Tinitigan ko lang ang nakalahad niyang kamay saka dahan-dahang tumingin sa kanya. Napabuntong-hininga ako. Narinig ko ang pagpasok ng dalawa sa sala pero napatigil sa nabungarang eksena.
"Nice to meet you" yun nalang ang sinabi ko para hindi siya masyadong mapahiya. Nagsimula na akong kumain. Inilapag nila Geo at Beatrice sa mesa ang mga binili nila. Pinakilala muna ng pinsan ko ang boyfriend niya sa kanila bago sila bumalik sa sofa.
"Uy, pwede makikain mga dai? Tangina ha naging abala lang ako saglit andami ko nang namiss na eksena. Chicka us mamaya ah?" Kahit kelan talaga napakadaldal nitong si Bea.
"Mura ka nang mura eh alam mong may kumakain rito, respeto Bea ha. Beltukan kita eh" ani ko.
"H'wag ka raw magmura baka maudlot ang pagbabago niya bilang anghel na malabong mapunta sa langit." Biglang sabat ni Geo. Tangina pinagtutulungan na naman ako ng dalawang 'to.
Kaming tatlo lang ang nagtatawanan at nag-aasaran, hindi sumali yung pinsan ko para siguro alisin ang pagkaout of place ng nobyo niya. Nag-uusap sila pero mahina ang boses kaya hindi namin rinig dito.
"Oh, isang bruha tapos kana ba kumain? Napakasipag naman talaga sa bebetime jusq" pagtawag niya sa pinsan ko.
Nagtuloy-tuloy lang ako sa pagkain hanggang sa may maalala. Nagpaalam naman muna saglit si Gianna sa kanya bago lumapit sa'min.
"Waw ha, sipag mo mamingwit ng gwapo Gian ha. Ginayuma mo noe?" Mahina ang boses na pambibintang ni Beatrice sa kanya at hinila pa ang buhok niya bago tumawa.
"Bobo ka? Wala ka bang tiwala sa flirting skills ko?" Pagmamayabang pa ng pinsan ko
"Ang sipag ng gaga sa bebetime. Landi mo"
"Syempre kakagaling lang sa trabaho nyan, pagod kaya pinapunta ko nalang muna rito"
"Ay may job? Ay waw naman"
"Oo HAHA inggit ka?"
"Slight, chos neknek mo noe"
"Hindi ba ikaw 'yung nakita ko sa mall kanina na may kasamang babae?" biglang sabat ko na diretsong nakatingin sa lalake.
Nakita ko kung pano siya magulat at mabilis na tumingin sa pinsan ko bago ulit ibinalik ang tingin sa'kin.
"A-ah baka nakakamali kalang s-siguro" agap na sagot niya at isa-isa kaming tiningnan gamit ang mailap na mga mata.
"You thinks so?" Naningkit ang mga mata ko, ang pinakahindi ko pa naman gusto ay 'yung mga sinungaling.
Minus 30 ka sa'kin brad
Nakita ko ang mabilis niyang paglunok, sandaling nabalot ng katahimikan ang sala. Tanging ang tunog lang ng telebisyon ang maingay.
"A-ah ako na ang magbubuluntaryong maghugas, yeyy!" Basag ni Beatrice.
"Ha." Pagsakay naman ni Geo
"Bingi, sabi k-"
"Hatdog!" Pambabara niya.
Lumapit naman ang pinsan ko sa jowa niya, halatang naguguluhan. Nag-usap sila saglit bago hinatid ang boyfriend niya sa labas.
Napabuntong-hininga nalang ako at napatingin ulit ako sa mesa saka inayos ang sarili ko. Babalik na sana ako sa kwarto para ipagpatuloy ang pagsusulat nang bigla nalang pumasok ang pinsan ko sa sala at mabilis na hinawakan ang braso ko.
Napatingin ako dun saka nilipat ang tingin sa kaniya. Galit ang mga mata niya.
The hell?

YOU ARE READING
The Author's Wish (Luna Series #1)
RomanceThe popular, great, and smart Author that has a fan sided of the man she idolized the most. The man is artist and popular not just in the country but in the whole world. She thinks it's just a simple infatuation for her idol, not until she met the s...