Solei's pov
Sa buhay marami talaga tayong pagsubok na nararanasan. May nakakalagpas, meron namang hindi. Kapag mahina ka, talo ka. Minsan mahirap, minsan hindi.
Ewan ko kung bakit sa iba madadali lang yung problema. Hindi ba parang unfair iyon?
Masama yung pakiramdam ko. Feeling ko ay ang bigat ng katawan ko. Kahapon ko pa ito nararamdaman. Siguro ay dahil nagpaambon ako noong nakaraan. Ang sakit na din ng ulo ko. Ano ba iyan. Nagsisisi tuloy ako na magpaambon, kung bakit ba kasi hindi ako nagdala ng payong.
Tumayo na ako at pumasok na sa cr para gawin ang ritual. Ang lamig ng tubig! Pwede bang huwag na lang maligo?
Matapos ang ilang minuto ay natapos na ako. Nakapagbihis na din ako. Binilisan ko lang talaga ang ligo ko. Ang lamig kasi sobra. Kaya nakajacket ako ngayon. Nagsuot na din ako ng makapal na mahabang medyas. Naka aircon kasi sa loob ng room, panigurado ay mamatay ako sa lamig.
Umupo ako sa higaan habang nagsusuklay. Kinuha ko ang cellphone ko. I was scrolling through Facebook and saw a interesting thread.
"Mga paraan para swertehin a thread:"
Na curious ako. Binasa ko yung comments ngunit isa lang ang nabasa ko sapagkat nakita ko ang oras. Malalate ako nito!
Pero bago iyan kumuha ako ng piso sa aking wallet, at inilagay ito sa loob ng rubber shoes ko.
"Maglagay ng piso sa iyong sapatos para swertehin ka"
Tumayo na ako at naglakad na. Ang weird sa pakiramdam ng piso. Pati pakiramdam ko weird.
After ilang minutong impyerno ay nakapasok na ako ng room. Kelan ba sila titigil? Kase ako gusto ko na silang tumigil. Hindi sila titigil hanggat hind ako nawawala dito. Hindi naman ako aalis dito. Kaya patuloy sila. Bakit ako aalis? Para ko na ding pinatunayan na totoo yung mga sinasabi nila saakin.
Yumuko ako sa desk ko. Pinikit ko ang mata ko pero ilang minuto lang ay may nagsalita. Aish.
"Tayo na daw ang sunod na checheck-up-in!"
Sabi ng secretary"Guys pila na!" Sigaw ng president
Hindi ako bumangon.
"Solei tara na!" Sabi saakin ng babae. Naiinis pa ang pagkasambit nya. Kaya sa takot ko ay sumama na ako.
Hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko. Feeling ko magc- collapse ako dito eh. Nagalaw yung paningin ko.
"Huy alam mo pogi daw yung doctor!"
"Ay oo! Sya daw mageexmine saatin! Yes!"
Rinig ko ang ingay nila pero parang lumalabas lang ito sa kabila ng tainga ko. Parang hindi ko maprocess.
Isa isa na kaming in examine nang makarating kami sa clinic. Malaki ang clinic namin. Madami din ang mga beds dito. Kumpleto sa equipment at higit sa lahat ay may doctor na nagchecheck kada week. Yes week. Ito ang maganda sa school na ito. They prioritized our health.
Ako pa yata ang huli. Ako kasi ang huli sa pila. Nauna ang mga lalaki. Bago ang mga babae. Bawat tao na tapos na ay kailangan nang bumalik ng classroom.
"Ah, i feel like I'm going to die" bulong ko
"Hoy! Ikaw na last bilisan mo!" Umoo nalang ako sa kaklase ko. Hindi ko sila gaanong kinakausap. Hindi rin naman ako close sa kanila.
Pumasok ako. Nakita ko ang isang doctor. Nakaupo sya at hinihintay ako. Tinitignan ko sya pero malabo na masyado ang paningin ko kaya hindi ko mamukaan ang mukha nya.
