hi & hello

428 21 0
                                    

• Ara's POV. •

"VICTONARA SALAS GALANG! HINDI KA BA BABANGON DYAN?!"

Agang-aga sigaw kaagad makukuha ko kay Ate Cha. Pero bababa na ako, dahil sa pagkakaalam ko, nakakatakot yan magalit kahit rookie palang ang players mo. Eeh. Tamad parin ako bumangon at nagsikap akong hindi makatulog sa CR.

"Ate Cha, ang iba pong rookies di pa gising oh." sabi ko pero nakapikit na naglakad palabas ng kwarto.

"Anong hindi pa gising? Ikaw nalang hinihintay namin noh!" Ay! Ako nalang pala, hay Victonara.

Nagmadali akong bumaba at umupo sa empty chair na katabi ni Kim Fajardo, my forever favorite setter. Peace tayo ate Mowky! Haha.

"Yan kase, tulog mantika pa!" bulong ni Kim sakin.

"Nagsalita ang hinde." sabi ko at binelatan siya.

"Girls, mainit ang ulo ngayon ng Kapitana natin dahil nalaman niyang hindi siya DL this sem. Kaya makiride nalang kayo, ngayon lang naman." sabi samin ni Ate Paneng.

"Yes ate." sagot namin at sumubo sa food namin. After kumain, nagkani-kanilang gawa na kami. Yung iba umalis na, yung iba nagaayos ng gamit at yung iba maiiwan kasi mamaya pa class nila.

At ako? Hindi po ako sinuswerte kasi 8:47 na at ang first class ko ay 9:10. Hay jusme hagardo na naman ako neto!

"Bye guys! See you later sa training!" sigaw ko at nagmadaling umalis.

*fast forward*

"Cha, hinay hinay lang sa pagpalo. Wag masyadong agressive, kaya nagooutside palo mo eh." sabi ni Coach Ramil kay kapitana.

Kumalma muna si Ate Cha at nagsmile. "Yes po Coach."

"Sige, *prrrrrrt* back to training girls! Sabi ko water break lang, hindi umupo!"

Naglaro kami against each other. As usual, official first six versus team B first six.

OFS: Ate Aby-Ate Cha-Ate Paneng-Ate Liss-Ate Mowky-Ate Mich

TBFS: Kim-Cienne-Camille-Ate Rochelle-Justine-Majoy

(Kunwari s74 rookies na agad sina Justine at Majoy, I'm not sure kung anong year sila nagstart.)

17-21 na ang score, lamang ang team nina Ate Cha. Pero nakita namin na parang pagod na si Ate Mich na magblock at pumalo.

"Ara, ikaw muna pumalit kay Mich. Mika, ikaw pumalit kay Paneng." sabi ni Coach.

Pumwesto na kami ni Mika at nagsimula na ang game. Nadig ni Ate Liss, naset ni Ate Mowky, ako na ang papalo.

*pak!*

"Heeeey! Nice one Ara!" sabi ni Ate Cha at pinat ang head ko na para bang sinasabing 'Good job'. Ganyan naman lahat ng teams eh, magkamali or makascore ka, pupurihin ka parin.

Natapos ang game in 4 sets. Panalo kami. Nung third set, pinalit na uli kami ni Mika nina Ate Paneng & Mich.

-After training-

"Girls, birthday ng captain ng MBT ngayon. Gusto niyo bang pumunta?"

Nagkatinginan kami nina Mika, Kim, Cienne, Carol at Camille.

"Sige coach! Basta may foods!" sabi namin. Yehey libreng pagkain! hmm, yum yum yum!

"Haha, malamang may foods dun. Oh ano? Tara?"

Nagskip kami na para bang Dora The Explorer ang peg, hahahaha!

\MBT DORM/

"Oy Coach Ramil! Lady Spikers! Tara pasok kayo." pagbati samin ni Coach Juno.

At pagkapasok na pagkapasok namin, spotted na ang cuties! Hahaha.

"Psst, Ara. Nakikita mo ba yung nakikita ko?" sabi ni Mika. Nilingon ko siya, there goes her shining eyes. Haha, chix kasi habol eh.

"Alin?"

