Chapter 14

55 4 3
                                    

Pumasok na ako sa loob ng kotse. Sinulyapan ko si Kurt sa labas kinakausap niya pa rin si Junever. Diyos ko po wag naman po sana silang mag-away. Ilang sandali pa ang lumipas ay natapos na rin silang mag-usap. Kitang-kita ko kung paano sila magtitigan. Binuksan niya ang pinto ng kotse at sumenyas na lumipat ako sa kabilang upuan, siya na raw ang magmamaneho. Sinunod ko naman siya baka makatikim ako eh. Lagot talaga. Waaaahhhhhhh

Huhuh paano to? Di ko magawang magsalita. Nanginginig ako. Magsasalita na sana ako ng maunahan niya ako.

“What took you so long? I’ve been waiting for you for almost 2 hours. Ganun ba talaga katagal maglunch? Nabawasan na tuloy ang oras ng practice mo. O baka naman may GINAWA KAYONG HINDI MAGANDA.” Sermon niya sakin with sarcastic tone.

Okay na sana kahit mapagalitan ako kasi alam ko natagalan ako kasi nageenjoy kami sa usapan namin pero yong sabihan niya ako na may ginawa akong masama? Hindi na yata taman iyon.

“So ganun pala ang  tingin mo sakin? Ha? Na pinamimigay lang ang sarili ko sa kahit na sino? Malandi na ba talaga ako sa paningin mo? Kurt simula ng dumating ako dito sa pinas kayo na ang nakakasama ko at wala ng iba. Mga kaibigan ko rin sila pero ngayon lang ulit kami nagkita tapos pagsasalitaan mo ako ng ganyan? P*t*ng *na! Wala naman akong ibang lalaki ah.”

Nagdadabog ako sa inuupuan ko. Hindi ko na napigilan ang mga emosyong nararamdaman ko ngayon. Galit ako sa kanya dahil sa mga masasakit na salitang binitawan niya. Nakita kong napakuyom ang isa niyang kamao na nakahawak sa manibela. Wala akong pakialam kung magalit man siya sakin dahil mas galit ako sa kanya.

Babae ako at sa mga salitang iyon nasasaktan ako. Sh*t lang. Naiiyak ako. Sa ilang buwan na magkasama kami hindi ako nag-isip ng mga masasamang bagay tungkol sa kanya pero ako gaganituhin niya lang? Lumagpas lang ng ilang minuto ganito na kung magalit? Ha?! Ang kapal ng mukha mo Kurt.

“Stop the car.” Sabi ko sakanya pero di niya ako pinansin. Patuloy parin siya sa pagmamaneho na parang walang narinig.

“I said stop the car right now!.” Sumigaw na ako. Di na kinaya ng damdamin ko ang makasama siya sa sasakyan ngayon. Not now.

Hininto niya naman ang kotse sa may bakanteng area para di na rin maka-abala sa mga sasakyang dumadaan. Pagkahinto ng pagkahinto ng kotse lumabas ako agad at naglakad ng naglakad. Nakita ko naman in my peripheral view na nakasunod lang siya.

I Bet It Is You [IBIIY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon