Kaela's POV
"Hey! Kaela Xyline Madrigal!" Lumipad ang helmet ko papunta sa taong tumawag sakin sa buo kong pangalan.
*BOGSH*
Sapol sa mukha. Bullseye!
Nagkukusang gumalaw ang katawan ko para saktan ang kung sino mang tumawag sakin sa buo kong pangalan. Kahit teacher ko, nasasaktan ko kapag tinatawag niya ako. Nakakarindi sa tainga. Ayoko sa second name ko. Ang baduy pakinggan!
"Bullsh*t! Bakit mo'ko binato!?" Galit na sabi niya.
"You deserve it." I said flatly. "Nagsisimula na ba?"
Mula dito sa kinaroroonan ko, rinig na rinig ang ingay ng mga makina, mapamotor man o kotse.
Hinimas niya muna ang parte ng mukha niya na tinamaan ng helmet ko bago sumagot. "Yeah. Bakit? Sasabak ka?"
Ngumisi ako at nilahad sa kaniya ang kamay ko. "Key."
Agad niyang binigay ang susi. Iniwan ko siya sa loob at pinuntahan ang parking lot na mismong pag-aari niya. Sa Racing Arena na 'to, walang mas nakakalamang maliban na lang kung ikaw ang pinakamagaling pagdating sa pagmamaneho ng mga sasakyan. Doon ka lang mas nakakaangat. May kaniya-kaniya ring parking lot ang mga maperang kasali rito para sa mga sasakyang pag-aari nila at nilalaban sa karera.
Natagpuan ko na ang hinahanap ko. My favorite motor, Honda CBR250RR.
Agad kong tinesting ang baby ko. Walang kupas!
Pumasok ako sa RA(Racing Arena) na dala ang baby ko. Tulad ng nakasanayan, nagmask ako bago pumasok. Half mask lang 'to baka inisip nyo yung mask na sakop buong mukha. Pft.
Hinagis sakin ni Zill ang helmet na binato ko sa kaniya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Mahal ko pa 'to sa buhay niya.
"Woah! Si Madrigal magre-race!"
"Tang*na! Magandang laban 'to."
"Oh? Yung pusta nyo!"
Ilan yan sa mga naririnig ko. Psh. Kilala nila ako sa 'Madrigal' pero not my whole name and my face.
Inasikaso na ni Zill ang laban ko kaya ito ako ngayon pumupwesto na. Nilingon ko pa ang mga kalaban ko na puro yabang. May isa pang hindi naghelmet. Aba! Gusto ata mabasag ang bungo nito.
"Ready!" Saglit akong tumingin sa mga tao pero napukaw ng tingin ko ang isa. Napakunot pa ang noo ko dahil may humahalik-halik sa kaniyang isang garapang pinulbosan ata. Pfft. Natawa tuloy ako. Ang pangit ng taste ng isang 'to. Hahanap na lang ng chix, yung talampakan ko lang ang inabot. Tsk. Tsk.
*Bang*
Ay! Lintek! Nagulat ako sa pagputok kaya mas inuna ko munang murahin yung nagpaputok bago pinaharurot ang motor ko.
Syempre nasa huli ako at ang nangunguna ay yung gagong feeling matibay ang bungo. Nag-overtake ako sa isa pero maya-maya nasa gilid ko na sya. Saglit ko syang nilingon at nginisian kahit hindi nya nakikita bago mas binilisan ang pagmamaneho ko, inunahan ko ang ang iba pero nagtaka ako ng lahat ng naunahan ko ay nagpantay-pantay sa likod, kitang kita mula sa side mirror kung paano sila mag-lining. Mabilis akong lumingon sa kanila at napamura ng sabay-sabay silang humarurot papunta sakin kaya pinaharurot ko rin ang motor ko. May dalawang napantayan ako, magkabilang gilid. Nakita kong nagsenyasan sila kaya hinigpitan ko ang hawak sa manibela at mabilis na pinaharurot ito ng sabay silang dikitan ako, dahil mas nauna ako sa kanila ay sila ang nagsalpukan.
Kahit anong gawing habol ng iba ay hindi nila ako mahabol. Halos paliparin ko na ang motor ko para lang maabutan yung feeling matibay ang bungo. Magkatapat na kaming dalawa at sabay na nilingon ang isa't isa.
Lumiko na naman kami pero mas nauuna na ako. Nakangisi akong pinaharurot ang motor pero halos mawalan ng balanse ang motor ko ng biglang may bumundol dito mula sa likod kaya nilingon ko sa side mirror. Lintek! Yan pala gusto mo ah? Sige, tignan natin kung talagang matibay yang bungo mo.
