Chapter 10: Happy Birthday

484 3 1
                                    

#Sandra'sPOV

(Clock strikes 12)

September 21 na nga. Birthday na ni An.

"Bby, happy happy birthday! May God bless you w/the desire of your heart. I love you so much! Ikaw lang Anthony Nathan Ignacio! Have a blast! Sana maging masaya ka. Thank you sa pag-iintindi sakin sa pagiging moody ko. Wag ka'ng magsawa. See you later. Diretso na lang kami diyan sainyo. Alam ko naman di ka papasok. I love you bby!"

text ko sakanya.

Nagpathank you lang siya at nagpaalam na matutulog na. Nagtataka ako sa pagiging malamig niya sakin ngayon. O baka nasanay lang talaga ako na sweet talaga siya. Sana wala naman nagbago at saking pakiramdam lang to.

--Dismissal na.

Cass: Sino sasama kina An?

Renzel: Kami'ng lahat. Ako, Tino, Michael, Ceazar.

Rhianne: Pati kami sis.

Cass: May dala na ba kayo'ng pampalit o uwi pa kayo?

Angela: Ako meron na ko'ng dala.

Lileth: Kami ni Sophie uniform na lang.

Cass: E kayo? (Baling ko kina Tino)

Tino: Tara samahan niyo na kami sa dorm. Bihis lang kami saglit.

Cass: Oh magkita na lang tayo sa sakayan kaya? Sama niyo na sina Sophiw. Bibili kasi ako ng cake. Para diretso na.

Renzel: Osige. Mabuti pa nga.

Nauna na ko sakanila. Bumili ng cake, nakasulat..

"Happy Birthday Bby!

I love you!"

Sa box naman e nag gupit ako ng mga papel at sinama ko doon yung mga sulat na nakalagay sa parepareho'ng gupit na construction paper at siyempre yung pabango.

Papunta na kami kina An. Medyo naeexcite ako pumunta ulit don. Sa reaction niya, kung matutuwa ba siya o ano.

Cass: (Sabay hug ko kay Anthony) Bby happy birthday! I love you.

Thank you! (Kiss niya sakin)

(Binuksan ko yung box ng cake at sinindihan ang kandila)

Nagkakantahan ng happy birthday.

Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday happy birthday happy birthday to you!

Cass: An, make a wish.

(Pumikit siya sabay blow sa candle)

Anthony: Guys thank you! (Tawa niya)

Ng mag-isa sa kusina si Anthony linapitan ko siya at iniaabot ang kahon.

Anthony: Bby, thank you ha! Di naman kailangan ng ganto e.

Cass: Minsan lang sa isang taon yan. At gusto ko'ng gawin sayo yan.

Masaya ako at ikaw ang naging girlfriend ko. (Yakap niya sakin ng mahigpit)

Ramdam ko ang pagmamahal niya sa mga sandaling iyon. Ang pinagtatakahan ko lang e yung panlalamig niya nito'ng mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung napapano siya. Kung may problema ba o dinaramdam ba siya. Mahal ko siya at ayoko'ng may gumagambala sa isipan niya.

Nag-iinuman na kami. Kami kami lang talaga andito. Pati iba sa mga pinsan niya.

Renzel: Pre ano'ng regalo sayo ni Cass?

Anthony: Pabango pre.

Renzel: L*ko! Kaluguran na ka talaga ne? (L*ko! Mahal ka niya talaga no?)

First True Love (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon