Chapter 17: Distance Between Us

10 0 0
                                    

I never realized na big deal pala ang pakikipag-ugnayan ni Juan Carlos sa akin. Kaya pala hindi niya ipinakilala ang sarili niya sa akin bilang Prince before. He knows that this will happen. Wala akong kamalay-malay na ganito ang mangyayari…
 
Pasakay na si Juan Carlos sa limousine kasama ang parents niya. Suddenly, cameras and lights were everywhere. Nagsidagsaan na ang reporters.
 
Totoo po bang nagkagusto ang Prince sa isang commoner na Pinay? tanong ng isang reporter.
 
Kilala n’yo po ba kung sino? anong pa ng isa.
 
Boto po ba kayo Duke? Duchess? dagdag pa ng isang reporter.
 
At hindi doon nagtapos ang pagtatanong nila kay Juan Carlos. Hindi sila naubusan ng questions. But neither Juan Carlos nor his parents remained silent and made no answer. Saka nagsalita si Ysabelle.
 
The Duke and Duchess will answer to relevant topics only, I am sorry, Ysabelle implied.
 
Pero makulit ang mga reporter. Parang wala silang narinig. Tuloy pa rin sila sa pagtatanong kay Juan Carlos.
 
Nakasilip lang ako sa kanila. Pero nakita ako ni Juan Carlos at tinawag niya ako.
 
Xandee…
 
Humakbang si Juan Carlos papunta sa kinatatayuan ko. Pero bago pa kami magkalapit, pinigilan kami niTeodore at ng mga bodyguard ni Juan Carlos.
 
Wait! Gusto kong makausap si Xandee… Xandee! sigaw ni Juan Carlos.
 
Wala akong nagawa. Sapilitang ipinasok si Juan Carlos ng mga bodyguard niya sa limo. Saka sila umalis.
 
Then, tears welled up in my eyes. And just like that, the gap between the Queen Bee and the Prince widened even more. Alam kong nariyan lang siya… pero pakiramdam ko, hindi ko na siya maabot. Pakiramdam ko, ang layo-layo na namin sa isa’t-isa.

Dairy Of A Queen BeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon