Kaela's POV
"Aba! Aba! Kanina kapa nakangiti. SINO yan?" Humarap ako sa co-worker ko at nagkibit-balikat. Medyo natawa pa ako nang makita ang nakataas niyang kilay. Taray ka, gurl? "Hm. May boylet kana, noh?"
Umalis ako sa tabi niya at kumuha ng idedeliver ko. Oh? Did I mention that I am a delivery girl? Yeah. Part time. Nakakaenjoy para sakin ang magdrive kaya kumuha ako ng pwedeng pagkakitaan gamit ang motor ko. Luckily, nakahanap agad.
"Boylet, dude? Wala pa sa isip ko yan." Nilagay ko na sa katawan ko lahat ng protection gears. In case na baka maaksidente kuno daw ako. Psh! Dude, pro 'to pagdating sa pagdadrive. "Sibat na ako." Agad na sabi ko. Hihirit pa yan eh.
Lumabas ako ng resto na dala ang idi-deliver ko. Sumakay ako sa motor ko at naglagay ng mask at helmet.
Swabe lang ang pagmamaneho. Mahirap na baka maaksidente at hindi naman ako nagmamadali.
Mabilis akong nakarating sa location ng nagpapadeliver. Tinanggal ko ang helmet ko pero hindi ang mask.
Condo unit.
Napatango-tango pa ako bago pumasok sa loob ng building.
Sumakay ako sa elevator. May dalawa akong lalaking kasabay dito at kasalukuyan silang nasa likod ko. Nakikita ko lang ang reflection nila sa salamin ng elevator. Parehas silang nakaitim at tulad ko pawang mga nakamask. Mukha tuloy akong kasamahan nila dahil itim rin ang hoodie ko at nakamask din ako.
Parehas silang tahimik pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagiingay ng daliri nilang dalawa. Tinitipa ng isa ang hintuturo niya sa railings ng elevator sa likod at ang isa naman sa cellphone niya.
Napangisi ako.
Hindi sila nag-uusap gamit ang bibig kundi gamit ang tunog na nililikha ng pagtitipa nila. Morse code, eh?
Nagpanggap akong abala sa harapan ko at walang pakialam sa kanilang dalawa hanggang sa may tumunog, hudyat na tumigil ang elevator at bubukas ang pinto nito kaya tumabi ako.
Agad na naglakad ang isang lalaki palabas at naiwan ang isa. Pinakiramdaman ko pa muna ito bago pindutin ulit ang button ng elevator. Nang sumara ang pinto, nilapag ko ang order na idi-deliver ko. Humarap ako sa lalaking nasa likod ko kaya nakita ko sa mga mata niya ang pagtataka. Napangisi ako kahit na hindi niya nakikita.
"Sinong pakay nyo?" Walang modo kong tanong kaya napakunot ang noo niya pero hindi siya sumagot. "Kailangan ko na bang tumawag ng pulis dahil may balak kayong patayin?"
"Anong sinasabi mo?" Tanong niya.
Magsasalita na sana ako pero tumunog na naman ang elevator. Pagkabukas nito ay kumilos ang lalaki para lumabas pero mabilis kong hinila ang kwelyo niya at malakas na humampas ang likod niya sa pader ng elevator. Napadaing siya ng dahil dun kaya mabilis ko munang pinindot ang button para sumara ang elevator bago ko siya hinarap.
"Ngayon, sasagutin mo na ang tanong ko. Sino ang pakay ninyo?"
"Sino kaba?!"
*PAAAK!*
Sinampal ko siya nang hindi niya sinagot ang tanong ko. Yung sampal na mula sa taas pababa para dama niya.
"Gusto mo pa ng isa?" Mayabang kong tanong pero mabilis siyang kumilos para suntukin ako sa sikmura pero mabilis ko lang itong natapik at sinipa ang tuhod niya kaya napaluhod siya. Hinila ko ang buhok niya para tumingala siya at agad kong tinanggal ang mask niya.
"Tauhan ka niya." Mahina kong sabi. "Pagbibigyan kitang mabuhay kung sasagutin mo ang tanong ko. Sino ang pakay ninyo dito?"
"Kahit patayin moko, wala kang mapapala. Dinadala mo lang ang sarili mo sa sarili mong kamatayan." Nakangising niyang sabi.
YOU ARE READING
Malandi! Pero sayo lang.
De TodoUsing him is my plan in the first place. Nothing more, nothing less. But what if I fall in love with this dimwit? Will this person catch me? Or let me suffer like what 'them' did.