PROLOGUE

1 0 0
                                    

Papunta ako ngayon sa bahay nina danoy para sunduin siya. Ang usapan kasi namin kagabi ay ako ang kanyang s-sunduin tapos pupunta na kami sa resort. Pero mukhang ngayon ay ako ang kakaon sa kanya. Nakakainis naman eh! ilang oras na akong nag aantay sa bahay kahihintay sa kanya tapos sa huli ako rin pala yung susundo sa kanya. Nakakainis talaga! Wag niyang sabihin na tulog pa siya hanggang ngayon? aba! alas dyis na ah! tch! bahala talaga siya, hindi ko siya papansinin.

Habang naglalakad ay marami akong nakakasabay na mga matatanda. May mga dala silang bayong na sa tingin ko ay papunta sila ng palengke. Sabado nga pala ngayon kaya paniguradong mas marami ngayon ang mga nama-malengke. Marami rin ang mga nagdadaanang mga motor, tricycle, jeep at mga kotse, kaya hindi na ako magtataka kung pagdating ko sa bahay nina danoy ay madumi na ang paa pati na ang suot ko sa mga alikabok na nagaling sa lupa. Hindi naman kasi kalsada ang daan sa lugar namin. Kung meron man kalsada dito ay doon pa iyon sa may bayan.

"molly apo" napatigil ako sa paglalakad ng marinig kong may tumawag sa akin. Kilala ko ang boses na iyon. Agad kong hinanap kung nasaan si lola. Tumingin pa ako sa likod ko at sa unahan ngunit wala naman siya. Eh? nasan si lola?

"dito apo" ngayon ay nakita ko na siya. Nasa kabilang side pala siya ng daan. Nakataas ang kanyang isang kamay dahilan para mapansin ko siya. 

"lola!" masayang sigaw ko with matching pagkaway pa. Inantay ko munang makalagpas ang mga dumadaang sasakyan saka ako tumawid at lumapit kay lola.

"saan ka ba pupuntang bata ka" agad nasabi ni lola pagkarating ko. Napanguso naman ako ng hampasin niya pa ako sa pwet.

Kinuha ko ang dala niyang bayong saka tinignan ang laman niyon. Puro mga mga sibuyas at bawang ang laman kasama na rin ang mga dahon-dahon na gulay. "papunta po ako sa resort lola" sabi ko saka isinakbit ang bayong sa balikat ko.

"oh? eh hindi naman diyan ang daan papunta sa resort ah?" taking tanong niyang nakakunot ang noo.

Napanguso ulit ako ng maalalang papunta nga pala ako kina danoy at pagkatapos ay sabay na kaming pupunta sa resort. "eh kasi lola sabi ni danoy susundain niya ako, tapos hanggang ngayon wala pa siya kaya ako ang susundo sa kanya" sabi ko saka yumapos sa braso ni lola. Bahala talaga si danoy na yan. Tinamad na rin ako pumunta sa kanila. Hindi ko talaga siya papansin bahala siya.

"ganun ba? siya sige, hayaan mo na at baka puyat ang isang iyon" ani lola saka marahan akong tinapik sa pisnge ko. Yieee sweet talaga ni lola. Kaya lab na lab ko to eh.

Habang naglalakad papunta sa resort ay hindi na kami natigil pa ni lola na magpahid sa mukha ng mga alikabok dahil sa mga dumadaang sasakyan. Panay na rin ang bahing ko dahil sa pumasok na alikabok sa ilong ko. Hindi naman kalayuan ang resort kaya pwedeng pwedeng lakarin. Sabado rin naman kasi ngayon kaya inaasahan ko na maraming tao ngayon doon. Sana naman ay hindi ako sermunan ni lolo pagdating ko doon. Bahala ka talaga danoy! ikaw ang sisisihin ko kapag nasermunan ako hmp!

"hatching!" pang apat na bahing ko na ngayon. Grabe sobrang kati na ng ilong ko huhuhu.

"magtakip ka kasi ng ilong mo apo" ani lola habang nakatakip ang panyo sa ilong niya. Napanguso ulit ako. Buti pa si lola may dalang panyo iwas bahing. Samantalang ako pulang pula na yata ang ilong ko sa ka-kakamot ko dahil sa kati.

*peeep!!!*

Napatigil kami ni lola sa paglalakad ng may malakas na busina kaming narinig. Napatingin kami sa aming likod at nakita ang isang magarang kulay itim na kotse. Mabagal lang naman ang takbo nito. Wala rin naman itong makakasalubong at lalong lalo hindi naman kami nakaharang sa dadaan niya para bumisina pa ito. Tch! ang lawak lawak ng daan samantalang ang isang ito tabing tabi naman. Pasalamat sila kasama ko si lola kasi kung hindi baka nabato ko na ang magarang sasakyan na ito.

My Probinsyana Girl (series 1) On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon