This book is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of authors imagination and are used fictionally. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead is entirely coincidental.
All rights reserved. No part of this document may be produced by any form or by any electronical or mechanical means without prior or written permission from the Author.
Copyright © || By: HeartOrHead
~Pangarap lang Kita (one-shot)~
-Ria's POV-
"Ria, tingnan mo si Aaron may ka-yakap na babae.." pabulong na sabi ni Leian sa akin. Heto nanaman kami inistalk itong si crush ko. Nagtatago na naman sa gilid ng mga lockers.
"Ayaw ko nang tingnan.. ang sakit nanaman eh" sabi ko sabay patalikod. Maglalakad na sana ako nang magsalita nanaman itong si Leian sabay higit sa akin.
"Ria look.." sa nakita namin, kakaalis lang ni Aaron at iniwan nya ang babaeng umiiyak.
"Leian, papunta sya dito!" agad naman ako nag panic. Pati puso ko halos sumabog na. Pinapawisan na din ako at ..dumaan na sya.
"Nakita mo??!" Sabi ni leian.
"Oo, nakita kong dumaan sya"
"Nakita mo ba ang mata nya?!" Actually nakayuko lang ako kanina so wala akong nakita.. except sa paa nya.
"Hindi eh.. nakayuko ako eh"
"Umiiyak sya, Ria!"
"H-ha?! Talaga?! B-bakit kaya?"
"Di kaya.. girlfriend nya yung babae kanin-" hindi na natuloy ni leian ang sasabihin nya dahil may biglang sumingit sa usapan namin.
"No, I'm not his girlfriend" sabi ng babae habang pinapahid ang mga luha nya. Sya yung babaeng kayakap ni Aaron kanina.
"Ahh hehehe.." sabi nalang ni leian. Narinig nya siguro lahat ng pinagusapan namin. Nakakahiya.
"I'm Ella. Nice to meet you" sabi nya na nakangiti sabay inilahad ng kamay nya para makipag kamayan. Nakipagkamayan naman kami at nginitian sya awkwardly.
"Nako ella sorry nga pala.. yung alam mo na.. hehe" sabi ni leian sa kanya referring sa pinaguusapan namin sila ni Aaron kanina.
"It's ok. Wag nyo lang lakasan yung boses nyo. Medyo malakas kasi kaya ko narinig." Sinabi nya iyon ng mahinahon. Omayghad she's so nice! Kaya pala nagustuhan sya ni Aaron dahil hindi lang pala sya maganda, mabait din pala.
"Pasensya na.. Nakita ko lang kasi si Aaron na may tumulong luha sa mata nya, kaya yun shock lang kami. First time kasi namin sya nakitang ganoon. " Sabi ni Leian.
"Kaya nga eh, hindi ko din enexpect na luluha sya ng ganoon.. " sabi naman ni Ella habang pinupunas ang mga luha sa mata nya. Eto namang si Leian sinisiko ako with You-are-so-quiet look. I'm just speechless.
"uhm.. E-ella gusto mo food trip nalang tayo? Para naman hindi mo na maalala yung problema nyo pansamantala" at buti naman nakapagsalita na ako. And I'm trying to be nice with her.
"Oo nga Ella.Tahan na mag ice cream nalang tayo" sabi naman ni Leian.
"S-sige" sabi nya at tumahan na din sa pag hagulhol.
Pumunta kami ng canteen para bumili ng corneto. Nung hawak hawak ko na ang tatlong corneto agad naman akong umupo sa tabi nila (Napagutusan kasi ako ni leian na ako nalang ang bibili.)
"Thanks.. by the way what's your name? Alam ko na kasi ang pangalan nito isa eh si Leian eh ikaw, 'nong pangalan mo?" Tanong nya sa akin.
"A-ko nga pala si Ria" sabi ko habang binubuksan ang corneto ko.
"Haha ang tahimik mo talaga. Kung si Leian talkative ikaw naman silent type" sabi nya with a smile in her pretty face.
"Oo nga eh yun din ang sinasabi ng iba sa amin.. masyado kaming opposite pero mag bestfriend talaga kami" ngayon si leian naman ang sumagot.
