Chapter 3

23 0 0
                                    

"Miss? Gising! Miss?.." unti-unti kong minulat ang aking mga mata nang marinig ang boses ng isang lalaki. Napahawak ako saaking ulo ng makaramdam naman ako ng labis na pagkahilo. Teka, ano bang nangyari? Nakita ko naman ang lalaking nakatingin saakin ngunit dahil sa sobrang pagkahilo ay di ko ito mamukhaan.

Unti-unti akong napaupo at pinagmasdan ang paligid habang hawak-hawak parin ang aking ulo, nasa classroom parin pala ako ngunit maliwanag na. May kuryente na ata, malamang. Ang huling natatandaan ko ay nasa loob ako ng aking classroom at dahil sa nakita ko ay bigla akong napatakbo at... hays, di ko na alam.

"Miss, okay ka lang?"

Napatingin naman ako sa nagsalita. Di ko nalang s'ya pinansin at dahan-dahang tumayo at kinuha ang mga gamit ko. Akmang aalis na sana ako nang bigla n'ya akong hinila at dinala sa ilalim ng mesa at tinakpan ang aking bibig. Magkaharap kami ngayon, medyo klaro na saaking paningin ang kanyang mukha.

"Ssshh—H'wag kang maingay." Sabi n'ya habang nakatakip parin ang kanyang kamay saaking bibig. Napakunot naman ang aking noo. Bigla ko namang narinig ang pagbukas ng pinto.

"May tao ba d'yan?" rinig kong sigaw ng guard.

Pinilit kong tinanggal ang kamay ng lalaki saaking bibig upang makapagsalita ngunit masyado syang malakas at nanghihina parin ako.

"H'wag kang maingay, lagot tayo kapag nahuli tayo dito." Sabi naman nito. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya. Ano bang pinagsasabi nito? Bigla ulit akong napahawak sa noo ko dahil sa sobrang pagkahilo.

Naramdaman ko naman ang pag-alis ng guard at sa pagsara nya ng pinto, dahilan kung kaya't mas pinilit kong tanggalin ang kamay ng lalaking kaharap ko ngayon at tumayo.

"Sandalii!" pinilit kong sumigaw ngunit napatigil ako nang bigla nya naman akong hawakan sa braso.

"Sssshhh! Tumahimik ka sabi" pagpipigil n'ya saakin.

"Bitawan mo nga ako, gusto ko ng umuwi. Pagna-lock tayo dito, humanda ka sakin." sabi ko sakanya sabay kalas sa pagkakahawak n'ya. Napakunot naman ang noo n'ya at lumakad papunta sa bintana at sumilip at agad na bumalik sa kinatatayuan ko.

"H'wag kang mag-alala, sira ang lock ng pinto." Sabi n'ya sabay hila saakin papalabas ng classroom.

"Hoy! Bitawan mo ako! Saan mo ako dadalhin ha?" sigaw ko sakanya.

"Tumahimik ka nga baka mahuli tayo. Magkaka-violation na naman ako." Sagot nya naman na hila-hila parin ako. Teka! Estudyante ba ito dito? Saan kaya ako dadalhin nito? Jusko!

"Akyat!"

"Ha?"

"Basta akyat! Bilis! Andiyan na si guard!"

Nakita ko naman ang liwanag ng flashlight na nagmumula sa di kalayuan mula saamin. Di ko alam pero bigla akong kinabahan at sumunod na lamang sakanya. Hindi ito mataas kung kaya't mabilis akong nakaakyat at dahil narin sa pag-alalay n'ya.

Pagkalabas ay nagulat ako ng makita na nasa likurang bahagi na kami ng paaralan at tanaw ko na dito ang apartment ko.

"Umuwi kana, di maganda sa babae na ginagabi sa pag-uwi"

Napatingin naman ako sa nagsalita.

"Hoy, sin—" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsimula na itong maglakad sa kabilang direksyon.

Kainis naman! Sino ba yun? At ano bang nangyari saakin? Napahawak naman ulit ako saaking ulo ng makaramdam ulit ng pagkahilo. Nakakainis naman!







Napabuntong-hininga ako nang makababa sa taxi. Nasa tapat na ako ng aming bahay kung kaya't di ko naiwasang pagmasdan ito. This house is no longer a home for me. Everything inside keeps on reminding me that I'm nothing but a mess. Napatingala naman ako sa kalangitan, tanaw ang magaganda at malalayong mga tala. I faked a smile, and put my right hand up high as if I'm reaching the stars. 'No matter what I do, I can't reach it and it will always be beyond my reach'. I self-talked.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lifetime UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon