61

54 3 0
                                    


"Bert, Did you call Anton?"


"Yes, but he's not picking up my calls."



"Paano na yan? Try calling Carolina. Baka sumagot."


"I did, same as Anton. Hindi din sumasagot."

I'm confused of what our parents saying. They tone down their voices para hindi namin marinig ang usapan nila. Yet still, I hear it clearly. But I'm confused..

"I hope Caroline is okay." Napatingin si Dad kay Mom na nakaupo sa office chair nila sa kwarto. I sneakly hide sa labas ng kwarto nila para marinig kung anong meron sa pinag usapan ni Kelly at nila.

"Hon, we know that she's a fighter simula bata pa. She's going to be okay." Sagot ni Mom. Natahimik sila at sinubukan ulit tawagan ang parents ni Caroline.

I don't know what happened but... when Dad's phone ring at sinagot nila ito. Bigla nalang sila umalis agad ni Mom. Nagmamadali ito at hindi napansin ang presensya ko sa labas ng kwarto nila.

-

One thirty AM still our beloved parents is not at home. Kaming tatlo nila Javi ang naiwan sa sala. Habang sila Mara naman ay natulog na sakanilang mga kwarto.

Sinabi ko na rin kila Joe ang narinig ko. Pero kagaya ko, confused din sila sa impormasyong narinig ko sa usapan nila Mom.

Tunog lang ng TV ang namamayani sa sala dahil sa paglalaro nila ni Javi ng COD sa ps4. Habang ako, kinakain ko ang tirang egg tart na bake ni Caroline kanina.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at bumungad si Mom at Dad na inaalalayan ang may benda sa noo na si Caroline. May malaking pasa ito sa braso na siyang napukaw ng atensyon ko.

Tumayo ako sa kinauupuan ko para tulungan sila Mom na alalayan sa paglalakad si Caroline.

"I'm fine." She smiled, "Just eat." Sabi nito, kinausap niya sila Mom at Dad at saka nagpaalam na magpapahinga muna ito.

Tumango pareho sila Dad at nagaalalang nakatingin kay Caroline na mag-isang naglalakad papuntang guess room.

"What happened? Dad? Mom?" Si Joe ang nagtanong. Napatingin sila sakanya at umupo sa couch.

"Klover, Caroline and her friend got into an accident. May nagtangkang mangholdap sakanila kung saan nila sinundo si Klover. Caroline did a stunt. Pinakawalan ng holdaper ang dalawang kasama ni Caroline habang siya ang sumasalo sa bugbog ng holdaper na iyon. The two girls are fine. Si Caroline lang ang nasugatan. Nakuha ang cellphone at mga gamit nilang tatlo. Pero luckily, Kelly go to the nearest police station kaya ayon. Nacontact kami at si Juan." Sabi nito, napaiwas nalang ako ng tingin.

Did she do that? For the sake of her friends safety? Ang kapalit buhay niya?

"What?" Hindi makapaniwalang sabi ni Javi. Nanahimik ako pati si Joe na malalim ang iniisip ngayon.


Napabuntong hininga ang magulang namin at tumayo sa kinauupuan nila.

"Boys, hayaan niyo muna si Caroline. She's not feeling well." Tumango kaming tatlo. "You guys should sleep." Ngumiti silang dalawa bago lisanin ang sala. Nagkatinginan lang kami at ni-isa saamin ay walang nagsasalita.

Kahit ilang araw palang na nakakasama namin si Caroline dito sa bahay. Naging buhay ulit ang bahay namin. Ang papa kasi nito, ang kinukwento dati ni Dad noong bata kami na mayroon siyang matalik na kaibigan tapos kwela daw ang anak nitong babae.

Noong nameet ni Dad ang pamilya nila. Hindi ko mabasa ang tuwa ng magulang namin pareho. Kaya hindi ko sila masisisi na nagaalala sila sakanya. Dahil bilang magulang, magaalala ka talaga kahit hindi mo anak.

"Let's go? Maya nalang ulit." Yaya saamin ni Javi at nauna na itong maglakad. Joe turned off the tv at siniguradong nakapatay ang lahat ng appliances bago kami matulog.


I guess... I need to protect you from now on.

My Dear JuanWhere stories live. Discover now