"Hey, you don't look okay. Are you sick?" Tanong nya sabay gaya saakin sa higaan. Chineck nya agad ako.
"You have a fever" he said. Tumango nalang ako. Nanghihina na kasi talaga ako.
"You should rest here. I'm going to get you a medicine. Did you already eat?" Tanong nya. Bakit nya tinatano—oh. Yeah right.
"H-hindi pa po" mahinhin kong sabi. Napasinghap sya. Hays siguro tingin nya ay isa akong napakalaking pahamak.
"Wait for me here, I'm going to get you some foods. Alright?" Sabi nya at lumakad."and oh wait, dont leave here, okay?"
"Hmm"
I feel like my heart is going to explode. I don't know why.
Why? Baka siguro masaya lang ako. Kasi isa sya sa mga taong nag-aalala saakin. Of course mag aalala talaga yan. Doctor sya eh. If may hindi magandang nangyayari sa pasyente, magaalala talaga ang mga doctor.
After ilang minuto dumating sya. Umupo agad ako sa higaan. Sa pagkataranta ko. Pero sinensyasan nya din ako na huwag mag gagalaw galaw.
"Here, eat this." Bigay nya sa isanv rice porridge
"B-bakit ka po may g-ganito? W-wala po neto sa m-may canteen" nanghihina kong sabi. Galing nakapagdaldal pa ako. Ewan ko. Komportable ako sa doctor na ito. Even though i didn't see his face that much. Because it's blurry. But he has a husky voice.
He chuckled. " I prepared that last night. Feel ko may magkakasakit ngayon kaya nagluto ako kagabi. Ininit ko lang"
"N-niluto nyo?" Tanong po" po" dagdag ko. Sa sobrang komportable nakalimutan ko na mas matanda nga pala ito saakin.
"Yes, i cooked that. Now eat. You need that so you can drink medicine." Sabi nya.
Habang kumakain ay pinapanood nya ako. Wala na syang ginagawa ngayon. Gaya nang sabi ko ay ako ang panghuli, sa LAHAT.
Pinainom nya din ako ng gamot. Inalagaan nya din ako, at hindi sya umalis sa tabi ko.
"Doc" i said. Medyo umayos na ang pakiramdam ko after 6hrs. Medyo hapon na mga 3 siguro.
"Hmm? What?" Tanong nya. Nasa desk sya habang ako ay nasa higaan. May inaayos syang paper works.
"May nabasa ako, ang sabi ang lalaki daw ay possible daw mainlove sa babae sa loob lamang ng segundo. Parang love at first sight ganon. Sa tingin mo ba totoo yon?" Mahabang sabi ko.
Tinignan ako ng lalaki. Pumangalumbaba sya. At nagisip.
"Hmmmm, yes" walang pag aalinlangan nyang sabi.
"Eh sa mga bagay na pagginawa mo ito susweertehin ka. Kasi ako oo doc. "
"Why? "
"Naglagay ako ng piso sa loob ng sapatos ko tapos sinuwerte ako." Mahinhin kong sabi.
"What? Eh halos maghingalo ka na ah! "
"Hmm, swerte para saakin. Kasi someone take care of me." Mahinang sabi.
"Kahit malabo yung mata ko ngayon, at hindi kita makita ng maayos ay sobrang swerte ko. Kaya nagpapasalamat po ako. Matutulog po muna ako ng saglit tapos po tatawagan ko na po ang driver namin para makauwi" sabi ko sabay humiga at tinakpan ang mukha ng kumot. Nagpasalamat ako. Wooh aish. Nakakahiya. Ah bakit ba ako nahihiya sa kanya?
Pero.. i smiled.
Totoo nga. Coin is a lucky charm. I would probably keep this.
"Doc. Pablo, tawag po kayo" huli kong narinig bago ako makatulog.
