Property of None
MAPAIT akong ngumiti. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o ano. Hindi ko naman kase alam kung sinasadya niya ito or ayaw niya lang akong naghihintay sa kanya on his working stuff kaya niya ako isinali rito. But I feel so out of my place. Hindi niya ba iyon nakikita? Huminga ako nang malalim. Trying to calm myself. Maiintindihan ko namang hindi pa tapos ang one on one meeting nila. Pero ang isali ako sa business matters nila, it's out of my line. Hindi dapat ako nandito.
Ngumiti ako at tumayo.
"Dad, I think wala dapat ako sa meeting niyo. Maghihintay na lang ako sa labas," paalam ko. Aalis na sana ako nang hawakan ni Dad ang kamay ko at sinenyasan niya akong umupo ulit.
"What, Dad?" bulong ko. I am frustrated now.
He sighed while shaking his head. He tsk-ed.
"Unless you don't know Ms. Hernaso, you're part of this so-called business," nagsalita ang lalakeng nagngangalang Russel.
"Oh?" Lumingon ako sa kanya. He's looking at me now without any emotion on his eyes. Kung tingnan niya ako, para lang akong isang hamak na alikabok sa paningin niya. Ganito ba talaga tumingin ang mga mayayaman sa nakakababa sa kanila? Matagal kaming nagkatitigan.
"I think you've mistaken, Mr. Fontello, wala akong position sa company ng Dad ko. So, obviously, I'm not part of your so-called business," I said.
"I bet she's really clueless regarding this meeting, Mr. Hernaso," kausap niya si Dad. Pero sa akin pa rin siya nakatitig. "Why don't you tell to your daughter why she's here?"
Napangisi na lang ako sa inasta ng lalakeng ito. Napakayabang! Kung titigan ako 'e akala mo ba ay mabibili niya na ang kaluluwa ko.
"You're part of this business, Raine," Dad sighed. As if he really had no choice but to tell me the reason.
Mabilis tuloy akong napabaling ng tingin sa kanya. "Dad, h-hindi ko maintindihan." Naguguluhan kong tanong.
Umiwas siya ng tingin. "You will be the only way to tie the partnership between our company and Blue International Corporation," he explained.
Hindi ko alam kung tama ba itong pagkaintindi ko sa sinabi ni Dad. First of all, hindi niya naman siguro magagawa iyon sa akin. Above all, ipa-priority niya naman siguro ang respeto between our father-daughter relationship.
Mapait akong natawa. "Ano ba'ng sinasabi mo, Dad? Nakalimutan mo na ba? I don't have any position in your Company."
Doon ay tumingin na siya sa akin. "You're going to marry him, anak. You're going to tie with Mr. Fontello."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Dad. Kasabay rin niyon ang pagtunog ng kung ano'ng matinis sa tenga ko. May kung ano'ng sakit din akong naramdaman sa dibdib ko. Pero isa lang ang ibig sabihin no'n, nasasaktan ako. Kahit na alam ko nang iyon ang kababagsakan ko, nag-expect pa rin akong mali ang pagkakaintindi ko dahil lang sa pagmamamahal ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Beyond His Warmth (Soon To Be Published Under PSICOM)
RomanceFrom having the power of maneuvering a company, Ma. Raine Hernaso chose the glamour of being a Beauty Consultant. She always want to live a normal life. That is why when her father offered her the highest position in the Hernaso Inc. Corp in exchang...