"Ryle... mamaya na nga," I whined. Kanina niya pa ini-istobo ang pag-tulog ko. "5 minutes."
Tinanggal niya ang unan na nakatabon sa mukha ko.
"Tsk! Kanina pa 'yang 5 minutes na 'yan. Get up. Baka ma-late tayo."
"Promise, last na 'to." Tinaas ko pa ang right hand ko sabay binagsak 'yon sa unan. Narinig ko ang pagbuntong-hihinga niya. Umalis siya sa tabi at tumayo. Siguro ay pumunta ng banyo.
May pupuntahan kami ngayon and hindi naman sinabi sa amin na maaga pala magsisimula. Eh, pagod ako. Ni-relax ko muna ang katawan ko bago ako tumihaya at nag-unat.
"Good morning!" sigaw ko. Inayos ko muna ang higaan namin bago ako lumabas. Hindi ko alam kung nasa banyo ba siya o nasa kusina kaya hindi ko nalang hinanap. Hindi naman 'yon aalis.
Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig. Gumanda ang pakiramdam ko nang makita ko kung gaano kalinis ang kusina. Puting-puti! Siguro ay nilinis ito ni Ryle kanina. Sa pagkakaalala ko kasi, nagkuto ako kahapon. And, nakalimutan kong linisin. Ah, bahala na.
Kinuha ko ang pitsel sa ref at kumuha na rin ng baso. Pagkatapos ay sinalinan ang baso ng tubig.
"Ahhhh... So refreshing!" wika ko nang makainom ng tubig. Nagsalin pa ako ng isa.
Habang umiinom ako ay may pumulupot na braso sa beywang ko. Umirap agad ako nang maamoy ko ang pabango ni Ryle. Nilapag ko ang baso. Umikot ako at hinarap siya.
"Saan ka galing?" tanong ko.
Tiningnan niya ako. Hinalikan niya ang noo ko bago sumagot.
"Other room," sagot niya. Bumuntong-hininga ako at nilagay ang dalawa kong kamay sa leeg niya at niyakap siya.
"Na naman? Matagal pa 'yon gagamitin," sabi ko. Hinalikan niya ang sintido ko.
"I'm excited."
"Sus. Baka mamaya mabibigla nalang ako. Kompleto na ang gamit do'n." Ngumuso ako.
He chuckled.
"Sige na. Maliligo na ako." Tinulak ko siya at tinungo agad ang banyo. Alam kong nasa kabilang kwarto ulit siya dahil hindi niya ako sinundan.
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko dahil parang iwas na iwas ako sa tubig ngayon. Kung maligo ako ay ang dali lang. Hindi ako inaabot ng sampung minuto sa loob ng banyo.
Matapos kong maligo ay nakita ko si Ryle na ready nang umalis habang ako ay nakatapis pa.
"Excited ka?" I sarcastically asked. I was about to go to the cabinet para kumuha ng damit nang tinawag niya ako.
"Come here."
Nakasimangot akong lumapit sa kanya. Nang nasa harap na niya ako, doon ko napansin na may hinanda na siyang damit sa akin na nakalagay sa gilid niya.
"Inunahan mo na naman ako," sabi ko at ngumuso.
Kapag talaga may lakad kaming dalawa, inuunahan niya akong pumili ng damit. Okay naman ang pinipikit niyang damit pero para naman akong manang. Minsan, gusto ko nalang maiyak habang naglalakad.
"Don't worry. I picked a good dress for you." Nginitian niya ako.
"Huwag mo akong ngitian. No'ng huli mong ginawa 'yan, para akong naging manang."
"You're still gorgeous," paglalambing niya. Kukunin ko na sana ang damit.
"So, mukha ngakong manang?" galit kong tanong sa kanya. Padabog kong kinuha ang damit na nasa tabi niya at tinungo ang banyo para makapagbihis.
BINABASA MO ANG
Unforgettable Dream (A Novelette)
Ficção Adolescente||COMPLETED|| If someone will list down the people who's so obsessed with one person, Mika Marquez should be in that list. She is so obsessed with Ryle Romero. And that obsession didn't help her to move on. Ryle always appears on her dream everytime...