Chapter 4

3.3K 113 8
                                    

The Hated Boss

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The Hated Boss

"BAKIT KA NANDITO?" My mouth formed a perfect 'O' when I remembered what he said in the elevator. "Are you stalking me?"

Kumunot ang kanyang noo. "Excuse me?"

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa inasta niya. Napakagaling talagang magkunwari. As if he can fool me. Sa laki ba naman ng Mall na ito, imposible namang magkasalubong pa kami. Nanahimik na ang mundo ko. But he really want to messed it up.

"You know what? You can't fool me. Ilang beses ko ba'ng sasabihin sa 'yo na ayaw ko? Ba't ba ang kulit-kulit mo—"

"Raine, Raine," paulit-ulit na tawag sakin ni Jammy. "Tumigil ka na," pasimpleng bulong niya habang hinihila ang braso ko. Tinapunan ko siya ng tingin at ngayon ay tila nag-aalala na siya nakatitig sa akin. Siguro dahil nandito kami sa harap ng client. But in the first place ang lalake lang naman na ito ang unang nagsimula. Pinahiya niya pa nga ako! Nahagip ng mga mata ko ang pasimple niyang pagngisi dahilan para mas lalong umusok ang tenga ko. See? Binibwesit talaga ako ng aso na ito. "Hindi mo dapat ginaganyan—"

Hindi ko pinakinggan si Jammy. Bagkus ay nag focus ako sa Russel na 'to.  "Hindi 'e, hindi makaintindi ang lalakeng 'to. Dapat nga tumawag tayo ng security guard 'e," ani ko nang masaktuhang makahagilap ako ng guard na nagr-roving sa gitna ng mall.

Wala akong sinayang na oras at kaagad kong iwinagayway ang kamay ko, "Kuya guard! Kuya—" Naputol ang pagtatawag ko nang biglang takpan na ni Jammy ang bunganga ko. Sa puntong ito ay nainis na rin ako sa katrabaho ko. Like, what's really her problem? Hindi niya ba alam kung ano'ng stress ang dinulot ng lalakeng ito sa buhay ko ngayon?

"S-Sorry, Boss, trainee pa lang kase," mapait na nakangiting paliwanag ni Jammy. She's looking at Russel. While that dog is looking at me. Pasimple niya akong pinanlakihan ng mata.

Kumunot ang noo ko sa narinig. Wait, what?! Did I hear it right? Jammy called him "Boss". Matagal akong natahimik. Tila pinu-proseso ang mga pangyayari. Tinanggal ko ang nakatakip na kamay ni Jammy sa bibig ko at hinarap siya. "B-Boss?! What do you mean by that?" Hininaan ko ang boses ko.

"President si Boss Russel ng Camila Luisa, Raine. Ba't mo naman ginanon?" Napailing si Jammy tila hindi ko na rin matimpla ang kanyang mukha sa mga nangyayari.

Nalaglag ang panga ko sa nalaman. Habang patuloy pa ring pinu-proseso ang mga kaganapan. How? Sa dami ng trabahong pwede kong mapasukan. Dito pa talaga kung saan siya pa ang magiging boss ko?! That's hella impossible!

"Jammy is right. I'm the Boss," he stated with confidence. "That's also the reason why I'm here. And not because of you."

Napapikit ako ng mata sa sobrang kahihiyan. Holy cow! What have I done? Gusto ko na lang lumubog sa lupa sa sobrang kahihiyan. Kung pwede lang mag rewind at baguhin ang mga pangyayari ay baka kanina ko pa nagawa.

Beyond His Warmth (Soon To Be Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon