Chapter 3: Freedom

7.6K 350 8
                                    

Why am I doing such lengths to save this kingdom? Napatitig ako sa isang malaking portrait, it was my mother smiling...

'Anak, no matter what happen. Don't let this beautiful place get destroyed.' That's what she used to tell me. Mama loves this kingdom so much kaya inaalagan ng maayos ni ama ang lahat.

So I should protect this kingdom kahit anong mangyari, at least that's the only promise I can grant to mama.

That catastrophe's gonna happen in the future. May possibility na isa sa mga kingdom ang tatraydor saamin.

I mean this empire is very trusting, mahilig sa alliance and despise wars. Kaya nagtaka ako kung bakit sira sira na ang lahat sa panaginip ko.

Unless it's someone powerful. "Pardon me Princess, bumisita si Prince Mael sa palasyo ng iyong ama. Are you perhaps planning to go?"

Agad naman akong napatigil, Maelstrom Chiles from Pollux Empire, he's an eagle hybrid. He was 'supposed' to be my future fiancé dahil sa promise ng both kingdoms.

I was young that time when the promise was made, andon din si mama nung nangyari iyon. I think Mael and I were close that time too, hindi ko na maalala.

Since hindi ako hybrid ay kinancel nila ito. Well, no one wants to marry a normal royalty na walang hybrid features. Tsaka matagal ng kansela iyon.

I think he's visiting kasi pag-uusapan ang tungkol sa lupain? Or maybe for my brothers? Or si Calliope?

I'm sure Ellie asked me kasi mahilig akong umaligid doon sa room ni ama pag andon si Mael. Do I like him? No of course not...

I'm just trying to be friends with him kasi wala akong kaibigan, we never talked, not even once sa lahat ng pagpunta niya dito, atsaka close sila ni Calliope.

"No, I'm not going. Nakapunta na ako doon, I'm sure the king won't be happy seeing my face again anyway." Sagot ko at nagpatuloy sa pag iisip.

Baka may kingdom na sasaksak saamin patalikod diba? We're all close to the 2 kingdoms, the Pollux and Aquila Empire. Wala naman kaming problema sakanila so far...

But if it's not those two kingdoms? Alangan naman kung yung Hydra Empire diba? That Kingdom has everything at super higpit ng security.

Hydra Kingdom has the best in everything ever at ni walang gustong makipag alliance doon kasi nakakatakot lang.

Hydra Kingdom is the strongest, kami ang second following Pollux tas Aquila. May possibility na ang Hydra but why would they do it if they're the strongest?

Pero kung hindi ang Hydra edi yung Aquila at Pollux? But we're allied to them? Hays hindi dapat ako padalos dalos ng decision.

I can't accuse any kingdom without proper evidence too. Ano na ang gagawin ko? Remembering those people suffer because of that...

Lumabas ako saglit para magpahangin, ngayon ko lang narealize sobrang ganda pala dito. Well, I was busy getting my family's attention to the point that I didn't even notice this place's beauty.

'Prince Apollo? Yung namumuno sa Hydra Empire?'

'Oo yun mareee, sabi ng iba napaka gwapo daw nun.'

'Talaga? Sabi nakakatakot daw siya.'

'Naku sis, gwapo talaga not to mention napakalakas pa.'

Pagchi-chismis ng mga maid habang nagtatrabaho sa garden.

Napatilt naman ang ulo ko, oo nga I recently heard na may bagong namumuno sa Hydra. Pero malay ko eh konti lang naman ang nakakapasok don.

But like the rumors, he's strong. What if? Hmmm.... Agad naman akong bumalik sa kwarto ko at may isinulat.

"Ellie!" malakas na sabi ko, agad namang pumasok yung maid ko na parang nagmamadali.

"Yes Princess? May kailangan ka po-

"Dress me up, we're going shopping." Malakas na sabi ko, lumiwanag naman ang mukha niya.

"Talaga po princess? You never went out in the town before!" agad niya akong inayusan, yeah lumalabas lang ako pag kailangan.

I wore some boots since wala na akong heels. Wala akong masyadong alam sa Hydra Empire, but saan sa tingin niyo nag circulate ang rumors sa kingdom na iyon?

The town, marami silang rumors na alam sa iba't ibang kingdom. So maglalakad lakad ako doon at magtanong tanong tungkol sa empire na iyon.

~~~~~~~~~~~~~~

Nasa labas na ako ng gate at ini-ready na ni Ellie ang carriage. "It's the princess ok!? Kaya ihatid ninyo kami-

"Anong problema, Ellie." Sabat ko, sabay naman napatingin ang mga nagmamanage ng mga carriage. Ah so they won't let me ride?

Bakit? Because everyone hates me? yun ba yun? But that doesn't give them to disrespect me, isa din akong Caelum.

"We're going to town, bakit ayaw ninyo kaming pasakayin?" malamig na tanong ko, nagtingin tinginan naman ang mga kutsero.

"Bawal nga kasi princess, hindi ka ba nakaintindi?" napalingon naman ako sa nagsalita and it was a lady. I guess siya ang head sa pagma-manage sa carriages.

"How dare you dis-" hinawakan ko ang balikat ni Ellie, halatang galit dahil sa kunehong tenga niyang kanina pa nakatayo.

"And why is that? Anong karapatan niyo to disrespect... me?" sasagot sana ulit siya kaso nginitian ko ito sabay bulong.

"I'm Eclipse Caelum, if you're disrespecting me. You're also disrespecting the Caelum family." nakita ko naman ang pamumutla niya. "Ayaw mo naman sigurong malaman ito ni ama diba?"

"I-I'm sorry princess, h-hindi ko po sinasadyang sumagot ng ganoon sainyo. L-lahat po kasi ng normal na carriage ay ginagamit-"

"Normal? Do I look like a servant to you?" normal carriages ay usually for the servants and workers na under sa pamilya namin.

I glared at her and hinawakan ang balikat niya, hinigpitan ko ang pagkahawak ko at mukhang nasaktan naman yung babae. "What's your name?"

"Av-Avis, p-princess." I smiled sweetly at her. I remember how they treated me harshly just because they hated me.

"Now Avis, alam kong ayaw mong mawalan ng trabaho. I can fire you since I'm a Caelum too, doesn't matter if you're the head of this management. Madali ka namang palitan."

What? akala nila siguro magbait baitan lang ako sa buong buhay ko? no way! Why would I? mas masaya naman pala kung ganito eh...

You need to be mean in order for them to serve you right. "Give me the best carriage."

"P-pero magagalit ang hari. P-pag nalaman niya ang mga ginagawa mo, he will surely punish you!" so makapal nga talaga ang mukha niya. "He'll be very disappointed!"

"So? I don't care! matagal na silang disappointed sakin, at ano bang pake mo? wala naman silang pake saakin diba? I'm sure he wouldn't mind, kahit mag sumbong ka pa." 

Marriage Contract with the Villainous PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon