Chapter 3

15 2 0
                                    

Panaginip

NAGISING mula sa mahimbing na pagkakatulog si Talitha, mabilis niyang iminulat ang mga mata at pinakiramdaman ang paligid .

Napahawak siya sa kanyang mga labi  pero ang nakakapagtaka nakasuot siya ng maluwang na damit hindi manipis na sando at mahabang palda hindi pajama?  At saka bakit gabi pa hindi ba dapat umaga na?

Mabilis siyang bumangon at lumabas napatigil siya sa paglalakad ng marinig niyang may nagsalita galing sa speaker katulad ng nangyari nong una siyang dumating.

"I'm glad you're already awake! Akala ko mamatay na ako sa gutom kakahintay na gumising ka!''

Kumunot ang noo niya ng marinig ang boses nito galing sa speaker. Nakakapangilabot sa sobrang lamig pero ang nakakainis lang ay kung magsalita ito parang walang masamang ginawa sakaniya ah.

Hindi siya umimik.

"What are you waiting for? Ipagluto mo ko kanina pa ako gutom mula Nong dumating ka!''

Mas lalong kumunot ang kanyang noo. Anong sinasabi niyong kanina diba dapat kagabi eh kahapon siya dumating eh?

Magtatanong na sana siya ng biglang tumunog ang ang kanyang cellphone agad niya itong binuksan ang sinagot ang tumatawag.

"Kamusta ka?'' tanong ng ni Mr. Sevadra siya ang nasa kabilang linya.

"Okay lang naman". Maikling sagot niya.

"Kinausap ka na ba ng amo mo? Anong sabi niya sayo mula ng dumating ka kanina?''

"Kanina?  Diba- sheems! Kanina lang ba akong dumating hindi kahapon?''

"Yes, ms. Talitha, hindi ba't kararating mo lang kanina?''

Napatingin siya sa kalendaryo na nakasabit sa glass na dingding. Oo nga't ngayong araw nga siya  dumating at hindi kahapon. Ibig sabihin lahat ng akala niyang nangyari at panaginip lang?

Sheems! Hindi siya totoong hinalikan ng kanyang amo dahil ang totoo'y di pa niya ito nakikita at panaginip lang ang lahat!

Napakunot noo siya, nalilito at nagtataka.

Mr. Sevadra ang ibig niyo po bang sabihin, kararating ko lang kanina?

Muli niyang tanong sa kausap.

Mahabang katahimikan ang
dumaan maya-maya'y narinig niya ang pagbugtong hininga ng nasa kabilang linya.

"Ms. Talitha sa palagay ko'y napagod ka sa naging byahe mo kanina kaya ka ganyan, di na ako magugulat dahil sa layo ng lugar na iyan mula dito sa atin." Sabi nito.

Napaisip siya kung ganon tama nga na kanina lamang siya dumating.

"So ano na po ang gagawin ko ngayon? Kapagkuway tanong niya.

"Sa ngayon sundin mo muna ang  inuutos niya sayo at huwag mong kakalimutan ang pinag-usapan natin lalo na yong kung paano ka kumilos diyan, naiintindihan mo ba?"

Huminga siya ng malalim saka siya tumango na animo'y kaharap ang kausap.

"Makakaasa po kayo."

Sagot niya bago pinatay ang tawag saka siya lumabas papuntang kusina. Sa ngayon ipagluluto niya muna ang amo niya.

Habang humahakbang siya palabas, napapaisip siya pakiramdam niya may mali dahil bawat paghakbang niya'y nare-realize niyang di niya matandaan ang mukha ng kanyang amo kahit anong pilit na pag-alala at paghalukay sakanyang utak ay di niya maalala ang mukha nito.

Iisa lang ang ibig nitong sabihin . Totoo ngang panaginip ang lahat.


MULA sa monitor na nasa harap ng binata malaya niyang nagpagmamasdan ang babaeng nagluluto sa loob ng kanyang kusina.

Pinagmasdan niya ito ng mabuti, Alam niyang sa likod ng mga kasuotan nito ay may itinatago itong ganda. Alam din niya kung bakit ito ang ipinadala sakanya imbis na matanda at kulubot na. Napakuyom ang kanyang palad sa sobrang frustration, kahit kailan talaga mahilig siyang suwayin ni Marcos. Tumiim ang kanyang bagang at mulibg bumalik sakanyang ala-ala ang itsura ng kanyang bagong katulong. Pakiramdam niya'y nanuyo ang lalamunan sa naalala.

Mabilis siyang tumayo  at isinuot ang kanyang hoodie tinakpan niya ang kanyang ulo at nagsuot siya ng face mask. Mukhang matagal pa bago ito matapos kaya naisipan niya munang lumabas ng veranda para magpahangin.

Pakiramdam niya kasi'y naninikip ang kanyang dibdib sa ala-alang kanina pa nagpupimilit pumasok sakanyang utak habang pinagmamasdan niya ang babae.

"Kamukhang-kamukha niya ito. Not again! Please not again!"

Tumingala siya sa madilim na kalangitan, sa halos limang taon niyang pamamalagi sa loob ng mansyon na ito na nakatirik sa gitna ng ng kagubatan, wala siyang ibang ginawa kundi tumingala sa langit.

Umaasang mabubura non ang mapait na nakaraang matagal na niyang gustong ibaon sa limot. Ang buong akala niya'y ang pagtalikod sa kinalakihang siyudad ay makakatulong sakanya para mag move on  ngunit nagkakamali diya dahil mas lalo siya nitong ginawang uhaw.

Ang pagdating ng bago niyang katulong ang muling gigising sa natutulog niyang pagkatao.

Napahilamos siya sakanyang mukha! Galit siyang napatingin sa kanyang pintuan papasok. Kinuha niya ng ang kanyang cellpone at binuksan ang isang apps na konektado sa kanyang cctv at pinanood ang ginagawa ng kayang katulong.

Dahan-dahan niyang pinasadahan ng tingin ang katawan nito. Hindi niya alam pero kahit mahabang palda ang suot nito ay parang may nabubuhay sakanya. Lalo pa at sila lamang na dalawa ang magkasama sa lugar na ito nasa gitna ng kagubatan.  May imahing unti-unti nabubuhay sakanyang isipan, isang erotikong imahe!

Agad siyang napalunok at mabilis na inilis sa isip ang kanyang naiisip at muling ibinalik ang tingin sa monitor.

Mukhang tapos na ito at hindi alam kung ano susunod nitong gagawin. May pinindot siya saka nagsalita.

"Bring your cooked food to the front of my room door, third floor, first door from the elevator."

Saad niya, kita  niya sa monitor na napatalon ito sa gulat. Napalingon lingon pa ito sa paligid.

"NOW!'' saad niyang na may diin.

Dahil doon ay aligaga itong sinunod ang utos niya.

Napangisi siya sa naging reaction nito. Napasandal siya at ibunulsa ang kamay. Mula sa kanyang bulsa nakapa niya ang maliit na botilya na may lamang pulang likido. Agad niya iyong kinuha at itinapat sa liwanag. Kumislap ito sa tulong ng liwanag ng buwan. Matagal siyang napatitig dito. Saka binitawan ang mga salitang kahit na sino mangingilabot sa lamig ng boses nito.

"I got you, no turning back!"









Happy reading!

















Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DEVIOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon