Contract
"Ma'am, uulitin ko po ang order niyo ah? Four pieces siomai and one rice with one gulaman drinks. 'Yon lang po ba?"
Tumango ako.
"Bale 125 po lahat," aniya.
Kumuha ako ng pera sa wallet ko at kaagad iyon inabot sa kanya.
"Okay, Ma'am, I received an exact amount. Paki wait na lang po ng order niyo."
Wala pang limang minuto ay kaagad ko rin namang nakuha ang order ko. Sa lahat kase ng stall na nasa foodcourt ay tanging itong siomayan lang ang halos walang customer. Siguro ay dahil puro mayaman ang mga nagsha-shopping dito kaya hindi nila ma-appreciate ito. Maliban sa akin na very thankful dahil nakahanap din ako sa wakas ng medyo budget-friendly food dito sa loob ng mall na ito.
Masaya akong umupo sa bakanteng 4-seater table. Habang inaasikaso ko ang pagpiga ng kalamansi sa pagkain ko ay biglang may umupo sa harapan ko. Kaagad ko iyon tinapunan ng tingin. Napawi naman kaagad ang ngiting nasa labi ko nang makita kung sino ang taong iyon. "Ikaw na naman? Puwede ba'ng lubayan mo ako kahit sa breaktime lang?"
"Why are you eating here?" he asked as if hindi niya narinig ang mga sinabi ko.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Pake mo? Kung makatanong ka naman, akala mo naman may pa-food allowance ka para sa mga empleyado mo," pabalang kong sagot.
Nakita ko ang pag igting ng kanyang panga. And now I am one hundred percent sure na naaasar na siya. "How dare you—"
"Ahuh," iniharap ko ang palad sa kanyang mukha habang umiiling. "Let me remind you, hindi kasama ang oras ng breaktime ko para kilalanin kang Boss ko," putol ko.
Narinig ko ang paghinga niya nang malalim. Habang pinapakalma ang sarili sa pamamagitan ng pasimpleng paghilot ng kanyang sentido. Yes, ganyan nga, manggigil ka sa akin.
"I can't really underestimate you, Ms Hernaso."
"Paano mo ako ma-a-underestimate nang maayos kung maliit ang tingin mo sa isang katulad ko?" Tiningnan ko siya nang masama. Hindi na siya nakasagot pa. Kaya naman ay labag sa kalooban kong sinubo ang pagkaing kanina ay excited pa akong kainin. Nakakawalang gana palang kumain kapag kaharap mo ang isang ito. Pati ba naman sa one hour break ko?!
Hindi na siya nagsalita pa. At ako naman ay mas binigyang atensyon na lang ang pagnamnam sa pagkain ko. Hinayaan ko na lang din siyang nakaupo roon. Ayoko nang magpaka-stress. Wala na akong oras para patulan ang lalakeng ito dahil kung tutuusin ay nagpapahinga ako at niri-relax ang sarili ko bago sumabak ulit sa trabaho.
BINABASA MO ANG
Beyond His Warmth (Soon To Be Published Under PSICOM)
RomanceFrom having the power of maneuvering a company, Ma. Raine Hernaso chose the glamour of being a Beauty Consultant. She always want to live a normal life. That is why when her father offered her the highest position in the Hernaso Inc. Corp in exchang...