"Yun oh, si maputing chinito." sabi niya.

Tumingin ako pero isa lang naman nakita kong chinito. Yung point guard ata nila yun eh!

"Sino dyan Miks?"

"Yun oh! Yung naka 21 na tshirt."

Tumingin uli ako. Ahh, so ayun pala. Infairness, maputing chinito nga.

"So, I guess hindi pa kayo masyadong nagkakakilala. Lady Spikers, ito ang Green Archers. Sina *names ng MBT*."

Wow naman, alam na alam ang names.

"Ito si Jeron Teng at Thomas Torres. Two of our rookies."

Napabuga si Mika sa tubig pero si Jeron at ako lang nakapansin.

"Mika, ayos ka lang?" tanong ko at pinipigilang tumawa. Pfft haha. First crush, pahiya na agad. Hahaha!

"Ay, okay lang ako Ara. Buti nga hindi ako nasamid eh." sabi niya sarcastically sabay punas ng labi gamit ang tissue. (Alangan namang yung glass diba? Joke.)

"Okay, chill. Wag iiyak." sabi ko at tumawa. Sinamaan niya ako ng tingin tapos kumuha na kami ng pagkain.

"Ang sarap nito oh," narinig kong sabi ni Ye sa likod ko. "Ay pati ito!" Nilingon ko siya, nakita ko siyang naglipbite tapos nagiisip kung ano kukunin.

"Ano ba naman 'to, sarap lahat ng pagkain eh." Sabi niya, stinretch niya yung right hand niya para makuha yung pangkuha ng beef pero nagshift yung kamay niya sa may gulay.

"Alam mo Ye, wag ka dito maging patay gutom. Andyan sa likod mo crush mo oh." sabi ko ng mahina para hindi mahalata na si Teng yung pinaguusapan namin.

Nag-gulp siya pero hindi niya nilingon si Jeron. Sumunod na siya sakin papunta sa table namin. "Nasa likod ko nga? Oh my gosh!" sabi niya tapos nagblush.

Nag-smirk ako pero nakita ko si Torres na papalapit samin. "Uhh, Ara Galang right?" tanong niya. Tiningnan ko si Yeye, siya naman ngayon yung nagsmirk sakin tapos nagmouth na 'una na ako sayo'. Aish.

"Ah oo. Bakit?" tanong ko. Napakamot siya sa ulo niya tapos tumingin sa teammates niya. Nag-wolf whistle si Kuya LA. (Siya lang kilala ko na senior eh, bakit ba haha)

"Nakalimutan mo phone mo dun sa kuhanan ng plato."

"O-oh. Salamat." sabi ko sabay kuha sa phone ko. Binigyan ko siya ng awkward smile.

"Uhm, I'm Thomas Torres, by the way." sabi niya at nilend ang kamay niya.

"Victonara Galang. Ara nalang." sabi ko at nagshake hands sakanya.

Nagsmile siya, "Ara. Beautiful name. Bagay sayo." sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. Pinagsasabi nito? Mukhang nilalandi ako, chos.

Nanlaki mata niya. "Uhm-uhh, sige. Una na ako. Hehe b-bye!"

Napatawa ako at pumunta na sa table. Huh, weird guy.

"Ikaw Victonara ha, na-kire ka na hmm. Inunahan mo pa ako." sabi ni Mika at tumawa.

"Tigilan mo nga ako Mika. Binalik niya lang phone ko ano ka ba." sabi ko sakanya.

"Okay, sabi mo e." tapos taas-baba ng kilay. Hay nako Reyes.

• Thom's POV. •

"Nice bro! Nakascore ka dun kay rookie ah." sabi ni Kuya Almond at nakipag-high five sakin.

"Rookie lang yun kuya? Halatang magaling na eh." sabi ko. Tunay naman kasi, isang tingin mo palang alam mong malakas na pumalo. Which means malakas na manampal. Hahaha.

"Yown! Natamaan na ang ating Bimby kay rookie." sabi ni Kuya Luigi at tumawa. Nagtawanan rin ang iba naming teammates.

Mukhang may mas-stalk na ako mamaya ah.

----------------------------------------------

Lego Pieces (ThomAra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon