4

11 1 0
                                    

Naririnig ko ang mga taong nagsisigawan dito. Nakatago ako habang umiiyak ng mahina sa isang napakalaking damuhan sa garden. Takot na takot ako dahil maraming lalaking may dalang armas sa loob ng bahay namin.

"Where is Amore?! Amore! Where are you!" nag aalalang tanong ng isang boses lalaki, hinahanap kong nasaan ako.

"Madame! Sire! You should get out of here immediately! The gangs are already here!" sigaw ng isang kasamahan nila.

"Where is Amore! Find her! We can't leave without her."
Utos nung boses lalaki na hinahanap ako.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko. Suot ko ang kulay dilaw kong dress at may malaking ribbon ako na nakaipit sa aking buhok.

"Mommy... Da-ddy..." sambit ko habang umiiyak.

"Sweetheart, we should get out of here immediately. There are bad guys who are trying to catch us. They want to kill us, especially you Amore." sabi ng isang babae.

Kinarga ako ng isang lalaki at agad kaming umalis ng mabilisan. Sumakay kami ng isang private plane at,

Tok! Tok! Tok!

Tok! Tok! Tok!

Napabalikwas ako sa aking higaan ng may narinig akong katok sa pinto. Napagtanto kong panaginip lang pala yun. Ngunit pakiramdam ko ay totoong nangyari yun sa akin. Hinawakan ko ang aking pisnge ng mapansin kong basa ito, umiiyak pala talaga ako ng totoo.

"Gising ka na ba Maureen?" tanong ni ate Clara pagkabukas niya ng pinto.

"Opo, ka-kagising ko lang ate." Agad kong pinunasan ang aking mga mata upang tumayo at harapin si ate Clara.

Habang may sinasabi si ate ay pilit kong inaalala kung sino ang ina at ama ko sa aking panaginip pero hindi ko talaga maalala. Tanging boses lang nila ang naalala ko.

"Totoo kaya yun o panaginip lang?" bulong ko.

"Ang alin Maureen? Yung e enroll ka ni Sir upang maka pag-aral ka? Sa palagay ko naman ay totoo yun." ulat ni ate Clara. Kitang kita sa kanyang mukha ang pagtataka kung bakit ko natanong yun.

"Ah hindi ate, may iniisip kasi ako kanina. Ano nga yung sinasabi mo kanina ate?" ngisi ko sa kanya.

"Palagay ko ay hindi ka pa gising hahaha. Ang sabi ko kanina ay mag-ayos ka dahil may pupuntahan kayo ni sir. Ang sabi niya ay mag e-enroll daw kayo sa isang private school." tugon nito.

"Ah okay po ate. Salamat po!" sabi ko sabay ngiti.

Minadali ko ang aking pag ligo dahil sa katunayan ay excited akong makapag-aral. Saktong sakto at bakasyon pa ngayon at hindi pa nagsisimula ang pasukan. Bumaba kaagad ako ng matapos ko lahat ang dapat ko gawin.

Nagtanong ako sa katulong nila kung nasaan si Sir at sinabi naman nilang nasa office daw ito. Ang payo nila ay maghintay lang daw muna ako sa dining room at kumain muna ng agahan. Pumunta nga ako sa dining room at nakita si kuya Fred at si Mommy. Ngumiti ako sa kanila ngunit si kuya Fred ay umiwas ng tingin sa akin. Umupo ako sa tabi ni mommy at hindi nalang pinansin si Fred.

"Disrespectful." sambit ni kuya ngunit mahina ang pagkasabi.

"Good morning Maureen." biglang sabi ni mommy. Agad ko namang nakuha ang ibig sabihin ni Fred ng mapagtanto kong dapat pala ay nag good morning ako sa kanila.

"Good morning din po, I'm sorry hindi ako naka pag good morning kaagad hindi po kasi ako sanay. Hayaan niyo at bukas ako ang unang babati sa inyo." sabi ko habang nagpapacute upang maibsan ang hiyang nararamdaman ko. Nakakatakot naman tong si kuya Fred parang anytime kakainin niya ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mischievous DamselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon