The Beginning

20 1 0
                                    

June 16, 2010

Hi. Ako si Abby, nickname ko lang yun. My full name is Abigail Sofie L. Garcia. And I am a sophomore. First day of school, and I am really excited to meet new friends as well as new teachers. I'm not that shy type of person. Kasi gusto ko, marami akong kaibigan. Totoong kaibigan.

Sa past school ko, napakarami kong lalaking kaibigan. And yup, ang tingin ng maraming girls sa akin ay malandi. Sus. Kaya gusto kong mga lalaki ang mga friends ko, kasi walang kaarte arte ang mga to. Less drama din.

Ayoko kasi sa mga nagiging kaibigan ko eh yung sobrang arte. Nakakarindi. Nakakainis. Yah alam ko, mayaman ako, maganda and etc, pero pinalaki ako ng parents ko na maging humble sa sarili. Ayaw nilang lumaki ako na puro kaartehan lang ang alam sa katawan. That's why I really adore my parents so much. Yee. Dagdag baon nanaman pag narinig nilang pinupuri ko sila. Hehe.

Di naman ako loner. In fact besides sa mga lalaki kong kaibigan, may tatlo din akong babaeng friends. Sila Nina, Maia, at Kayla. Close kaya kami niyan. Diba, girls?

Oh. Ang daldal ko nanaman. 7 am na pala. Nakatambay lang ako dito sa cafeteria ng school. Tapos a---

Aray. Binatukan ako. Bwiset.

     "Hey girl! What's up? Tulala ka nanaman jan."

     "Di ah. Nag iisip lang ako. Masakit yun Nina ha!"

      "Yeah yeah whatevs. Oh btw, nakita mo ba sila Maia at Kayla? Ang sakit sakit na ng paa ko kakahanap sa kanila, buti na lang natagpuan kita dito."

       "Aba malay ko sa kanila. Di naman ako guard para pagtanungan mo ng nawawalang tao noh."

       "Sungit! Oh my. Look at that girl sa dulong table. She looks.... new. Tara, lapitan natin."

        "Okay."
  

I'm Latching On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon