It's been 2 years since I let Ryle court me. Feel ko lumulutang ako sa langit sa sobrang saya. I can't describe how happy and lucky I am.
My crush! My crush for almost 6 years is courting me! And the fact that he is still waiting for me until now always make my heart jump.
Grade 12 na kaming pareho at iba kami ng school na pinapasukan. No'ng una, nalulungkot ako dahil bihira lang kaming magkita. Pero, gumagawa talaga siya ng paraan para magkita kami kahit isang araw lang sa isang linggo.
Gaya ngayon, sabi niya ay hihintayin ko siya sa labas ng gate ng school namin. Kaya naman 'yon ang ginawa ko.
"Saan ka po, miss?" tanong ng isang driver sa akin. Umiling naman ako sa kanya.
"Ah, may hinihintay po ako," sagot ko. Tumango ang driver at naghanap ulit ng pasahero.
I was patiently waiting for him when my phone beeped. Kinuha ko 'yon sa bag ko at in-open. Nag-message si Ryle.
Ulan: Malapit na ako. Sorry kung naghintay ka. Wala namang pumuporma sa'yo riyan, 'di ba?
Natawa ako sa tanong niya. Kung meron man, sino naman?
Siguro nga lahat ng mga students dito sa school alam na manliligaw ko siya. Ang iba nga iniisip na may relasyon na kaming dalawa.
Noong nakaraang Valentine's day kasi hindi ko in-expect na pupunta siya sa school. Dinamay niya pa ang mga classmate ko. Hinarana niya ako sa harap mismo ng building namin. Nasa second floor kasi ang room ko kaya feeling ko nasa taong 90's ako habang hinaharana niya.
Me: Ano ka ba? Parang sira. Walang pumuporma sa akin dito. Huwag kang mag-alala.
Ulan: Mabuti naman.
Natawa ako at hindi na nag-reply.
Ulan. That's the name na nasa contact ko. Dati Ryle lang ang nakalagay na name sa number niya pero no'ng hiniram niya, iba na ang name pagbalik. I asked him about it and ang sagot niya lang, "you said you love rain so, i named myself 'ulan'."
Syempre, kinilig ako do'n sa sagot niya. Sino ba naman ang hindi?
May tricycle na huminto sa 'di kalayuan ko and alam ko nang si Ryle ang sakay n'on.
At tama nga ako. Bumaba siya at inabot ang bayad sa driver.
"Thankyou," aniya. Agad niya akong hinanap kaya inangat ko ang kamay ko para mapansin niya. Nakangiti niya akong nilapitan.
"Kumusta ang exam niyo?" tanong ko kaagad sa kanya.
"Okay naman. Mahirap pero natapos ko rin," nakangiting sagot niya habang nakatingin sa akin. "Halika na."
Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad at naghanap ng masasakyan. Pupunta kami sa kabubukas na café ng tita niya ngayon. In-invite kasi kaming dalawa kahapon. Eh, busy kaming dalawa kahapon kaya ngayon nalang.
May nahanap agad kami ng masasakyan.
"Naka-decide ka na ba kung saan ka magka-college?" tanong ko.
"I told you kung saan ka, do'n din ako." He smiled at me.
"Ryle." I looked at him. "Baka magalit ang mama mo."
He reached for my hands.
"Nagpaalam na ako. And she said okay lang," he said.
Napanguso nalang ako at hindi na nagsalita. Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. Bigla akong nahilo. Nahihilo kasi talaga ako kapag nakalalanghap ako ng usok ng sasakyan. Napatakip ako ng ilong nang mapansin kong traffic.
BINABASA MO ANG
Unforgettable Dream (A Novelette)
Fiksi Remaja||COMPLETED|| If someone will list down the people who's so obsessed with one person, Mika Marquez should be in that list. She is so obsessed with Ryle Romero. And that obsession didn't help her to move on. Ryle always appears on her dream everytime...