Gabi na at palaboy laboy lang ako sa daan, nag babakasakaling makakita ng pagkain. Ilang araw na rin akong walang kinakain dahil wala na akong makitang pagkain sa basurahan dahil madalas inuunahan ako ng mga lalaking malalaki ang mga katawan.
Madalas ay napapa away din ako. Sa katunayan ay may grupo ako nito lang nakaraang buwan. Natuto akong makipag bakbakan, makipagsuntukan, lahat ng asal batang kalye ngunit humiwalay ako dahil dumami na kami sa grupo at halos walang ibang ginawa ang mga lalaki kundi makipag-agawan ng teritoryo sa iba.
"Gutom na gutom na talaga ako." sabi ko upang marinig ng mga tao. Sumasakit na ang aking tiyan kahit tubig ay hindi din nila ako binigyan.
Nagpasya akong magpahinga muna sa tabi ng mga upuan sa boulevard na kung saan makikita at maririnig mo ang hampas ng alon sa dagat. Napapaisip ako kung ano ba ang ginawa kong mali upang maging ganito ang estado ng buhay ko. Marami akong tanong. Sino ba ang aking mga magulang, nasaan ba sila. Naputol ang aking pagiisip ng may tumabi sa aking dalawang tao. Sa palagay ko ay mag-asawa sila. Binigyan nila ako ng pagkain at tubig at ngumisi sila sa akin.
Agad ko naman itong binuksan at saka kinain ang kanilang binigay. Pinagmasdan nila ako kung paano ko ito nguyain ng mabilisan hanggang sa nabulunan ako. Agad naman itong binuksan ng lalaki ang tubig at pinainom sa akin.
"Maraming salamat po sa binigay niyong pagkain. Ilang araw na po akong walang kain." sambit ko matapos kong kainin lahat ng binigay nila sa akin.
"Anong pangalan mo iha?" tanong nong babae.
"Laurel Maureen Amore Villanueva, po" sabi ko.
"Villanueva?" mahinang sambit ng lalaki ngunit dinig ko parin.
"Bakit po?" tanong ko
"Sino ang mga magulang mo?" tanong ng lalaki.
"Hindi ko alam, yan din ang tanong ko." napaiwas ako ng tingin sa kanila.
"Ang naaalala ko ay 4 years old ako noong iniwan ako sa damuhan habang ako ay tulog. May iniwang bracelet sa akin na nakasaad ang aking pangalan." pag-aalanganin kong sabi.
Hinawakan ng lalaki ang aking kamay kung saan nakalagay ang bracelet na sinasabi ko. Binabasa ko ang kanyang mukha at tila bay may naalala sya.
"Ilang taon kana ngayon?" ani ng babae
"9" tipid kong sagot.
Habang sila ay nagsasalita pinagmasdan ko sila ng mabuti. Sa asta at pananamit nila ay tila mga mayayaman ito. Kutis ay parang kumikinang sa ganda. Ang buhok ng babae ay kulay brown na abot hanggang balikat. Ang lalaki naman ay may suot na eyeglasses. Nararamdaman kong matalino ito. Maganda at pogi ang mga ito. Parang... mababait sila.
Naputol ang aking pagmamasid sa kanila ng biglang magsalita ang lalaki.
"I am Joe Alexander Lim" sabi niya sabay abot ng kanyang kamay sa akin.
Hindi ako sigurado kung ano ang gagawin ko sa kanyang kamay kaya binigyan ko siya ng konting hampas sa kanyang palad.
Nagulat sya sa ginawa ko at tumawa ng marahan.
"Amelia Anne Lim" nakangiting sabi ng babae at hinawakan ang aking kamay.
"May tinutuluyan kaba ngayon? Bahay o mga tinuturing na pamilya?" tanong ni Ma'am Amelia
"Wala po." agad kong sabi. Sa isip ko ay sana kunin nila ako upang mabago ang aking landas at maiahon sa kahirapan ang aking sarili.
"Ganito nalang, kung papayag ka na sa amin ka titira ay dadalhin ka na.. "
BINABASA MO ANG
Mischievous Damsel
Teen FictionAt the age of four Laurel Maureen Amore Villanueva, stands on her own. Shes always striving, always trying, always searching, and always longing. She doesn't have food, shelter, and clothes to change. She's smart, clever, bad and can also be good. S...