"Uhm excuse lang ha? Kasi naiihi ako eh. CR lang ako" naiihi na talaga ako eh kaya nag excuse nalang ako sa kanila para mag CR. They nodded.
Pagkadating ko sa CR agad naman akong pumasok sa cubicle. Habang umiihi ako may mga tsismosang nagsasalita at ang lalakas pa ng boses.
"Uy.. kita mo si Aaron?! Imiiyak eh kanina pa.."
"Busted daw eh"
"Weh?!,Yun?, Mababasted?!"
"Oo nga eh, haba ng hair ni girl"
"Ew, ang gwapo kaya ni Aaron. Hindi sila bagay!"
"Tala-!"
I froze. Binusted ni Ella si Aaron?! Hindi ako makapaniwala na ang tulad nyang gwapong nilalang nabubusted lang.
Natahimik naman sila agad nung napansin nilang may tao sa isang cubicle. Bakit? Eh tanga-tangahan ako eh nagfrog sit ako habang umiihi then nahulog yung isa kong paa sa inidoro.
*sigh*
Lumabas ako sa cubicle na basa ang isa kong paa. Wow ha ang bilis namang nakatakas yung mga tsismosa. Hinugasan ko nalang ang mga paa ko, sapatos, at medyas.
Paglabas ko ng CR, hindi ako pakapaniwa sa nakita ko. Si Aaron nasa hagdan. Nasa harap ko.
Ok, relax Ria. Dadaan lang naman ako sa gilid nya eh.. nakakahiya! Basa pa naman masyado ang isa kong paa.
Nung pagdaan ko..
"Ria.." hindi na ako nakapagsalita dahil sa sobrang kaba. Sobrang bilis ng puso ko. Yumuko lang ako pero sya? Tumingin sa akin na nakapagtunaw sa mga bituka ko.
"Ria kasama nyo ba si Ella?" Tanong nya sa akin. Bakit nya alam?
"A-alam mo pala eh b-bakit mo pa t-tinatanong?" Nauutal kong sabe.
"Gusto ko lang makasigurado. Sige" sabi nya at binitawan na nya ako. Pero sobrang nagulat ako sa sunod nyang ginawa sa akin..niyakap nya ako.. pero
*buwaaaaash*
Ewwwwwwww! Sinukahan nya ako!! Eh lasing pala to eh!
"A-aaron!"
"Ohhh.. Ella I'm so sorry" biglang sumikip ang dibdib ko nung sinabi nya ang mga salitang yon. Tahimik lang ako. Yakap yakap nya parin ako kahit may mga suka na sa dibdib ko. Sobrang kadiri pero dahil yakap nya ako.. ewan ko ang sarap talaga sa pakiramdam.
"Ella mahal kita please wag mo akong iwan" bago paman ako makapag salita sa kanya, sakto namang dumating sila Ella at Leian.
Halatang gulat na gulat ang mga reaksyon nilang dalawa.
" uhm Ria papahiramin nalang kita ng extra t-shirt ko ok?. Halikayo tulungan nyo akong dalhin sya sa clinic." Sabi naman ni Ella. Nakatulog na pala si Aaron. Akalain mo yun ang tagal pala syang nakayakap sa akin, at dahil sa tagal nakatulog na sya.
"Lasing na talaga sya kanina pa" sabi ni Ella.
"Bakit naman sya naglalasing?" Biglang tanong ko kahit alam ko naman ang dahilan kung bakit.
"Binusted ko sya" sabi ni Ella.
"Uh Ria pwedeng wag muna natin iyan pagusapan.." Dugtong nya.
"I-I'm sorry Ella" sabi ko naman.
All of the sudden nakarating na kami ng clinic at nakapag bihis na din ako. Pinahiram din ako ng slippers ni Ella dahil basa daw ang isa kong sapatos. Ang bait nya talaga. Imbes na magalit ako sa kanya dahil binusted nya si Aaron hindi ko magawang magalit dahil ang bait bait nya. Besides I don't know the story behinds.
