"Article VIII. Section 7. In a situation where --- ah!" napasigaw ako sa inis dahil wala paring pumapasok sa utak ko.
"Huy Zy! May balak ka pa bang pumasok ha? Mag aalas syete na! Paalala ko lang sa'yo na teacher kana at 'di estudyante!" Sabi ni Jess habang sinisipa-sipa ako na nandito parin nakahiga sa sahig.
Tinapon ko ang reviewer ko sa sahig, tumayo at pumunta sa calendar namin. Tatlong buwan nalang pala at LET (Licensure Examination for Teachers) na namin. Kainis! Konti palang ang alam ko. And I need to top the LET. What should I do?! Kung pwede lang talaga ipasok ang reviewer sa utak ko gagawin ko talaga.
"So ano? Matutulala ka nalang diyan ha? Maligo ka na!" sabi pa ni Jess na best friend ko simula high school. Magkasama kami sa apartment dahil malapit lang din dito ang bangko kung saan sya nag ta-trabaho.
Tiningnan ko naman ang orasan na nakalagay sa gilid ng kama ko. "TANG*NA! SH*T!" sabi ko at tumakbo ako papuntang CR.
"Hoy bakla! Ilang beses ko bang sabihin sa'yo na bawas bawasan mo yang bad words mo? 'Di ka magandang halimbawa sa estudyante mo n'yan! Kaloka ka!" rinig kong sabi ni Jess. 'Di ko nalang sya pinansin at naligo na ako ng mabilis.
"Good Morning Grade-12 Einstein! I'm Xyzelle Zy Dela Cruz. Just call me Ma'am Zy. I will be your teacher in Physical Education and your Adviser" sabi ko sabay smile. Para 'di halatang kabado.
New teacher ako dito sa St. Luis Academy. Kahit alam kong medyo mahirap pagsabayin ang pag re-review at pagtuturo ay susubukan ko parin. Sayang naman ang panahon at opportunity. Ang daddy ko rin ang nag papasok saakin dito. Oo si daddy! Dahil best friend nya ang may ari nito. Sabi nga nila, sa panahon ngayon lamang ka pag may backer ka. Pero di ako natutuwa sa ganyang sistema.
"Before anything else, here's my rules in my class." Sabi ko sabay kuha ng chalk. Binigay ko naman isa-isa ang mga rules habang pinapaliwanag ko at isinusulat ito sa board.
"Any questions? " tanong ko sa kanila.
"Ma'am!" sabi ng isa kong estudyante sabay taas ng kan'yang kamay.
"Yes?" sagot ko. Tumayo naman sya.
"May boyfriend na po ba kayo Ma'am?" tanong nya. Nagulat naman ako sa tanong nya. Bigla namang sumigla ang klase. At nagsitinginan sila. Ang iba nag aapiran pa. Aba!
"Mr. I don't think that's appropriate to discuss it here in our class" sagot ko naman sakanya. Ewan ko ba, pero natatawa ako. Hahaha! Parang kami lang noong college kami sat'wing may gwapong prof.
"Ay." Sabi nya tsaka umupo habang kinakamot ang kanyang ulo.
"Okay, I think it's time for you to introduce yourself in front. Say your name, age and the title you want to add in your name. Like, Hi! I'm Xyzelle Zy Dela Cruz, 22 your future LPT" Sabi ko sa kanila.
"Ikaw ang ma una" sabi ko sabay turo sa isang estudyante. Pumunta naman ako sa likod para makita sila.
"Hello classmates, hello din sa'yo Ma'am! I'm Crissa Mae Lopez, 18 and your future Dr." Mahinhin n'yang pagpapakilala.
"Hello Classmates! Not so nice to see all your monkey faces again but nice to meet you Ma'am Pretty! I'm Kyla Alejandro, 18 your future Engr." Sabi niya sabay wink at umupo na.
"Wazzup Einstein! Namiss n'yo ba ang pogi ninyong kaklase? " sabay pogi sign.
"Ang itim mo parin dude!" sigaw naman ng isa nyang kaklase.
"Pakilakasan nga ang brightness banda sa mukha nya!" sabi naman ng isa at nag tawanan na sila.
"TAHIMIK!" sigaw ko naman.
BINABASA MO ANG
Lifetime Universe
General Fiction"If this universe won't let us, then let's escape and create ours."