Chapter 1 " Pagpapakilala sa mga bayani "

5 0 0
                                    

Sa bawat pagpatak ng liwanag at dilim walang oras na pinipili ang mga masasamang loob na ang gusto ay maghasik ng kasamaan sa mundong ating kinatatayuan. Kasamaan ang bumabalot sa mundo at tila itoy hindi na matatapos pa ngunit sa isang sulok ng tabi ay may mga bayani na walang iniisip kundi ang ikabubuti ng mundo. Sila ang mga bayani na walang kapa at gumagawa ng kabutihan para sa kanilang mga kababayan, sila ang bayani na hindi alintana ang ulan o araw pagkat ang isip nila ay kailan man hindi matatapos ang kasamaan kung walang kikilos upang mapahinto ito. Sila ang mga bayani ng Pilipinas, ang una ay si Mamang. Surbetero sa kalakasan ng kanyang bilis sa pagsandok ng surbetes ito ay ang kaniyang kalakasan din upang mabilis na mapuksa ang kasamaan, Ikalawa ay si Taho Master sa kanyang taglay na lakas sa pagbubuhat ng mabigat na paninda ito ay kanya rin na kalakasan upang mapatumba ang kasamaan. Ang ikatlo ay si Ginoong. Sweet Buko Juice lalaking matamis magmahal sa kanyang bayan at sa pamamagitan ng kagalingan sa pagbukas ng mga buko gamit ang itak, ito rin ang kanyang magiging kasangga sa paglaban sa mga masasamang nakaharang sa kanyang paroroonan, Ika apat naman ay si Binibining. Sapin-sapin at kapatid na si Binibining. Suman mag kapatid na   may malagkit na lakas at gamit ang lagkit na ito napapabagsak nila ang kalaban sa dikit ng katotohanan na kanilang dala-dala. Ikaw Lima ay si Mrs.Siomai siya ang  may taglay na lakas na humarap sa init ng dala ng kaniyang lutuan gamit ang kaniyang kalakasan siya ang nagsisilbing init ng mga bayaning walang kapa, siya ang init na kinatatakutan ng mga kalaban. Susunod ay ang mag-asawa na sina  Kwek-kwek Man at Banana Que Lady sa kanilang galing na magtuhog ng maramihan sila ang tutuhog sa napaka daming kasamaan na namumugto sa sanlibutan. Sunod ay si Inihaw. Warrior siya ang usok na hinding-hindi mo tatangkain na kalabanin, dahil sa taglay na galing sa pagpapa usok siya ang magiging lason sa kamatayan ng kasamaan. Ang sunod ay Assistant leader ng grupo si Pareng. Balot sa taglay na lakas ng sigaw at sa tigas ng mga itlog na kanyang dinadala siya ang nagsisilbing 24 oras na bayani na hinding Hindi magpapatinag sa dilim man o liwanag ng kasamaan bumabalot sa mundo. Ang sunod at ang huli ay ang leader ng grupo si Mr. Salamangkero sa bilis ng kamay siya ang mabilis diyan, sa pagpapagalaw ng mga bagay isa rin sa kanyang kalakasan sa pagbabasa ng isip ay ang kanya rin na kalakasan, kayat gamit ang napakaraming kalakasan siya ang magsisilbing utak ng grupo na handang lumaban sa kasamaan upang malagay sa katahimikan ang mundong kanilang kinatatayuan. At nagagalak ako na ipakilala sa inyo ang mga Filipino Heroes mga bayaning walang kapa.

The Filipino Heroes. -HeroesWithNoCapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon