Zyrex POV
SLAM DUNK OST PLAYING.... (alarm clock..)
Minulat ko ang mata ko at kinuha ang cp ko na nakalagay sa ibabaw ng study table ko.. tiningnan ko ito at 5:30AM palang ng umaga.. babalik pa sana ako sa pagtulog ng biglang..
"ZYREXXXX...!!!! Gumising ka na.. magpaenrol ka ng maaga.." sigaw ni mama na nasa kusina pa.
Kahit gustohin ko pa man matulog ngunit ninais ko nalang nma bumangon na at sundin si mama. Tumungo na muna ako sa CR na nasa loob lang ng kwarto ko naghilamos at nagmumog na din pagkatapos ay bumaba na ako..
"Anak.. magprepare ka na at nang makaalis at makauwi ka ng maaga.." wika ni nanay na nagpreprepare na din para pumasok. Namamasokan si Mama bilang katulong sa isang mayaman na pamilya dito sa Quezon City. Kilala ang pamilya na ito bilang isa sa pinakamayaman sa buong Pilipinas.. pero ni isang beses hindi pa ako nakapunta sa pinapasukan ni mama..
"Opo Ma.." sagot ko naman sabay opo na para kumain.. siya nga pala..
Ako pala si Zyrex Jade Reyes.. 17 years old at mag-gragrade 12 na ako ngayon pasukan. Kaya nga pupunta ako ngayon sa school na kung saan ako lilipat dahil na din sa scholarship na nakuha ko sa musika.. well di naman ako gaano katangkad nasa mga 5'7 lang height ko tapos maputi, matangos ang ilong red lips kasi walang bisyo ayyy basta..
***
Pasado 8:00AM na ng makarating ako sa tapat ng gate ng Ashford Academy na kung saan ito ang lilipatan ko na school. Gate palang makikita mong mayaman talaga ang school na to.. Mataas ang standard ng paaralan na ito. Pagkapasok ko ng school ay nalula ako sa laki ng school. di pa ito ang kabuuan kasi harapan palang ito di ko alam kung ilang ektarya ito..
Patuloy ako sa paglalakad sa hallway ng makabangga ko ang isang lalaki.. ako naman kasi naglalakad ng palingon lingon..
"Ahmm sorry po.. di ko po sinasadya." wika ko sa lalaki..
"Okay lang.. magpapaenroll ka din bah?" tanong naman nito sakin..
"Opo.. saan po bah dito ang Aries Hall?" tanong ko naman sa lalaki..
"Ahmmm siya sabayan na kita.." yaya naman nito sabay niti.. pero ang cute nya sa ngiti nya.. kita ko pa ang mapuputi nyang ngipin at pantay-pantay pa.. weeww.. pamaypay nga.. haha
Well para malaman nyo yep I'm gay pero di ako nagsusuot ng pambabae at di rin ako nagmamake-up mas lalo na hindi halata sa galaw at pananalita ko na bakla ako.. uso na yun ngayon hahaha.. nakikiuso lang charoot.. hindi ahh ganyan na talaga simula't sapul palang.. haha
Patuloy kami sa paglalakad papunta ng Aries Hall.. Tahimik parin kaming naglalakad ng..
"Ahmm.. bago ka lang bah dito?" tanong nya sakin sabay tingin.. tengene... wag ganyan matutunaw ako..
A/N: Landi ng p**a.. beke nemen gurll..
"Ahh.. uu nakakuha kasi ako ng Scholarship.. " pagpapaliwanag ko naman.
"Ahh so Social Care Society ka?" tanong nya sakin..
"Ahmm uu.." sagot ko naman sabay yoko.. nkakahiya naman.. alam ko kasi talagang mayayaman lang ang nakakapag-aral dito.. kung mayroon man ang nasa SCS pero iilan lang din at di nagtatagal.. ewan cguro binubully or talagang mahirap lang sa school na to..
"Okay lang yun.. SCS ka o hindi pareho lang yun.. siya nga pala.. andito na tayo.. iwan na kita may pupuntahan pa ako.. sundin mo nalang yung steps na anjan sa papel.." sabi nito sabay talikod at umalis na..
YOU ARE READING
One of A Thousand
General FictionA story of 2 young rich teens that grow in a wealthy environment. Time will come that a simple teenage gay will test their determination, patience, endurance, faithfulness, and sacrifice in life. One teenage gay that will change their entire life.