CH 1: Mahirap tanggapin.

92 4 0
                                    

Asha's POV:

Mahirap ang mag-isa, ngayong wala na ang papa at mama ko..

Mahirap tumayo sa sarili kong paa ngayong wala na sila..

Di ko man lang sila nayakap sa huling sandali..

Pano na ko? Pano naaa?!

Nagulat ako ng biglang may humimas sa likod ko at sabing

"Tahan na, kukupkupin ka namin ng Tito Sam mo, kami na muna ang magpapaaral syo total yan naman ang napagkasunduan ng daddy mo at ng iyong tito Sam nung maliit ka pa.."

Niyakap ko si Tita Alice ng sobrang higpit.

*FLASHBACK*

Asha: Ma, wag po kayong bibitaw!

hawak ko ang kamay ni mama sa pangambang mahulog sya sa barkong aming sinasakyan na malapit ng lumubog..

*END OF FLASHBACK*

"Halika na Alice at Asha, umuwi na tayo, malapit ng umulan" sabi ni Tito Sam.

Mabait silang mag-asawa. Palibhasa ay bestfriends sila ng mga magulang ko. Next year ay college na ako. Pinamana na din naman sa akin ang business ni papa na si Tito Sam na muna ang bahala habang nag-aaral pa ako..

sa bahay nina Tito Sam..

"Candy at Apple! Halika yo dito." tawag ni tito Sam sa kanyang mga maids.

"Bakit po, Sir?" ikaw ng dalawa.

Nakakatawa itong kambal na maids ni Tito Sam dahil halos sa lahat ng bagay ay parehas na parehas sila. Maging sa pananamit, style ng buhok at kung ano ano pa.

"DIto na nga pala muna titira si Asha, alam nyo naman ang nangyari diba? Sge ihatid nyo na sya kwarto nya at isunod nyo na din ang kanyang mga gamit"

Walang anak sina Tito Sam at Tita Alice dahil sa sobrang busy nila sa work kaya ako pa din ang pinakabunso dito sa bahay na ito. Medyo okay na din un kesa naman may makaaway ako pero di naman siguro kung meron silang anak.

"Sige iwan nyo na muna ako pakisabi nlng kina tito at tita na maraming salamat" sabi ko sa dalawa.

"Sige po ma'am, tawagin nyo na lang po ako pag may kailangan kayo ha." sabay nilang sabi.

Pagkasara ng pintuan biglang tumulo na naman ang mga luha ko, marahil ay di ko pa kasi tanggap ang nangyari sa mga magulang ko. Na sa isang iglap ay bigla nlng sila nawala sakin. Ng dahil sa barkong sinakyan namin. 

Binuksan ko ang tv para kahit papano ay maibsan ang lungkot na nararamdaman ko..

"tatlong bangkay pa ang natagpuan sa Puerto Princesa ng.." pinatay ko na ang tv dahil mas lalo lang akong napaiyak sa narinig ko sa tv. Iyon ang trahedyang kinasangkutan ko. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, di ko din alam kung sino ang sumagip sa akin. Di man lang ako nakapagpasalamat. Di ko din alam kung nakasurvive ba sya or namatay dahil sa pagkakasagip sakin, naku wag naman..

Bigla na lang may kumatok sa pintuan ko..

"Asha, si Tita Alice to, okay ka lang ba?"

"Nako napalakas ata ang iyak ko.."

"Papasok ako ha, ayos lang ba?"

"Ayos lang po tita, halika po kayo.."

"Halika, iiyak mo lang yan" sabay yakap ni Tita Alice sakin. Hindi ko mapigilang umiyak at humagulgol dahil mabigat ang aking damdamin.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa kanya..

Believe it or NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon