CHAPTER 3 HALLUCINATIONS

112 5 0
                                    

SERENA

"Hi twin!" masiglang bati ni Selene sa kabilang linya. Narinig niya pa ang pag iyak ng mga pamangkin niya na mukhang inaalagaan ngayon ng kakambal.

"S-selene...."

Nagulat naman si Selene sa kabilang linya sa tono ng kambal.

"Hey Yna what happened? Where are you? Are you okay? Why are you crying?" Sunod-sunod na tanong ni Selene kay Serena.

Napangiti naman si Serena sa pag aalala ng kapatid. Mula pagkabata, inalagaan na nilang magkapatid ang isa't isa. Maagang pumanaw ang kanilang mga magulang na sina Dijon Cane Lopez at Penelope Yshten-Lopez dahil sa aksidente na kinasangkutan nila nang mga bata pa sila. Hindi nakaligtas ang mga magulang at hinihinalang kalaban sa negosyo ang gumawa at hindi basta aksidente ang nangyari. Lumaki sila ng kakambal sa kanilang Lola Via at Lolo Fabian.

Malaki ang pamanang naiwan sakanila ng kakambal kaya pinamunuhan muna ng kanilang lolo at lola kasama ang mga tiyuhin at tiyahin na sina Tito Kale at Tita Licorice ang kanilang negosyo bago ipasa sakanila pag nakatapos na sila ni Selene.

Nang makapag tapos sila ay hinawakan na nila at pinagtulungan ang Lopez Industries na may hawak na mga hotels at resorts sa bansa. Katulong pa rin nila ang kanilang Lolo at Lola kasama ang kanilang mga pinsan na sina Maximillian at Coraline na mga anak ni Tito Kale. Ang mga pinsan naman nila kay Tita Licorice na sina Saffron at Mace ay hawak ang negosyo ng mga Veracruz na hindi nalalayo sa linya ng Lopez Industries.

"Yna! Nag aalala ako sayo! Asan ka? Adam! Ipahanda mo yung kotse pupuntahan ko si Serena! Umiiyak sya dali" sigaw ng kambal nya sa asawa nitong si Adam Adler. Bestfriend ito ng asawa niya at may-ari sila ng chains of resorts here and abroad. May negosyo din silang advertising agency na hinahawakan ng panganay nila na si Arkin Adler, kababata din namin ang magkakapatid na Adler dahil kaibigang matalik ng mga magulang namin ang mga magulang nila.

"S-sese... Don't worry about me. Got some flu today kaya medyo paos ako. I'm not crying! Ako pa ba? Hahaha!" Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kakambal ko ang nangyari samin ni Calvin. Kilala ko si Selene, baka kung ano pa ang gawin nila ni Adam once na malaman nilang may babae si Calvin at nabuntis niya pa ito.

Pero hindi din naman maitatago ito ng matagal lalo na at malapit na kaibigan ni Adam si Calvin. Paniguradong malalaman din nilang iaannul ang kasal namin.

"Are you sure? Gusto mo samahan kita sa hospital? Ano ka ba naman Yna, pinababayaan mo yang sarili mo, si Calvin ba umuwi na sainyo?"

Pagkabanggit sa pangalan ng asawa ay tumulo nanaman ang luha niya na mabilis niyang pinahid at ngumiti kahit na hindi siya nakikita ng kakambal.

"O-oo, andito siya. Nasa office niya at may inuwing trabaho.. I told you I'm fine.. I just missed you that's why I called" pagsisinungaling niya sa kakambal.

"Yna, kambal tayo. Alam mong nararamdaman ko kapag masaya ka o nasasaktan ka, at nararamdaman kong malungkot ka. Sabihin mo saken, may problema ba?"

"W-wala Sese, I just miss you and the twins. Gusto ko lang kayong kamustahin kaya ako napatawag"

"Awww, I miss you too twin. Dumalaw naman kayo ni Calvin dito namimiss na kayo ng mga bata.. Dalhan mo daw sila ng favorite nilang Choco Chip Cookies na gawa mo"

Napangiti siya nang mabanggit ang mga pamangkin, kambal ang anak nina Adam at Selene.. Dalawang babae, sina Khloe at Klaire Adler. Sobrang cute ng mga pamangkin niya at naaalala nya silang dalawa ni Selene noong mga bata pa sila pag pinagmamasdan nya ang mga ito.

Bigla nanamang kumirot ang puso niya. Malapit si Calvin sa mga pamangkin niya at sabi nito na sana ay magka anak din sila ng kambal tulad nina Adam. Pero sh*t mukhang hindi na mangyayari yun.

Hello Again, Ex-Husband (YCC Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon