Chapter 6

3 1 0
                                    

Ilang araw na ang nakalipas simula nang magkaayus kami ng pinsan ko. Nangako na siya sa'king hihiwalayan ang nobyo niya, naghahanap lang raw siya ng tamang pagkakataon.

Nandito kami ngayon ulit sa tagaytay kasama sina Beatrice at Geo, tatlong araw lang kami rito mananatili. Kailangan lang magpa-stress out.

"May alam akong susunod nating lokasyon" biglang sabi ni Beatrice hawak ang cellphone niya. Kanina niya pa iyan kinakalikot.

"Saan ba?" Tanong naman ng pinsan ko habang inaayos ang tanghalian namin.

Ako? Nagtitipa ako sa laptop. Dinadagdagan ang chapter ng story ko pero hindi ako masyadong makapagfocus kanina pa dahil nagbabangayan ang pinsan ko at si Geo.

"Palawaaaan" pakanta niyang sabi. "Oh tingnan niyo 'to. Ang gunthe 'di ba? Oh pak ito pa. Can't wait" tili niya.

"Ang ingay mo, Bea" reklamo ni Geo habang pinapapak ang burger na binili namin kanina, hindi namin naubos nung nasa byahe pa kasi parehong inaantok.

"Ingay your ass"

"Hoi, ang bastos neto. May anghel rito mahiya ka naman" biglang turo sa'kin.

Hinampas ko siya ng kutsara at inambahan ng suntok pero agad namang umepal yung pinsan ko.

"Hephephep!, sige ituloy nyo, bebeltukan ko kayo pareho" aniya saka nilapag ang sinabawang manok na ulam namin.

Kanina feeling ko busog ako pero nung maamoy ko ang nakakatakam na amoy ng manok tsaka palang kumalam ang tyan ko. Ang lakas pa na naging dahilan para sabay na mapatingin sa'kin ang tatlo.

"Patay gutom ka sis?" Pang-eepal na naman ni Geo.

"Patayin kita gusto mo? Socsoc ko sa'yo 'tong tinidor eh" maarte kong sabi saka sumadok ng kanin at nagsimulang kumain.

Nagtatawanan kami habang kumakain, nakikinig lang ako sa mga chicka nilang tatlo nang bigla nalang mabaling sa'kin ang usapan.

"Sayang ang kagwapohan timer naman pala, maiinggit na sana ako" ani Bea.

"Eh alam niyo na, nasanay sa kakahabol sa idolo niya itong isang bruha rito" turo pa sa'kin ni Geo "kaya ayun, pati yung dalawang taong nagde-date sinundan, bokya tuloy"

Sinulyapan ko ang si Gian, naninigurado kung ayus lang ba sa kaniya na pag-usapan 'to pero tumatawa lang naman siya at parang walang problema.

"Ito kasi antanga rin, nag-away pa kayo imbis na beneltukan nalang pareho yung manlolokong lalake na 'yun" dagok ulit ni Bea.

Hinila ni Gian ang buhok niya saka nagsalita "Gaga,malay ko ba na certified magaling matago slash manloloko yun noe"

"Aray ko depota ka ambaho ng puke mo, ansakit ng buhok ko"

"Kumakain kayo uy, mura nang mura" saway ni Geo na akala mo hindi rin demonyo.

"Zari foe pader" sabay na sabi ng dalawa. Nagkatawanan pa.

"Hoi mader ert, bat parang antahimik mo?" ako na naman ulit ang nakita ni Bea.

"Nag-iisip ako kung ano isusunod ko sa story ko"

"Story saan?" Sabay na tanong ni Gian at Geo

"Hay nako, Gianna. Parang hindi mo naman kilala 'yang pinsan mo. Syempre pangarap maging author kaya gumagawa ng story"

"Akala ko ba wala ka pang balak magsimula?" Tanong naman ni Geo habang inaabot ang sawsawan para sa isda.

"Kelan ka lang nagsimula Couz?" Kunot-noong tanong ni Gian.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 29, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Author's Wish (Luna Series #1)Where stories live. Discover now