Hinayaan ko syang pantayan at dikitan ako. Kitang kita ko kung paano syang ngumisi kasabay ng paglipad ng sipa nya sa motor ko pero agad akong umiwas at lumayo sa kanya.
Ang dumi maglaro. Kailangan atang turuan ng tamang asal sa pagkakarera.
This time ako naman ang dumikit sa kanya pero wala akong sinayang na segundo nang mabilis kong hinablot ang buhok sya at malakas kong inuntog ang ulo nya sa manibela tsaka ko tinadyakan ang tangke ng motor nya. Agad kong pinaharurot ang motor ko. Halos malapit na ako sa finish line pero nahagip ng mata ko na may kahalikan si Gago! Hindi ako nagseselos, dude. Pero teritoryo ko na ang isang yan!
Nakalagpas na ako sa finish line at nagsigawan na ang mga tao pero pinaharurot ko pa rin ang motor ko papunta sa kinaroroonan nung garapata at feeling chix.
Nagugulat silang tumigil sa ginagawa bago ko pa sila mabunggo, nagpreno agad ako. Halos 1 inch na lang ang pagitan.
"What the hell are you doing? Muntik mo na akong masagasaan! You b*tch!" Bulalas ng garapata.
"Wag mokong magb*tch-b*tch dyan baka ipainom ko sayo ng buo ang tubig sa beach!" Tumingin ako sa gago na kasalukuyang nakangisi. Mukhang alam niya na ako ito. Tinanggal ko ang helmet ko.
"Do you think na matatakot moko?" Malanding sabi ng babae.
"Sa kamao ko, hindi ka matatakot? Tabi nga!" Tinulak ko siya ng buong lakas kaya humampas ang katawan niya sa ibang tao. Paki ko! Pisatin ko pa siya.
"Madrigal!" Lumingon ako sa tumawag sakin at yung feeling matibay ang bungo. Napangisi ako at nanunuya syang tignan.
"Tawag moko?" Nakakaloko kong tanong.
"Anong pakiramdam ng natalo moko? Lakas mo makatyamba." Aniya at ngumisi.
Natawa ako at hinarap sya. "Pakiramdam ba kamo? Hm. Syempre, nawalan ng gana."
"Bakit? Dahil nakatyamba ka lang? Actually, pinagbigyan lang kita." Mayabang nyang sabi kaya mas lalo akong natawa.
"Nakakawalang gana dahil akala ko kasing tibay ng bungo mo yang galing mong kumarera pero mukhang magaling ka lang sa pandaraya."
"Iniinsulto at minamaliit mo ba ako, Madrigal? Sipatin mo yang talas ng dila mo, baka mamaya pipi ka na." Nagtawanan ang iba pero hindi ko pinansin. Lumapit ako sa kanya at pinagpagan ang balikat nya. Saglit pa akong tumingin sa gagong nasa tabi bago magsalita.
"Pakihanap ng paki ko. Hm?" Nakakaloko kong sabi at tumalikod na pero hindi nakaligtas sa pakiramdam ko ang papalapit nyang kamao kaya agad akong humarap at yumuko kasabay ng paglipad ng kamao ko papunta sa panga nya. Napaatras sya.
"P*tang*na!" Mura nya at susugod na sana pero humarang si Gago. Nakatalikod ito sakin kaya kaharap nya yung feeling matibay ang bungo.
"Accept your defeat. Get lost!" Walang emosyo nyang sabi. Sinilip ko yung sinapak ko at nakitang nagtatagis ang bagang nya. Ngumisi ako at nagbabye pa kaya galit syang tumingin sakin at kay gago bago umalis.
Napabuntong hininga ako at hinilot ang leeg ko bago tumalikod at maglakad.
"Where are you going?" Tanong nung gago!
"Heaven! Wanna come?" Sarkastiko kong sabi. Sinuot ko ulit ang helmet ko at sumakay sa motor ko.
"Heaven? Anong klaseng heaven ba yan?" Nakangisi niyang sabi. "Oh! And by the way, nice game Ms. Jealous Racer!"
"F*ck you!"
"Free to f*ck me." Kumindat siya at lumapit sakin, tinanggal nya ang helmet ko bago nilapit ang mukha nya sa tainga ko at bumulong. "Nagsisimula na akong magustuhan ka. Get ready if that's the case."
Tumalikod na siya pero may sinigaw pa na kinalaglag ng panga ko.
"VIRGIN!"
YOU ARE READING
Malandi! Pero sayo lang.
De TodoUsing him is my plan in the first place. Nothing more, nothing less. But what if I fall in love with this dimwit? Will this person catch me? Or let me suffer like what 'them' did.