"Ma!" sigaw ko. Bahala na kung mapapagalitan ako sa pagsigaw ko basta mahanap ko lang 'yong notebook ko.
Kanina ko pa hinahalughog ang bag ko pati na rin ang cabinet ko kaso hindi ko talaga nakita. Kailangan na kailangan ko 'yon bukas dahil magche-check ang teacher namin sa ap at esp.
Bumukas ang pinto at tumambad si mama na nakakunot ang noo.
"Ano ba? Tanghaling tapat tapos ang ingay-ingay mo," kunot ang noong aniya. Halatang galing siya sa pagwawalis dahil may dala pa siyang walis sa kanang kamay niya.
Naiiyak kong kinamot ang ulo ko.
"'Yong notebook ko, nawawala. Nilagay ko lang 'yon do'n." Tinuro ko ang isang maliit na mesa malapit sa cabinet ko.
"Eh, hanapin mo. Parang baliw. May mata ka naman. Huwag puro bibig gamitin."
Pinagalitan pa nga.
"Eeeee, hinanap ko na nga. Tingnan mo, magulo na ang kwarto ko. Ma," naiiyak na sabi ko. Nakaupo na ako ngayon sa sahig at parang bata na sumisipa-sipa.
"Tsk! Hanapin mo lang diyan." Lumabas agad siya.
"Sana 'di masarap ang ulam ng kumuha ng notebook ko," banta ko sa kawalan.
Kaya naman kinabukasan ay problemadong-problemado akong pumasok. Wala agad ako sa mood pag-upo ko.
Pwede ko naman sigurong pakiusapan si ma'am mamaya.
"Bakit kasi 'yong notebook pa na 'yon?" naiiyak na tanong ko sa kawalan.
Mayamaya pa ay nagsidatingan na rin ang mga kaibigan ko.
Nag-usap lang kaming dalawa ni Kim at Claudine habang hinihintay ang sina Bea, Bethany, Lia at Quicyll.
"Hoy, nakita niyo ba 'yong notebook ko na orange? 'Di ba, hiniram niyo 'yon?" tanong ko kay Kim.
Bukod kasi do'n sa kwarto ko, naalala ko rin na hiniram nila 'yong notebook ko no'ng isang araw.
"Sinauli ko na 'yon sa'yo," kunot-noong sagot niya.
Kumibit-balikat naman si Claudine.
"Basta ako hindi ko 'yon hiniram," ani Claudine.
"Bakit? Nawawala ba?" tanong ni Kim habang subo ang isang rebisco.
"Hahanapin ko ba kung hindi nawawala?" I sarcastically asked. Peke pa akong ngumiti sa kanya. "Syempre, nawawala. At saka, ang aga-aga, kumakain ka na."
"Pag inggit, pikit," wika niya sabay subo ng pagkain.
Duh, para namang naiinggit ako sa pagkain niya.
Nag-usap na lang kami ni Claudine. Hindi ko na lang kinausap si Kim dahil nga kumakain pa siya. Inaasar niya ako, eh, baka mapikon ako.
Habang nag-uusap kami ni Claudine ay sabay na dumating si Bea at Lia. Nanlaki naman ang mata ko nang makita ko kung ano ang hawak ni Bea. Nilapag niya 'yon sa mesa ko.
"Shemay... Akala ko nawala," mangiyak-ngiyak kong saad. Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Paano 'to napunta sa'yo?"
"Huh? Nagpaalam kaya ako sa'yo no'ng uwian," sagot niya.
"Wala akong maalala," wika ko. As in. Siguro hindi ko lang siya narinig. "Ah, basta! Atleast, nandito na ang notebook ko."
Naglinis na kami agad nang dumami na kami.
Wala kaming masyadong subject teacher na pumapasok ngayon dahil nga pa end na ang school year. Busy rin ang iba sa amin sa pag-gawa ng mga projects na hindi pa nila napasa.
BINABASA MO ANG
Unforgettable Dream (A Novelette)
Roman pour Adolescents||COMPLETED|| If someone will list down the people who's so obsessed with one person, Mika Marquez should be in that list. She is so obsessed with Ryle Romero. And that obsession didn't help her to move on. Ryle always appears on her dream everytime...