"Maureen wake up, we will go shopping!"
"Mauureeen ..."
Sino ba tong maingay?
"Maureeeeen! It's getting late." sabi ni mommy habang tinatapik niya ng marahan ang aking likod.
Agad akong bumangon ng mapagtanto kong nasa ibang bahay pala ako at wala sa kalye.
"Hala po! I'm sorry napasarap po ang tulog ko. Napaka komportable po kasi ng higaan. Kanina mo po ba akong ginigising? Pasensya na po talaga." sabi ko habang nakatakip sa aking bibig dahil baka mabaho ang aking hininga.
"Hahahaha don't worry Mau. Ito ang susuotin mo, may nakita akong damit ni Tyron na pwedeng isuot sayo." nilahad niya ang damit may blouse at saka shorts.
"Salamat po." sabi ko at agad din akong tumayo upang maka pag ayos.
"Maligo ka ha, may bathroom dito, doon oh. May toothbrush din diyan nilagay ko kanina." turo niya at laking gulat ko dahil may bathroom pala dito.
Umalis kaagad si mommy. Sinabi niyang pag tapos na ako ay bumaba na upang mag-agahan.
Binilisan kong maligo dahil medyo excited ako sa gagawin namin ngayon. Kay tagal kong ninais na dumating ang araw na may mag-aalaga sa akin.
Bumaba na ako pagkatapos kong magbihis. Pagdating ko ay si mommy lang ang nandun.
"Umupo ka Maureen. Wala sila dahil tulog pa. Si Xander naman ay umalis para magtrabaho. At ako naman ay nag day off today for you." nakangising sabi ni mommy.
"Naku, huwag na po kayong mag day off para sa akin. Oks na oks po talaga ako pramis!" itinaas ko pa ang aking kamay simbolo na totoo ang sinasabi ko.
"Duh, I want to do this also. I want to unwind and have fun with my cute little daughter here." sabi niya at nag wink pa ito sa akin.
Ang sarap pakinggan ang sinabi niyang my cute little daughter, parang musikang dumadaloy sa aking tenga.
"Oh bakit ka namumula? May sakit ka ba ha?" nag-aalala niyang tanong. Agad niyang pinakiramdaman ang aking noo kung ito ba ay mainit.
"Hindi ho, wala po akong sakit. Natutuwa lang po siguro ako, hehehe." sabi ko habang nahihiya.
"Hahahahaha, sige na tapusin mo na yan." sambit nito.
Sumakay na kami ng sasakyan at pansin kong hindi ito yung sasakyang gamit kagabi. Ilang minuto ay dumating na kami sa may di kalayuang mall. Agad bumaba ang driver upang pag buksan si mommy at sumunod din ako.
Habang naglalakad kami ay hawak hawak ako ni mommy sa kamay. Hindi niya ako binibitawan.
"I'll grab some coffee first okay?"
Tumango naman ako. Pumasok kami sa Starbucks at pinaupo niya ako. Naninibago ako sa paligid ngunit madali lang naman para sa akin ang mag adjust.
Umupo si mommy sa harapan ko.
"May gusto ka ba diyan Maureen?" turo niya sa mga pagkain sa may glass.
"Wala ho, busog pa po ako"
"Wag kang mahiya humingi kapag may gusto kang ipabili, okay?" sabi niya habang busy sya sa kanyang telepono.
"Okay po." ani ko.
Nang tawagin ang pangalan ni mommy ay agad itong tumayo upang kunin ang kanyang order.
Lumabas din kami pagkatapos noon."Let's go! We will find first some clothes for you there." sabi niya sabay turo sa 2nd floor ng mall.
BINABASA MO ANG
Mischievous Damsel
Teen FictionAt the age of four Laurel Maureen Amore Villanueva, stands on her own. Shes always striving, always trying, always searching, and always longing. She doesn't have food, shelter, and clothes to change. She's smart, clever, bad and can also be good. S...