Chapter 1

66 2 4
                                    

Matayog

NANGINGINIG na pinindot ni Talitha ang door bell sa harap ng matayog na Gate, sa tayog nito'y di niya maaninag kung ano ang itsura ng loob. kulay itim ito na may gintong dragon sa gitna. hindi lang ito ang nagpapanginig sakanya kundi ang pagiging creepy ng buong paligid.

Napahaplos siya sa kanyang braso ng makaramdam ng kakaiba, lumibot ang kanyang paningin. Maliban sa mga naglalakihang puno at malalagong damo ay wala na siyang makitang ibang bahay at Mag-isang nakatayo lamang ang gate na ito sa gitna ng gubat sa katunayan nga'y halos dalawang oras siyang naglakad makarating lamang rito, ang taxi kasing sinakyan niya ay di na kayang ipasok sa loob ng gubat kaya napilitan siyang maglakad nalang.

Kinagat niya ang ibaba ng kanyang labi, kundi lang nakasalalay ang kanyang scholarship ay di siya mapipilitang gawin to mukha pa namang may sayad sa utak ang magiging amo niya "kuno''.

Muli siyang pumindot ng mapansin niyang walang nagbukas ng gate, mukha atang di narinig ng taong iyon ang pag doorbel niya. Nang wala ulit nagbukas ay magkakasunod siyang pumindot at ganun na lamang ang gulat niya ng bigla itong bumukas.

Sa gulat nagusot ang hawak niyang maliit na papel, ito ang binigay sakanya ni Mr. Sevadra nong kinausap siya sa office nito. Naglalaman ito ng pangalan at address ng magiging amo niya sa loob ng dalawang buwan. Kumbaga magiging summer job niya ito.

Napatingin siya sa loob at hinanap kung sino ang nagbukas pero wala siyang makita. Mukhang kahit sa gubat ito nakatirik ay high-tech ito. Nagkibit balikat na lamang siya at nakikiramdam na dahan dahang pumasok sa loob. Ngunit agad siyang napatigil at manghang napatitig sa napalaking mansyong gawa sa glass na nasa harap niya. Napapaligiran ito ng magagandang bulaklak.

Sa tanang buhay niya ngayon lamang siya nakakita ng ganitong klaseng mansyon maliban lamang sa mga Internet at TV, parang di tuloy siya makapaniwalang mag-isa lang ang taong iyon na nakatira dito.

Yon nga langmukhang malayo pa ang lalakarin niya para makapunta sa mismong entrance ng mansyon.

Nang makarating siya sa mismong harapan ay napangiwi siya ng makita ang reflection sa glass na dingding. Malayo sa totoo niyang itsura ang nakikita niyang reflection ngayon.

Nakasuot siya ng sobrang  luwang na kamisita na tinirnuhan niya ng mahabang sayang abot sakanyang sakong at may makapal na antipara.

Ito ang gusto ni Mr. Sevadra na maging itsura niya sa loob ng dalawang buwang paninilbihan, kailangan daw niyang magpanggap na pangit, kung ano ang dahilan ay di niya alam basta ang alam niya ay kailangan niya itong pagbutihan para magkaroon ulit siya ng scholarship.

Bakasyon naman kaya pag-iigihan niya ang trabaho total bukod pa daw sa scholarship ay mayroon din siyang buwanang sweldo. "Hindi na masama''

Nagtuloy-tuloy siya sa pagpasok ng kusang bumukas  ang front door- high-tech talaga! Pero agad ding napatigil ng sumalubong sakanya ang napakagandang itsura ng loob,kung maganda na ang labas ay doble ang ganda nito sa loob punong puno ito ng mga magagarbong kasangkapan na ngayon lang niya nakita, she can't believe na may ganitong klaseng kagandang mansyon sa gitna ng gubat napakayaman siguro ng nagmamay-ari nito.

Bago pa man siya makabawi ay  isang malamig at baritonong boses ang nagsalita at naghatid sakanya ng kakaibang kilabot.

"Who are you?''

Tumaas yata ang lahat ng balahibo sakanyang katawan dahil sa boses na iyon. Sexy ito at may pagkahusky pero mahahalata ang lamig sa diin ng pananalita nito. Inilibot niya ang paningin at hinanap kung saan ang pinangagalingan ng boses ngunit wala siyang makita.

"Ahhmm, a-ako po si Thali, ang bago niyo pong k-katulong.''

Manginig- nginig niyang sagot, hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan  pero ang alam niya sa mga oras na iyon ay nanlalambot siya.

DEVIOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon