na napag kaalaman na wanted dahil sa patong- patong na kaso ng pagnanakaw. Lahat ay naka ngiti at pinuri si Mr. Salamangkero ngunit isa lang ang winika nito "hanggang may kasamaan hindi rin titigil ang kabutihan" seryosong wika ni Mr. Salamangkero at agad na ngumiti sa madla at bumalik sa pag tatanghal.

The Filipino Heroes. -HeroesWithNoCapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon