"Saan to ilalagay tol?" sabi ng lalaking kasing edad ko.
"Lagay niyo diyan sa may sulok siguraduhin niyong lalamokin yang hayop nayan!" galit na sabi ko.
"Pakawalan niyo na ako, hindi ko na talaga uulitin." nagmamakaawang sabi ni Alex
"Manigas ka diyan. Wag niyong bigyan ng tubig at pagkain yan." malamig na sabi ko.
"Hindi ba sobra na tong ginagawa mo Laurel?! Hindi na talaga tama to!" sabi ni Alli na para bang ang sama na talaga ng ginawa ko sa kumag na yon. Kulang pa nga yun eh.
"Ha! Sobra? Kung may sobra man dito, yan ay ang mga ginawang katarantaduhan ng Alex na yan!" sambit ko habang nakayukom ang mga kamay.
Ano bang gusto nitong palabasin? Gusto niya bang magpaka hero? Konti nalang talaga baka maupakan ko din siya.
Naiinis talaga ako kapag may mga taong tutol sa aking mga ginagawa. Ni hindi nga nila iniintindi kung bakit ganyan ang inaasta ko.
"Oo nga, alam ko naman ang rason kung bakit mo ginawa yan kaya nga tumulong din ako eh. Ang sa akin lang naman baka masobrahan mo at mapatay mo pa yan. Sakto na yung binigyan mo sya ng leksyon." sambit ni alli na ngayon ay malumanay na.
Ewan ko nalang kung totoo bang alam niya ang rason kung bakit ko to ginagawa.
"Okay. Isumbong mo sa school head." walang gana kong sabi habang palakad-lakad.
"Hoy tol wag naman, ma e-expell tayo niyan pag nagkataon." ani ni bryan habang nakangisi ng maloko.
Kahit naman isumbong niya kami sa school head hindi din naman kami mapapatalsik dahil alam ko ang daan kung paano lulusot. Ilan na din ang nagtangkang magsumbong ngunit wala pang nagtagumpay.
Ewan ko din sa Alli na to kung bakit sa tuwing may makaka-away kami sa grupo ko ay sulpot ng sulpot ang isang to. Nagkakilala kami nong sa cr ng muntikan na niyang mabagok ang kanyang ulo sa sahig dahil kakatapos lang ng pag mop nong janitor at basa pa ito. Sinalo ko kaagad ang kanyang katawan habang ako naman ang na slide pahiga sa sahig. Badtrip na badtrip ako noon dahil ang sakit ng balakang ko at basang basa pa ako!
"Bakit pa ako mag aaksaya ng oras upang magsumbong? Alam kong hindi kayo takot non at hindi rin kayo matatalsik sa school. Anak ka ba ng may-ari?" kitang kita sa mga mukha ni Alli ang pagka curious.
Hindi na ako na surpresa sa kanyang tanong dahil matalino sya. Ngunit ngumisi ako at sinabing,
"No, I am not the daughter of the owner..." diin na sabi ko
...because I am the owner."
___________________________________
Apologies for the errors especially when it comes to tagalog, honestly I am not good in using tagalog✌
I am still learning and evolving.
I hope you'll love my work!
Stay safe.
Love,
Ethereal
BINABASA MO ANG
Mischievous Damsel
Teen FictionAt the age of four Laurel Maureen Amore Villanueva, stands on her own. Shes always striving, always trying, always searching, and always longing. She doesn't have food, shelter, and clothes to change. She's smart, clever, bad and can also be good. S...