Chapter 2
"danoy" pang pitong tawag ko na yata kay danoy ngayon. Kanina pa kasi niya akong hindi pinapansin pagkatapos namin umalis sa mini hotel. Hindi ko rin naman alam kung bakit bigla na lang siya nawala sa mood.
"kuya nasan po dito yung swimming pool pambata" nabaling ang tingin namin parehas sa dalawang bata sa harapan namin.
"bago lang ba kayo rito?" nakangiting tanong ni danoy sa dalawa.
Huhuhu buti sila pinapansin ni danoy samantalang ako hindi.
"opo, kanina lang po kami dumating dito" anang batang nasa edad sampu siguro. Tumayo naman si danoy saka binuhat ang batang nasa edad 6 naman siguro. Sinamahan niya ang mga ito sa may parte na pambata lang ang pwede. Para tuloy silang naging mag a-ama, ang kulang na lang ay asawa. Pero nakakainis talaga! bakit ba hindi niya ako pinapansin? wala naman akong nagawang ikakagalit niya ah. Atsaka, ako nga dapat ang hindi siya pinapansin eh. Akala niya ba nalimutan ko na yung kahapon. Huh!
Mga ilang oras din ay bumalik si danoy. Gaya ng kanina ay mukhang galit pa rin ito. Hindi ko alam kung galit na ba siyang pumunta dito o talagang galit siya sa akin. Sa tagal na naming magkasama ay ngayon pa lang yata siya nagalit at hindi ako pinapansin.
Nakarating kami sa sea side at hindi ko na kinulit pa si danoy na pansinin ako. Hinayaan ko na lang umakyat at umupo sa high chair niya. Na upo naman ako sa baba dahil may maliit na upuan doon katabi ng sa kanya. Hindi naman kami naiinitan dahil may payong naman na naka-kabit sa upuan niya.
Nakanguso akong pinanonood ang mga turistang naliligo at mga batang naglalaro. Meron ding nag sa-sunbathing at meron din namang nag se-selfie at nagke-kwentuhan na puros english ang salita. Nakaka-ilang buntong hininga na ako at panay din ag silip ko kay danoy ngunit hindi man lang niya ata ako tinitignan. Naktutok lang ang kanyang paningin sa mga turistang naliligo at naglili-waliw. Huhuhu hindi ako sanay ng ganito kami, pansinin mo na ako danoy pleaseeee huhuhu.
Mga ilang oras pa ang itinagal namin dito ng marinig kong may tumawag sa akin. Pagtingin ko sa aking likod ay ang pinsan ko palang si angeline, patakbo itong nagtungo sa akin at hihingal-hingal na sapo ang dibdib.
"bakit?" tanong ko sa kanya. Pina-tayo niya ako sa aking upuan at siya naman ang umupo. "tawag ka ni lolo sa opisina niya" aniya saka ako tinignan ng masama "may ginawa ka na naman bang mali?" aniya pa.
Huhuhu nakakatok talaga siya, para siyang si mama pag nag sesermon o nagagalit. Ano na naman bang ginawa ko? wala naman akong ginagawang mali ah.
"ano ka ba molly, wag ka ngang umastang parang batang naiiyak na" ani pa ni angeline ng mapansin niyang maiiyak na agad ako eh wala pa ngang nangyayare. Nag pa-paawa akong tumingin kay danoy para samahan niya ako kay lolo. Kapag kasi ipinatatawag ako ay palagi niya akong sinasamahan, pero mukhang sa araw na ito ay hindi iyon mangyayare dahil hindi man lang niya ako tinitiganan o pansinin man lang.
"huhuhu i hate you!!!" sabi ko kay danoy pero sa isip ko lang yon. Pagkatapos ay galit akong naglakad patungo sa opisina ni lolo. Hmp! bahala talaga siya. Kung galit siya, mas galit ako! wag lang siyang sasabay saken pag pasok ko bukas hmp!
Bumaba ako sa electric bike ng i-park ko iyon sa ilalim ng puno sa gilid ng bahay ni lolo. Medyo malayo kasi ang bahay niya sa resort kaya kailangan kong sumakay ng e-bike para mas mapabilis akong makarating. Papasok na sana ako ng mapansin kong may isa pang e-bike na nakaparada doon sa isa pang puno sa gilid ng bahay. May malalaki kasing dalawang puno sa gilid ng bahay ni lolo na siyang nag sisilbing panangga sa araw kaya hindi gaanong mainit dito. Minsan dito rin ako natutulog kapag inaabot na ako ng hating gabi sa resort. Si danoy naman ay umuuwi sa inuupuhan niyang bahay kahit hating gabi na kasi hindi siya pwede matulog dito dahil ayaw ni lolo. Pero minsan naman nagpupunta siya dito kapag nag re-report siya. Bibihira lang din naman ang nagpupunta dito dipende na lang kung mga kaibigan ni lolo galing maynila.
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Girl (series 1) On-going
RomanceMolly rovi laniego. A grade 11 student from bahaya senior highschool. A 17 year old girl pero ang isip ay pang elementary. Makulit at matigas ang ulo. She used to be like that hanggang sa dumating si laxius lanris gimal sa buhay niya. Ang lalaking s...