Simula

87 3 3
                                    

Talitha

Mabilis ang ginawang pagtakbo ni Talitha, bitbit niya ang basket na puno ng pinamitas niyang gulay galing sa kanilang bakuran. Tagaktak ang kanyang pawis dahil sa katirikan ng araw.

Pero hindi iyon ang kanyang kanyang pinoproblema kundi ang kanyang oras, late na kasi siya sa kanyang pinapasukang universidad!

Hindi naman niya magawang magreklamo dahil mahina na rin naman ang kanyang mga magulang kaya kahit na kakapusin na siya ng oras ay naisipan niya munang ipagluto ang mga ito bago maligo at pumasok.

Inilapag niya ang basket sa ibabaw ng kanilang lumang mesa at nagumpisa ng maghiwa ng mga sangkap na gagamitin niya sa pagluluto. Mabilis ang kanyang naging kilos,wala pang isang oras ay natapos na siyang magluto.

Mabilis siyang naghain at tinakpan iyon upang hindi dapuan ng langaw sigurado kasi siyang mamaya pa gigising ang kanyang mga magulang upang kumain pati na rin ng kanyang nakakabatang kapatid.

Nakahinga siya ng maluwag ng sa wakas ay natapos siya sa kanyang mga kailangang gawin ang ibig sabihin lamang nitoy makakapasok na siya.

Tumingin siya sa kanilang nakasabit na orasan at ganun na lamang ang pagkuripas niya ng takbo ng makita tatlumpong minuto nalang mahuhuli na siya sakanyang unang klase.

-

"Tali!!!!"

Muntik ng madapa si Talitha sa biglaan niyang paghinto ng marinig niya ang pagtawag ng kanyang kaibigan mula sa kanyang likuran.

Naghahabol siya ng hiningang tumingin siya dito.

"Prem, nakakagulat ka naman bakit?''

Kumunot ang noo niya ng makitang worried ang mukha nito at mukhang may malaking problema..

"Ano kasi pinapatawag ka ni Mr. Sevadra!'' may pagaalinlangan ang boses nito pero hindi na niya iyon pinagtuunan ng pansin. Bakit naman siya pinapatawag ni Mr. Sevadra?

Si Mr. Sevadra ang presidente ng kanilang campus, sikat ito at kahit na estudyante rin itong katulad nila'y ginagalang parin ng mga estudyante dahil sa bukod na ito ang presidente ay may usap-usapanan na pamilya din daw nito ang nagmamayari ng kanilang unibersidad.

Napalunok siya. "Bakit naman niya ako ipinapatawag?''

"Wala rin akong Ideya eh... Pero besty kinakabahan ako!! Diba ang ipipatawag lang ni Mr. Sevadra ay yong mga Student na may nagawang kasalanan sa campus!!! Besty, may ginawa ka ba?''

Concern nitong tanong sakanya, bahagya pa nitong hinawakan ang manggas ng kanyang lumang blouse.

"Ano ka ba, wala no! Bakit naman ako gagawa ng kalokohan eh alam mo naman ang sitwasyon ko, baka mamaya niyan tanggalan pa nila ako ng scholarship pag nagloko ako, alam mo namang yon lang ang inaasahan ko para makapagtapos.''

Pagdedepensa niya habang pinupunasan ang tumulong pawis mula sakanyang noo.

"Hay naku, sige na punta ka na don sa office niya baka mamaya magalit pa iyon, saka besty baka naman..''

Huminto ang kaibigan niya panandalian at mula sa pagiging concern nito ay bigla bigla itong parang nangisay sa kilig at inabot sakanya ang isang pulang box .

''--ibibigay ko sana yan sakanya kanina kaso bigla ka niyang hinanap sakin nagulat nga ako kung bakit ka niya kilala muntik na akong magselos kung hindi ko lang naisip na baka may ginawa ka lang mali kaya ka niya hinahanap kaya ito napilitan ang beauty kong hanapin ka....baka naman pwedeng pakiabot yan kay Mr. Sevadra..''

Napataas ang kilay niya, oo nga pala muntik na niyang makaalimutang baliw na baliw pala itong kaibigan niya sa presidente nila at halos araw araw iba iba ang binibigay nito rito. At hindi na siya magtataka kung bakit, moreno ang binata, matangkad at matalino. Active nga ito araw araw sa actividad ng campus nila.

DEVIOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon