Chapter 18: Nuisance

6.3K 329 14
                                    

Isang linggo na ang nakaraan simula nung bumisita si Apollo, "Princess! May another set na naman ng mga bulaklak!"

Napakamot naman ako ng ulo, excited na kinuha ni Ellie ang isang bouquet ng bulaklak kay Noire.

"Hays, 'white dove' na naman ang laman ng letter. Wala bang ibang masabi ang sender mo princess?" inis na kumento ni Ellie.

Isang linggo na din ang nakaraan simula ng may nagsend saakin ng puting rosas. Ewan ko kung kanino galing.

Si Prince Apollo ba? Akala ko magsisimula ang actingan namin sa floating island? I wonder if it's him though.

Nagsimula kasi ang pagbibigay ng puting rosas nung araw na umalis siya. andito kami ngayon sa labas, where it's fresh.

"Umupo ka na Noire, iinom lang naman tayo ng tsaa." Mahinhin na saad ko sakanya.

Lately kusa ko na siyang kinausap para kaibiganin, alangan namang i-ignore ko siya buong existence ko.

I've been doing it for a week now, mukhang ok naman si Noire. Akala ko talaga ayaw niya sakin, pero he's just shy.

Atsaka ganon na talaga ang mukha niya sabi ni Ellie, parang galit pero mabait naman.

"My lady... ok lang ako." sagot niya naman, tinaasan ko naman siya ng kilay. "Baka papagalitan ako."

Palagi nalang siyang nagsasabi na papagalitan siya, hindi naman ako ganoong tao na basta basta nalang magagalit.

Did Calliope do something sakanya? atsaka Noire's been apologizing a lot lalo na kapag konti lang ang pagkakamali niya.

"Sino naman ang magagalit? Ano ka ba, hali ka't umupo ka." Sabat naman ni Ellie, na nakaupo din sa tabi ko.

"Oo nga, ako ang master mo sa ngayon. Hindi ako magagalit." Napakamot naman siya ng ulo at sinunod nalang ang sabi ko.

Napaka-nerbyoso niya naman, did Calliope perhaps throw tantrums at him? habang umiinom kami ay may nakita kaming isang... anino.

Wala namang katao tao dito sa garden dahil pinaalis ko lahat ng mga guards since andito na si Noire. Sino ba-

"Who's there!?" nagulat naman ako dahil biglang sumigaw si Noire, wow ang bilis niya. lumabas naman yung tao na nasa may puno.

"Ah greetings to the 4th Princess of the Cygnus Empire." Nanlaki naman ang mga mata ko sa bumati sakin, MAEL?!

Agad naman akong tumayo at nagbow. "Greetings to the Prince of the Pollux Empire, a-ano ang ginagawa mo dito?"

He came out of nowhere, bakit siya napadpad sa building ko? Malayo naman to sa office ni ama ah. Ngumiti naman siya.

"Pasensya ka na mahal na prinsesa, I was walking around and got lost." Napaawang naman ang bibig ko, lost?

Akala ko kabisado na niya ang palasyo dahil palagi siyang pumpunta dito? "I also sprained my ankle while walking."

"Ay hala, sorry! Please sit with us muna. Ellie kumuha ka muna ng first aid." Agad namang sinunod ni Ellie ang utos ko.

Lumapit ako kay Mael at inalalayan siya. Bakit hindi niya ginamit ang pakpak niya if he's sprained? Siguro bawal?

"Thank you so much." tumango nalang ako, mabilis namang nakabalik si Ellie at ginamot ang paa ni Mael.

"Noire, send guards dito para alalayan ang prinsipe upang makapunta kay ama or kay princess Calliope." Utos ko naman kay Noire.

Umalis naman agad si Noire, "Maraming salamat talaga, princess." nakangiting sabi niya. I told yall he's a smiler.

Ngumiti nalang ako pabalik para di awkward. Pinatawag ko talaga ang guards para di na siya magstay dito.

Ewan ko ba kung bakit, basta ang alam ko palagi ko na siyang nakikita. Pero nung dati nga di ko naman siya nakikita.

"Hindi ka ba laging lumalabas, princess? I rarely see you around the palace." Ba't ang daldal nito? Na-sprain lang ang daldal na-

Sasagot sana ako kaso bumalik agad sina Noire, THANK GOD- ayaw kong kausapin ang isang to. "Princess, pinapatawag ka ng iyong ama."

"Ah... paano ka prince Mael?" its disrespectful kasi pag iiwan mo yung isang guest royalty ayon sa etiquette.

"Kanina pa din po siya hinahanap ng mahal na prinsesa, ako na po ang bahala sakanya." sagot ulit ni Noire.

Hmm? kanina pa pala siya hinahanap ni Calliope, bakit naman siya naglakad lakad dito? And lost? Pero salamat talaga Noireeee~

May kasama namang guards si Noire para alalayan si Mael. "Salamat ulit, princess."

Tumango naman ako. "Then aalis na ako mahal na prinsipe." Saved by my father's orders!!! WOHOO!

I bowed and agad umalis doon, sinundan naman ako ni Ellie. "Princess, ako lang ba or parati na nating nakikita't napapanspin yung prinsipe."

Hindi naman ako sumagot, pati nga si Ellie ay napapansin na ang mga galaw ni Mael. Not that I care though.

Mabilis naman akong nakarating agad and for some reason, nakakagulat dahil walang mga maid na nagchi-chismisan.

Weird, asan na ba ang mga katulong? Ellie opened the door, agad bumungad ang mukha ng mga kapatid ko.

Well except wala dito si Calliope, baka hinahanap padin si Prince Mael, "Greetings to the King and Princes of the Cygnus Empire."

"Tigilan mo na nga yan." inis na sabat ni Leo. "You greeted us like you're not included in the family."

Napaawang naman ako, ano ba naman yan. ano ba dapat? Pinapagalitan na nga nila ako dati kasi I was disrespectful

Bumuntong hininga naman si Cavin, "Hayaan mo na siya Leo. Andito ka ngayon para tanungin kung sasama ka ba sa event."

"Event? Yung floating island event?" gulat na tanong ko, kusa silang nag-tanong sakin.

"Yes, so do you wanna come?" 

Marriage Contract with the Villainous PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon