simula

2 0 0
                                    


Pag asang mabuhay, pag asa ba iyan?

Sabi ni Solei sa kanyang isip. Habang nakahiga sa gitna ng gubat. Puro sugat ang kanyang katawan, sumasakit ang kanyang kamay. Hindi nya magalaw ang kanyang sarili, ni makapagsalita ay hindi nya kaya. Gising sya nungit hindi sya makatayo. Tila ba bangungot ang nangyari sa kanya. Kung bakit ba kasi—

Makulimlim na ang langit at higit isang oras na sya dito. Kung inaakala nyo na magkakalakas sya ay mali. Mas lalo lamang syang nanghina. Dahil sa mga dugo na lumalabas sa kanyang munting katawan. Lalo na sa kanyang braso. May nakatusok kasing sanga sa kanyang kamay.

‘Dito na ba ako mamatay? ‘ tanong nya sa sarili. Masakit ang nangyari sa kanya sapagkat mula sa bundok ay nahulog sya papunta dito.

Ang pamilya nya kasi at sya ay nagplanong pumunta sa tuktok ng bundok upang doon kumain. Palagi nilang ginagawa iyon, kaya nakakapagtaka kung bakit nadulas o naaksidente si Solei.

Sa akalang mamatay na sya ay may matandang nakakita sa kanya.
“Jusko po! Bakit ga mayroong tao dine! Jusko! Sugatan pa! Ayos ka lang ba ineng?!!” sunod sunod na sabi ng matanda. Walang maintindihan si Solei ngunit alam nya ay mabubuhay pa sya.

Dinala sya sa isang karitong dala ng matanda ay idinala sa bahay. Hindi pa nakakapagsalita si Solei sa pagod. Ngunit nalaman nya na dito pala sa gubat na ito ay nakatira ang matanda. Sa gitna ng gubat.

Inaakala nya talaga na mamatay na sya. Nagpapasalamat sya kahit papaano ay may nagtulong sa kanya. Ayaw nyang mamatay ng may sakit sa katawan. Saka sa sobrang hapdi ay nakakasama ng loob.

“andito na tayo ineng” binuhat sya ng matanda at dinala sa isang katamtamang bahay ang laki. Maganda ang bahay. Halos lahat ito ay purong kahoy sa gawa ngunit mayroon din namang gawa sa semento.

May terasa sa harap ng bahay nila na halatang pinaggamitan sapagkat mayroong kape doon at pagkain.

Dinala nya ang babae sa loob ng sala at pinaupo sa isang kahoy na upuan.

“Hindi parin ba mabuti ang iyong kalagayan?” umiling ang dalaga. Kahit papaano ay nakahinga nang maluwag ang matanda. Nakakasagot na kasi ang dalaga. Ayos na sa kanya iyon.

Kumukuha pa ang matanda ng pagkain sa isang storage room kasabay noon ang pagbuhos ng malakas na ulan. Sinamahan din ito nang matinding kulog na dahilan upang manginig ang katawan ni Solei. Maganda si Solei kung tutuusin ang kanyang mahabang buhok sa likod na mayroon ding maikling bangs sa harap ay lalong nakadagdag sa kanyang kagandahan.

Nanginginig sa takot si Solei at nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata.

“Who are you?” isang kulog ang tumunog at isa ding boses ang nagsalita. Lumingon ang dalaga, at nakita nya ang isang lalaking gwapo. Malaki ang katawan at makisig makikita mo dito na madalas itong magbuhat ng mabibigat. Moreno ang kulay ng balat nito. Makikita mo na kakaiba ang kulay ng kanyang mata. Mayroong delikadong tingin sa kanya na nakapag palambot sa tuhod ni Solei. Mapupula din ang labi nito at matangos ang ilong ang panga naman nito ay kitang kita.

Nangingilid na tumingin ang dalaga sa lalaki.

‘bakit may babae dito? At saka bakit ganyang ang istsura?’ tanong ng lalaki sa kanyang sarili.

"Oh anjan ka na pala. Buti at binilisan mo" lumitaw ang matanda at nagulat ang babae dito.

amusement is all over on his face ngunit isana walang bahala nalamang ito at liningon ang matanda ulit.

"Who is she?" Tanong nya.

"Ah, nakita ko sya doon sa may gitna ng gubat."

"Gubat?" Naningit ang mata ng lalaki. Paanong mangyayaring may tao dito sa gubat.

"Oo, sapalagay ko ay galing sa sa bundok kipana—"

"What the hell?!"

"Huwag kang sumigaw! Matatakot mo ang bata!"

'akala mo naman ay hindi din sya sumigaw' umirap ang lalaki sa sigaw ng matanda

"So you mean doon sya galing ay nahulog sya mula doon?"

"Oo siguro, tanungin nalang natin sya sa susunod hijo"

Umupo sila sa upuan at kumain. Panay ang titig nya sa babaeng hindi ginagalaw ang pagkain.

"bakit hindi mo muna ginamot ang sugat nito?!" napansin nya kasi na patuloy sa pagdudugo ang sugat nito. Umiigting ang panga nya.

"Kaya ko bayon? Sa pagkakaalam ko ikaw ang doctor saatin hindi ba?" Sabay tingin ng masama ng matanda

'matanda ba talaga to? '

"Whatever" sabay irap.

"Hey,you eat." Sabi nya sa babae.

Sinamaan nya ng tingin ang babae nang makita nya itong ayaw kumain. Mukha namang natakot ang babae kaya sinimulan na nitong kumain.

Kumain na din ang lalaki hindi pinansin ang babae.

"Hindi ka pa din tapos?" Histerikal na sabi ng lalaki. Hindi makapaniwala.

Natapos na kasi syang kumain ay hindi parin tapos ang babae.

"Ikaw ang magpaligo jan—"

"What the hell?! Tanda! Lalaki ako!"

"Baka nakakalimutan mong lalaki din ako—"

"Bakit matanda ka nanaman ah—"

"Tigilan mo ako Hijo! Doctor ka din baka nakakalimutan mo!" Wala ng nagawa ang lalaki sapagkat nag walk out din ito.

Tumayo sya at inilagay ang kanyang isang kamay sa baywang at ang isa ay sa noo na parang hinihimas ito. Hindi nya alam ang gagawin.

"What I'm going to do with you" he sighed

"Halika dito at lilinisan kita, pagkatapos ay gagamutin natin yang sugat mo. Hmm"

Tumango ang babae kahit natatakot ito sa isang lalaki. Sini ba naman ang hindi matatakot. babae pa din sya at lalaki iyon.

Nahalata iyon ng lalaki. Ngunit bilang doctor ay gawain nyang pakalmahin ang pasyente kaya kumalma din ang babae.

Nilinisan nya ang babae ng maayos at binihisan.

"I'm going to clean your wou—" hindi natuloy ang sinasabi. Natulala sa babae. Parehas silang natulala. Sari sari ang nararamdaman. Hindi nya maipaliwanag, nagkaroon ng buhay ang kanyang mga dugo.

He licked his lips and looked away. Hindi nya kaya ang tensyon. His jaw clenched, his eyes are dark like sky.

"What the hell?" Bulong nya at yumuko.

A/n; please read this! This is a work of fiction and please bear with me. With my grammar. Also errors ahead.

Tangled RopeWhere stories live. Discover now