Reaching out

18 1 0
                                    

So ayun. Nakilala namin si Althea Marie Suanes. Yup, sya yung nakita namin sa cafeteria noon. Grabe. Mabibingi kami sa katahimikan niya. Sinusubukan namin siyang daldalin kaso puro tango lang ng ulo ang sagot niya sa amin. Tapos magrereklamo kung wala siyang kausap.

Iumpog ko kaya ulo niya sa pader?

Sampalin?

Pitikin sa tigyawat?

Hmmm. Wag na nga lang.

"Uhm Abby, Nina. Sorry to cut you off ha? Pero I'm trying to focus kasi dito sa binabasa ko. Don't worry, after my exams, I'll try to mingle with you guys, if that's okay with you.." sabi ni Thea.

Nagkatinginan kami ni Nina. Okay. What just happened. Haha. Napahiya kami ng konti doon. Tapos naramdaman ko na lang bigla na kinalabit ako ni Nina sa legs ko sa ilalim ng table.

"No it's okay, we'll just go nalang sa library, right, Abby?"

"Hehe.. Oo nga, sige thea, see you next time."

After namin magpaalaman sa isa't isa, ayun. Nagpunta muna kami sa restroom.

"Girl, do you smell something?"

"Malamang. Nasa cr tayo. Malamang may maaamoy ako. Tsss."

"Ha. Ha. Very. Funny. What I mean is that... Do you smell something fishy kay Thea?"

"Wala naman. Sobrang bait nga niya eh."

Tapos ayun. Umalis na kami sa restroom, them we head off to the library. Tapos naabutan namin si Rick my loves. Yup. Crush ko yan since elementary kami. Teka, idedescribe ko sya.

Matalino, gwapo, magaling kumanta, magaling sumayaw, matakaw, funny kahit corny, tapos sweet, close sa family niya, nakasalamin, at madasalin. Dun ako nainlove sa kanya. Almost perfect na nga eh.

"Hi abby,"

"Hello fafa Rick!!!!" (sabay kapit sa braso niya)

Kinurot ko sya sa braso sabay bulong, "Huy, Nina, ang landi ha. Tumigil ka nga!"

"Aray ko naman girl. Okay, okay fine."

Ayun. Nanahimik ang bruha.

"Hi Rick. Musta?"

"Okay naman, ikaw? Tagal na nating di nagkita ah. Gumaganda ka lalo!"

"Asus. Nambola ka pa. Salamat, hehe."

Daldalan lang kami ng daldalan sa library at wala kaming natapos. Nakakadistract kagwapuhan ng kasama namin eh. Hihi. Honglondeeeeh.

Tapos napatingin ako sa may dulong table. Nakita ko si....

"Oh Thea! Hi.. Upo ka dito sa amin oh.."

Sabay dabog niya. Tapos irap sa amin. Lalo na sa akin.

"Problema nun girl?"

"Ewan ko dun. Yaan mo na."

I'm Latching On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon