"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang inuubos ang float ko. Kanina pa kami nagbabyahe pero hindi ko parin alam kung saan kami pupunta. Antagal ng byahe.
"Sa tagaytay, you need to relax" aniya saka niliko ang sasakyan.
"Anlayo naman?" reklamo ko kaagad kahit na na-excite rin ako dahil balita ko maganda raw ang view roon lalo na 'pag gabi.
"Okay lang as long as you're happy" hininto nya ang sasakyan sa tapat ng isang malaki at modernong bahay.
Bumaba sya ng sasakyan saka ako pinagbuksan ng pinto, napatingala ako sa laki ng bahay na nasa harapan ko. It's so modern and beautiful. I like the view so much.
"Kaninong bahay 'to" kapagkuwan ay tanong ko, tiningala nya muna ang bahay saka pumasok sa loob.
"Mine" narinig kong aniya, sumunod ako at naglakad-lakad sa gilid ng gate doon sa loob, ang gaganda ng mga halaman, halatang alagang-alaga.
"I would love to have this kind of house" halos mapatalon ako sa gulat nang mangibabaw sa likuran ko ang boses ng isang babae.
"Ay palaka ka" nasabi ko sa sobrang gulat bago humarap dito.
Nakasuot sya ng mamahaling hanging blouse na walang manggas, pinarisan ng fit na uso ngayong pants then a pair of flat sandals. Mukhang donya sa ganda ng tindig. Maganda sya, sa pakiwari ko ay magkapareho lang kami ng edad, halatang anak mayaman sa ganda ng kutis. Matangos ang ilong, maporma ang labi at may magagandang mata. She has a brown eyes.
"Who are you? Why are you here?" kahit nagtataka ay nanatili parin ang istrikta nyang mukha.
"What are you doing Lorainne?" Narinig ko ang boses ni Geo na papalapit sa'min.
So, her name is Lorainne? Beautiful name and fits for her.
I looked at her while appreciating her beauty. She look like an artist, she's fit for the kontrabida role.
"Nothing, i just asked who is she? Why the hell is she here?" mukhang mainit yata ang dugo nito sa'kin ah? Seriously? Englishera ba talaga 'to o nasanay lang? Parang may ibang lahi din eh. Batay narin sa hitsura.
"It's none of your business" ani Geo saka inakay ako papunta sa loob ng bahay. Mas namangha pa ako dahil gawa sa glass ang halos lahat ng mga nandun.
Pinaupo muna ako ni Geo saka pumuntang kusina para maghanda ng kakainin namin for lunch. Naramdaman ko namang sumunod sa kanya 'yung babaeng nagngangalang Lorainne sa kusina.
Ayos rin pala 'tong si Geo eh, kaya pala hindi na masyadong malungkot this past few days kasi may girlfriend na pala. Naks he deserve it. Para naman sumaya na ang buhay nya at hindi na kami bwesitin araw-araw.
Iritadong mukha ang sumalubong sa'kin pagkalapag niya ng pagkaing niluto. Lumapit na naman ang babae sa kanya at pinulupot ang kamay nito sa braso nya habang patuloy syang kinukulit, este nilalandi.
"Stop it" Napakunot ang noo ko sa inaasta nya, parang ayaw nya pang makita ang babae ngayon dito. Anong nangyayare? Hindi nya ba girlfriend 'to?
"Can you fucking stop? Go and leave now or else." singhal nya sa babae na maski ito ay nagulat sa sinabi nya. Nagpabalik-balik ang tingin nya sa'ming dalawa ni Geo saka inis na bumuntong-hininga. Sinamaan pa'ko ng tingin.
Ginawa ko sa bruhang 'to?
"Is this because of her?" Biglang turo nya sa'kin kahit inosente lang akong nakaupo rito. Napataas ang isang kilay ko saka gulat na itinuro ang sarili ko.
YOU ARE READING
The Author's Wish (Luna Series #1)
RomantikThe popular, great, and smart Author that has a fan sided of the man she idolized the most. The man is artist and popular not just in the country but in the whole world. She thinks it's just a simple infatuation for her idol, not until she met the s...