Chapter 3. Kapangyarihan ng lamig at bilis

2 0 0
                                    

Sa kabilang dako ng Manila ay may mga batang naglalaro ng ibat ibang larong pilipino, nariyan ang mga batang naglalaro ng piko sila ay seryoso sa pagbato ng pato sabay talon sa drawing na piko, may mga bata naman na naglalaro ng patintero, stratehiya ang kailangan upang manalo sa laro, nariyan din at hindi magpapahuli ang mga batang naglalaro ng sipa, padamihan ang labanan kaya kung ikaw ay hindi masyadong kagalingan mabute pang ibang laro na lamang ang iyong salihan dahil tiyak na ikaw ang malulugi sa larong libo-libong kabataan ang naadik na laruin ito. "Taya kana Tanya" wika ng isang bata sa kanyang kalaro na si Tanya;  "Habulin nyo ko" palokong bigkas ni lerry isang matabang bata;  "Ano ba naman yan ako na naman taya ang dadaya nyo naman ayaw nyo magpataya" pagalit na wika ni Lira ang batang palaging taya, walang ano-ano ay napatigil ang lahat ng biglang tumunog ang bell at may sumisigaw ng; "Ice cream malamig bili na kahit medyo uhaw na tayo sa tubig, bili na kayo  ng ice cream na pupukaw sa init ng ulo nyo" masayang sigaw ng surbeterong tinatawag nila na si Mamang. Surbetero. "Mamang. Surbetero ang tagal nyo naman po pabili po ako halagang sampung piso" wika ni Benny na isa sa mga suki ni Mamang. Surbetero " O sya ang init na nga init pa ng ulo o eto Benny ma friend may dagdag na yan gaya ng dati" pangiti na sagot naman ni Mamang. Surbetero " ikaw naman Lia halagang bente parin ba?".  Tanong nito sa isa niya pang suki na isang dalaga;  "Opo Mamang. Surbetero gaya ng dati pa din" masaya naman na sagot ng dalaga. Masaya ang lahat ng mga tao na kumakain ng ice cream ng biglang, "Tulong, snatcher" sigaw ng isang matanda, isang  lalaki ang nanakbo papunta sa kinaroroonan ni Mamang. Surbetero sa kabilang banda bumulong si Mamang. Surbetero; " Ang kasamaan ay walang lugar dito sa mundo" seryosong bulong nito,pagkatapos niya itong iwika ay agad na pinagbabato ng surbetes ang snatcher gamit ang scope at ito naman ay saktong-sakto na tumama lahat sa mata ng snatcher kaya ng napuno ng ice cream ang mata ng snatcher agad ito nadapa dala ng walang makita, agad na nilapitan ito ni Mamang. Surbetero at pinalo ng scope sa ulo ng medyo katamtaman lang ang lakas, sabay wika ng; " Habang may panahon pa magbago at talikuran ang kasamaan dahil hindi mananalo kahit kailan pa man ang kadiliman at mananating kabutihan ang mananaig" seryosong bigkas nito sa magnanakaw. Ilang minuto ang nakalipas at dumating na ang mga kapulisan agad nilang dinala sa presinto ang snatcher at dumating na din at nagpasalamat ang may ari ng bag at tinangkang bigyan ng pera si Mamang. Surbetero bilang pasasalamat ngunit tinanggihan ito bagkus sinabi ni Mamang. Surbetero na " ibigay na lamang sa mas nangangailangan upang mas kumalat ang kabutihan" agad naman sumagot ang babae at sinabi " salamat Mamang. Surbetero eto ay bayad na lamang sa lahat ng ice cream mo at ipamigay mo nalang sa mga naririto" wika ng babae " Kung gayon narito po ang inyong sukli at itong aking paninda ay ibibigay sa lahat ng naririto" naka ngiti na sagot nito. At pagkatapos ng pamimigay ni Mamang. Surbetero, ang kanyang paninda ay naubos na at agad na itong naglakad na pauwe.

The Filipino Heroes. -HeroesWithNoCapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon