CHAPTER 3

8 0 0
                                    

Kaela's POV

Yung feeling chix na yun, malilintikan talaga sya sakin kapag nagkita kami. Hindi lang halik matitikman nun. Tsk.

"Hindi ko alam na magkakilala pala kayo?" Saglit akong tumingin kay Zill ng magtanong siya.

"Who?"

"Yung----"

"Whongguy ka!" Putol ko sa sasabihin niya. Daming alam.

"Hindi ako mapipikon." Nakangisi nyang sabi. "Masyado akong natutuwa lalong lalo na sa tumawag sayo ng VIRGIN! HAHAHAHA Biruin mo yun, hindi mo siya sinaktan. Eh sa pagkakakilala ko sayo kapag gano'ng eksena, nananakit ka. What happened to the legendary racer of this Arena?"

Nandito pa rin ako sa Arena, madaling araw na pero hindi pa rin ako umuuwe. Who cares? Pagtitiisan ko muna ang mukha ng isang 'to.

"You know nothing, Zill. Just shut up! Teka nga, may atraso kapa sakin." Tumayo ako sa pagkakaupo at pinalagutok ang mga daliri ko. Nakita ko ang pagkawala ng tuwa sa mukha niya at kinabahan.

"Wala akong natatandaang may atraso a-ako sa-yo." Kinakabahan niyang sabi.

Mabilis kong tinawid ang pagitan naming dalawa at hinawakan siya sa kwelyo.

"Anong wala? Sinabi ko diba sayo na kapag nagkita tayo hindi lang sapak matitikman mo?" May angas kong sabi at kinuha sa bulsa ko ang cellphone ko. "Nakikita mo 'to?"

"Ya! Malay ko bang bawal kang istorbuhin. Let me go, Madrigal."

Tsk. Binitawan ko siya at hinagis sa kaniya ang cellphone ko. Mabilis niyang inilagan kaya tumama ito sa pader at nabasag.

"Pakisira ng tuluyan yang cellphone."

"Ha? Why? Kabibili lang natin niyan no'ng isang linggo." Kinuha niya ang cellphone at tinignan. "Wag mong sabihin na natrace ka na naman nila?"

Nagtagis ang bagang ko at hindi siya sinagot. Hindi talaga nila ako tatantanan. Masyado nilang inuubos ang pasensya ko.

"You need to be careful. Baka tuma-timing na ang mga 'yun." Dagdag niya.

Tinignan ko siya at kinuha na ang helmet ko. "Ikaw na ang bahala sa motor ko. Sibat na ako."

Tuloy-tuloy akong lumabas ng RA na nakasuot ng mask. Dumeretso ako kung san ko pinark ang motor ko pero nakita kong may nakasandal dun. Tumingin 'to sakin at nagkatitigan kami habang papalapit ako.

"Talagang patay na patay ka sakin kaya hinintay mo pa ako eh noh?" Pang-aasar ko. Ngumisi naman siya at umalis sa pagkakasandal sa motor ko. Nilagay ko ang helmet ko sa motor at tumingin sa kaniya.

"Baka kasi namiss moko. Ako na ang nag-adjust." Hinapit niya ako sa bewang kaya nagkalapit ang katawan namin. "Ang pangit tignan na pinapasok mo ang unit ko para lang makita ako."

Tinitigan ko siya saka ako ngumisi. So alam niya? Very well.

"Kaya nakikipagsabayan ka sakin?" Nakakaloko kong sabi at nilagay sa balikat niya ang mga braso ko.

Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya halos maghalikan na kami pero dahil may mask pa ako, hindi niya magagawang halikan ako.

"Kung makikipaglaro ka, makikipaglaro rin ako." Mahina niyang sabi.

"Mas gusto ko ata yan. Ang matalo sa laro, kamatayan ang magiging kahahantungan." May lambing kong sabi.

"Shall we start our game?" Tanong niya. Hindi ako sumagot at tinitigan lang siya. Hinawakan niya ang mask ko at dahan-dahang tinanggal. Napatitig siya sa mukha ko kasabay ng pagngisi.

"Hindi ko alam na ganito ka pala kaganda." He said kaya ngumisi ako.

Hindi na ako nagsalita pa at hinalikan ko na siya. Agad siyang sumabay at mas pinalalim ang halik.

Eksperto ang isang 'to humalik kaya hindi nakakaboring makipaglaro sa kaniya.

Lalo niya akong hinapit para mas dumikit pa ang katawan namin. Nararamdaman ko rin na naglilikot na ang mga kamay niya kaya pinadausdos ko ang mga kamay ko papunta sa braso niya at hinawakan ito tsaka ko tinigil ang halik. Hinihingal kaming pareho habang magkatitigan.

"Kung ganitong laro ang gusto mo, bakit 'di mo panindigan?" Tanong niya at muli akong hinalikan kaya tumugon ako. Namalayan ko na lang na sinandal niya na ako sa kotse na pinakamalapit samin. He pin his body on me.

Gumapang ang halik niya papunta sa panga ko pababa sa leeg ko kaya impit akong napaungol.

Sh*t!

Naramdaman kong ipapasok niya ang kamay niya sa loob ng damit ko kaya hinawakan ko ito at pinagpalit ko ang pwesto naming dalawa kaya natigil ang halik niya. Nilagay ko ang braso ko sa leeg niya na parang sinasakal siya.

"Mas maganda ang laro kung dinadahan-dahan, Mr. Yum!" Nakangisi kong sabi at lumayo sa kaniya.

"Dahan-dahan?" Tanong niya.

"Yeah. Para mas dama."

"Nah! Mas magandang biglaan." Nakakaloko niyang sabi at pinagkrus ang mga braso.

"Walang thrill." Maikli kong sagot.

"Wala bang thrill kapag binigla? Diba mas nakakasabik yun? Lalo kapag binigla sabay baon?" He said and wink.

"Gago! F*ck you ka!" Bulalas ko.

Natawa siya sa naging sagot ko at lumapit sa motor ko. Kinuha niya ang helmet at lumapit sakin.

"Ingat sa pag-uwe!" Pinasadahan niya ako ng isang halik bago sinuot ang helmet sa ulo ko. Kinatok niya ang helmet sabay kinindatan ako.

Tsk. Di tumatalab sakin ang ganyang damoves.

"Ge. Sibat na ako." Sumakay na ako sa motor ko pero lumapit siya sakin.

"Call me by my name. Alam kong alam mo. Mr. Yum is gross." Maarte niyang sabi kaya napairap ako.

"Feeling chix, amp! Di ko inaalam ang pangalan mo. Ano ka chix?" Pinaandar ko na ang motor ko pero pinatay niya ulit dahil kinuha nya ang susi. "Ya!"

"Pft Say my name first and I'll give it to you."

"Wuy! Ikaw na feeling chix ka, sinabi ng hindi ko alam ang pangalan mo. Mas bagay naman sayo ang Mr. Yum. Choosy ka pa." Nilahad ko ang kamay ko sa kaniya. "Give.it.to.me." May diin kong sabi.

"So, interisado ka lang organization. Hmm. Oh? And pati rin pala sa katawan ko."

Mabilis ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa.

"Anong nakakapukaw ng interest sa katawan mong yan?" Nandidiri kong sabi. "Sa labi mo lang ako interisado, hindi sa katawan mo. Nakakadiri 'to."

"Really? You're not interested in my body?" Ngumisi sya at tinaas ang isang kilay nya.

Kinuha niya ang kamay ko kaya nagtaka ako. Bago pa ako makapagreak mabilis niyang tinaas ang damit niya at........

...pinahawak sakin ang abs niya.

Anong? Holyshit!

Binitawan nya ang kamay ko at lumayo sakin.

"PUTANG *INA MO SAGAD!" Bulalas ko at nakita ko siyang tumakbo habang tumatawa.

"MARK EDELSON is my name, VIRGIN!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Malandi! Pero sayo lang.Where stories live. Discover now