01

0 0 0
                                    

Chapter 1





"molly gising na at pumunta kana sa resort"

Namulat ako sa aking mahimbing na pagtulog ng marinig ang boses ni mama ko. Nag inat inat pa muna ako saka tumayo at tinignan ang oras. Hala! alas otso na pala. Bakit kaya hindi tumunog yung alarm ko? nag alarm kaya ako ng six o'clock sa selpon ko. Tch! yan tuloy baka malate na naman ako sa resort at sermunan na naman ako ni lolo. Napagalitan niya kasi ako kahapon eh. Kasalanan mo talaga ito danoy. Speaking of danoy. Nasaan kaya siya kahapon? hindi kasi siya nagpunta sa resort eh. Ano kayang nangyare don? Che! bahala siya. Galit pa rin ako sa kanya. Hindi ko talaga siya papansinin.

Lumabas ako ng kwarto dala ang aking twalya at damit dahil maliligo muna ako pagpunta sa resort. Paglabas ko ay nadatnan ko si papa na nakaupo sa wooden sofa at may hawak na selpon. Hindi naman kalakihan ang bahay namin. Dahil pagpasok pa lang ay makikita na agad ang aming salas at sa kanan nito ang aming kusina at ang banyo naman ay sa may kanan ng kwarto ko. Dalawang mahabang upuan na gawa sa kahoy ang aming inuupuan sa salas. Sa gitna nito ay lamesang gawa rin sa kahoy at nakapatong dito ang tasa ng kape ni papa. Sa unahan nito ay ang aming lumang tv na may pwet.

Dumaretso na ako sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nagbihis agad ako suot ang aking upshoulder na white dress na aabot hanggang itaas ng aking tuhod. Susuotin ko naman ulit ang aking pink buckle sandals. Tinuyo ko muna ang aking buhok at ipinusod iyon ng lahatan, nag iwan naman ako sa gilid ng ilang piraso ng aking medyo mahaba haba ng bangs. Pagkatapos ay lumabas na ulit ako ng aking kwarto at nagtungo kay papa.

*Sugar crash*

"yes!"

Rinig kong sigaw ni papa. Tuwang tuwa ito na akala mo ay nanalo sa isang lotto. Akala ko pa naman kanina ay may katext siya, yun naman pala ay naglalaro ng candy crash saga. Andaya! ano na kayang level ni papa? Lumapit ako saka naupo sa tabi niya.

"papa anong level mo na?" tanong ko saka pinanood siyang maglaro. Hindi pa siya sumagot eh, mukhang ayaw niya atang kinakausap siya kapag nag lalaro.

"level 249 na ako, ikaw ba?" aniya, nasa nilalaro ang paningin. Eh talaga? andaya talaga! samantalang ako nasa 82 pa lang, hindi pa nga ako makaalis eh. Dapat pala hindi ko na lang pinasahan si papa ng candy crush, mukhang na-aadik na siya eh. May minsan pa ngang sinabi sa amin ni mama na hindi na daw natutulog si papa sa paglalaro. Pag daw kasi naubos na ang buhay sa candy crush, lilipat naman siya sa game na tong its. Pero sabi naman ni mama mas okay na sa app game na lang daw maadik si papa, wag lang daw sa mga totoong sugal. Pero feeling ko tuloy mas nakakasama ito kay papa kasi baka manlabo yung mata niya at kalusugan, kasi hindi na rin siya kumakain sa tamang oras.

"oh molly kumain kana muna bago ka umalis" ani mama na may dalang pinggan na may kanin at ulam saka tasa na ang laman ay gatas, inilapag niya iyon sa harap ko.

Napanguso naman ako "mama naman eh, hindi na ako baby para mag gatas" nagpapa-padyak kong sabi saka hinigop iyon.

Natawa naman si mama "talaga lang ha?" may halong sarkastimo niyang sabi.

"at ikaw naman lalaking malaki ang tiyan!" mamaya ay bulyaw ni mama kay papa. Natawa naman ako habang kumakain, bigla kasing nagulat si papa. Ang sweet talaga ni mama ko hehe "anong balak mo maghapon? mag selpon na lang ha! hala sige lumayas kana lang kung wala ka rin lang naman gagawin!" sabi pa ni mama kay papa. Si papa naman ay naibaba ang selpon niya at parang naging maamong pusang pinapagalitan ng kanyang amo.

"sabi ko nga maglalaba na ako" agad na sabi ni papa saka dali daling nagpunta sa likod ng aming bahay dahil doon kami nag lalaba. Hehehe takot pala si papa kay mama.

My Probinsyana Girl (series 1) On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon